Chapter 11

22 10 2
                                    


Sumunod ako sakanya habang tinetext si Kisha na aalis kami ni Reiji. Nakakakilig namang sabihin yon. Nang makasakay kami sa kotse niya, hindi ako makadaldal. Ngayon ko lang naramdaman ang hiya. Bakit ko kasi sinabi yon?!

Nangmakarating kami sa condo niya ay dumiretso kaagad siya sa sofa. Umupo siya sa sahig at nilabas ang mga papel niya. Hindi man lang niya ako pinansin! Wala man lang pa welcome, ganon! Wala man lang 'So this is my place' or 'Sorry medyo magulo' Mga typical lines ba kapag may bumibisita sa bahay.

Umupo ako sa sahig, sa may tapat niya at nilabas ko rin ang libro ko. 'Until We Met Again' ang binasa ko, tungkol sa anghel na-nagkagusto sa tao. Wala naman akong exam or quiz bukas kaya magbabasa nalang muna ako at tsaka nakakahiya naman na uupo lang ako dito tapos wala akong gagawin.

Tahimik lang kaming dalawa at halos hangin lang sa aircon ang naririnig ko. Tinry kong sumulyap sa binabasa ni Reiji pero wala akong maintindihan.

"What?" Tanong niya ng mahuli aking nakatingin sa binabasa niya.

"Yan full pala full name mo?" Turo ko sa nakalagay sa papel niya. "Reiji Ace Gutierrez?"

Tumango lang siya at hindi nagsalita. Ang ganda ng pangalan niya tapos ung apilyedo, bagay na bagay sakin! Chandria Faith Gutierrez. Chos!

"So mag-isa kalang dito?"

"No, nandito ka diba?"

"May kasalanan bako sayo, ha?"

Bakit ba ang sungit niya ngayon? Tapos namimilosopo pa! It was so unlike him.

Tinignan niya lang ako at hindi sumagot. "Galit kaba sakin?" I asked again. Ano bato ang gulo! Bakit hindi nalang niya sagutin ng maayos ang tanong ko!

"Why would I be?"

"Bakit ba sinasagot mo ng tanong yung tanong ko?"

Hindi ako naiinis pero naiinis ako! Ano raw??!! Naiinis ako pero crush ko parin siya at kinikilig ako kapag sinusungitan niya ako. Normal bang mainis at kiligin at the same time?

Hindi nanaman siya sumagot at pinagpatuloy ang pag highlight niya. Ngumuso ako at nag cellphone nalang. Umupo ako sa couch at inaya si Andrei na mag ML. Pumayag naman siya kaagad pero one game lang daw kasi break time daw nila. Nag-voice call pa kami habang naglalaro. Ang bilis ng date niya, ah!

[Ako top] sabi ni Andrei.

"Sama ako" Mahinang sabi ko dahil baka maingayan si Reiji. Hindi ako masyadong nag-ingay habang naglalaro kaso nakakainis talaga mga kasama. Mga kanser!

[Attack natin ung Lord]

"Siraulo, Andrei, nasaan kana ba? Mamamatay nako rito!"

Nakita kong tumingin sa gawi ko si Reiji na nakakunot ang noo. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko dahil baka naingayan saakin.

"Bobo, Andrei, huwag kang sumugod! Back! Di natin kaya yan" Reklamo ko. Stressed nako, girl!

[Tangina, bobo kakampi! Walang ambag!]

Napatigil ako ng kuhanin ni Reiji ang gamit niya at lumpita sa breakfast table para malayo saakin. Kinagat ko ang labi ko at hinintay na matapos ang laro.  Nanalo parin naman kami at ako ang MVP. Galing ko talaga!

Tinago ko ang cellphone ko at dahan-dahang naglakad papalapit sa gawi ni Reiji.

"Sorry sa ingay" I cutely apologized.

Hindi siya sumagot at nag highlight sa libro niya na parang walang narinig na sinabi ko.

"Okay, hindi na kita guguluhin. Aral ka lang diyan" I tiptoed my way back to the sofa.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now