Chapter 1

64 20 4
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

👄: Chan-dri-ya • Rey-ji

                              
                             ***

"Tapos nyo na film nyo?"

Umupo si Kisha sa tabi ko at kinalabit ako. Narito ako ngayon sa tapat ng senior high building, nakaupo sa benches habang kumakain ng kikiam na binili ko sa labas.

"Mukha bang tapos na kami?" inirapan ko ang pinsan ko. Hinidi na ata kami naghihiwalay neto. Simula nursery hanggang senior high ay mag kaklase kami rito sa Mater Carmeli School.

"Malay ko ba! magagaling mga kasama mo, e!" sagot nya sakin. "Kami tapos na, pede nang mag shot mamaya!" pagpaparinig nya. Napalingon ako sakanya ng marinig ko ang sinabi nya.

"Saan?" tanong ko.

Last part na lng naman ang kailangan naming e-film kaya pede naman siguro akong sumama sakanila. Tutal, Friday ngayon at wala naman kaming klase bukas.

"Bagong bukas na bar dun kina Jean" sagot nya sakin, hinihintay ang reaksyon ko.

"Layo!" agad na nag iba ang mukha ko.

Iinom na ngalang, sa malayo pa! Ang dami dito eh!

"Choosy kapa? libre ni Jean transpo, G na? Inaya ko sina Maxine. Papunta na sila! tsaka manlilibre rin si Eirin papakita nya daw satin new crush nya sa Guevara" pagpupumilit niya sakin.

"Pag-iisipan ko" kinuha ko ang phone ko sa bag at chinat ang ka grupo ko sa film. Pumayag naman sila na sa linggo nalang daw namin tatapusin ung film.

Humarap ako kay Kisha at ngumisi. "Sige na nga."

"Pabebe ka pa, papayag ka rin naman" inirapan nyako at hinatak ako patayo. "Dali na, naghihintay na siguro si Jean sa labas. Susunduin pa pala natin si Zella"

"Ang lapit-lapit lng nun, bat kailangan pang sunduin?! Maglakad nalang siya dito. Pag pogi dinadayo niya dito sa Mater!" reklamo ko habang naglalakad kami palabas ng gate.

Sinundo namin si Zella sa school niya. Pinagalitan ko si Zella dahil nagpapasundo pa siya pero mukhang wala siyang pakialam dahil may tinatype sa phone.

"Hoy, nakikinig kaba?" tanong ko.

"Wala akong time sa kadaldalan mo, Chandria Faith Manuel, may hangover pako!" iritadomg sagot ni Zella habang nag tatype parin sa phone niya.

"May hangover tapos iinom ulit ngayon? ang lupet mo sis!" pang-aasar ko sakanya. "Kamusta na pala kayo nung nilalandi mo?" biglang tanong ni Jean.

"Ayun, ghinost ako" sagot ni Zella.

Natawa kaming apat sakanya.

"Tinatawa-tawa nyo jan? wala naman kayong mga jowa" inis na sabi ni Zella.

Natigil tuloy ako sa kakatawa. Masakit yun, ah "Atlease hindi ako ghinost" ganti ko.

"Nye nye, mamaya ka sakin. Madami mga students doon, hahanapan kita ng Stem student kapag lasing kana. Duwag duwag kadin kasi minsan, e!" pambabash sakin ni Zella. Inirapan ko naman siya.

"Ayoko ko sa taga Guevara!" sabi ko.

Binaba ni Zella ang phone niya para tignan ako. "Bakit naman? hindi rin naman nag seseryoso mga yon! proven and tested!"

"Basta ayoko!" sagot ko.

"Gaga, landi lng naman para ka namang naghahanap ng mapapangasawa"

Nagtalo pa kami sa kotse hanggang sa makarating kami sa bagong tayo na bar daw na sinasabi ni Kisha. Hindi naman pala talaga siya bar katulad ng sinabi ni Kisha, isa lng siyang malaking covered court na may mga food stalls. Scammer ka talaga Kisha!

Malapit lng to sa bahay nina Jean at ang Guevara School kaya madalas mong makikita ang mga estudyante rito lalo na kapag hapon o gabi.

Nakita kaagad namin sina Eirin at Maxine sa iisang table. Nauna pa pala tung si Maxine samin! Naka order na rin sila ng tatlong bucket at tong si Eirin mukhang good mood pa.

"Come on! Dalian nyo maglakad so we can start na! May chika pa ako!" salubong ni Eirin.

"Yuck red horse!" sabi ko pagkaupo namin. "Soju nalang ako" dagdag ko pa. Ayoko lng talaga maglasing ngayon.

"Weak mo naman!" pang-babash sakin ni Zella. Kanina pa talaga ang babaeng to!

"Oh eto, san mig" sabi ni Maxine at tinulak sa harap ko ang isang bucket at sujo.

Mayroon ding Smirnoff. Lasang sprite lng din naman yon.

Nagsimula nakong uminom habang nakikinig sa kwento nitong si Eirin. May new crush daw siyang matalino at football player sa Guevara na lagi daw niyang nadadaanan sa may field. Hindi pa raw niya nakakausap pero sigurado siyang single ito dahil inistalk niya ito sa facebook at nagtatanong sa mga kaibigan nito.

"Ayan siya oh" sabi ni Eirin sabay turo sa isang table.

Sabay kaming lumingon. Nakita namin ang grupo ng mga kalalakihan na umupo sa isang table. Mga 6 ata sila, may kasama silang dalawang babae. Mukhang magkaka-klase silang lahat na pumunta dito.

"Sino dyan?" tanong ni Kisha.

"The one wearing black" pabulong na sabi ni Eirin.

"Bobo, tatlo ang naka black!" binatukan siya ni Zella.

"The one wearing a cap" pag detail ni Eirin.

Pasimple kaming tumingin at nakitang gwapo nga yong crush nya pero parang mas na gwagwapuhan ako dun sa katabi nya. Medyo maputi, sakto lng ang height, gwapo at mukhang matalino din. He's wearing a grey shirt, a pair of black short and a pair of black shoes.

Habang nag kwekwentohan kami nina Eirin, panay parin ang tingin ko sa gawi ng lalake kanina. Tahimik lng siya at paminsan-minsan ngumiti. Napatigil ako ng biglang nagkatinginan kami nung lalake at tumayo siya para sundan ang babaeng naka purple dress.

May girlfriend na ata.

"Hoy, Chandria! may pogi? share mo naman! kanina kapa jan nakatingin sa kabilang table, e!" biglang sabi ni Kisha.

"Ano? w-wala!" tanggi ko.

"Alin jan sakanila?" tanong naman ni Jean.

"Wala nga" iritadong sagot ko.

"Wait, let me name them for you guys" sabat ni Eirin sa usapan.

"The girl wearing a purple dress is Amanda, the one wearing pink skirt and pink croptop is Ashley and the one wearing a cap is Gio, crush ko of course, he's so pogi kasi! The other two boys were Leo and Filip and the one wearing a grey polo is Reiji"

Reiji.

So that was his name.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now