Chapter 3

36 19 2
                                    


Nang makarating kami sa condo ni Eirin ay natulala ako sa mga inomin at pulutan na naka lagay sa mesa.

"Grabi! kaya ba natin toh ubusin?" tanong ko at kinuha ang bote nang smirnoff. May Jack daniels, Black label, Alfonso at The bar pink din. "Oo nga, anim lang naman tayo ah?" sabat ni Maxine. "Chill guys, inaya ko rin kasi ibang friends ko" sagot nya.

Wala pang isang minuto ay may kumatok sa pinto ng condo ni Eirin. Pagkabukas ni Jean ay bigla namang lumitaw si Gio, Leo at dalawa pang lalake. Biglang nagbago ang mukha ko. Akala ko ba girls lang??!!

"Sup, Gio" bati ni Eirin sa crush nya. Wow, friends agad?

"Sanaol! friends agad kay crush" pagpaparinig ni Kisha. "Diko na siya crush noh!" umupo si Eirin sa tabi ni Kisha sa couch.

"May new crush nako" dagdag pa niya.

Ang bilis naman makahanap ng bago nito.

"May listahan kaba ng mga crush mo, ha? Kapag nireject ka ng isa, cross out agad sa list mo?" tanong ni Kisha.

"9 lang kaya crush ko!"

"9?!"

"Kung 10, edit maharot nako! kaya 9 lng!"

"Psst! sino yang naka black na polo?" biglang tanong ni Zella.

"Oh, that's Axel" sagot ni Eirin.

"Gio, Leo, Axel, Filip tara na!" aya ni Eirin. Lumapit naman sila sa table at umupo. Iniwan naman ako ni Zella dito mag isa sa couch at tumabi sa lalakeng tinuro nya kanina. Fake friend talaga tong si Zella, iniwan ba naman ako.

Umupo nalang ako sa tabi ni Kisha at uminom din. "Where's Reiji nga pala?" tanong ni Eirin habang nag iinoman kami. "Probably in his condo studying, malapit na kasi exam namin" sagot ni Gio. "Malapit lng naman sayo ang condo nya, want me to call him?" dagdag pa ni Gio.

Agad namang lumiwanag ang mukha ko. Tinignan naman ako bigla ni Kisha. "Oo tawagan mo, para ganahan naman tung friend namin" siniko ako nang mahina ni Kisha.

"Pass daw" sabi ni Gio sabay lagay ng phone sa bulsa nya.

Mas nalungkot tuloy ako! Nakakainis naman! habang nag iinoman kami ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang pasan ko na lahat ng problema sa mundo.

_____________________________________________________________________♡

"Kish, labas muna ako" paalam ko kay Kisha. Tumango lng siya habang katabi si Filip sa couch. Si Zella naman ay sa kwarto ata ni Eirin, kasama si Axel
Baka may milagro na silang ginagawa dun! wag naman sana, ayoko pa maging ninang!

Si Jean, Maxine at Eirin naman ay nasa table parin. Nag iinoman parin sila nina Gio at Leo.

Naisipan kong pumunta sa 7/11 para bumili nang ice cream at dutchmill na strawberry flavor, favorite ko.

Magbabayad na sana ako nang maalala na naiwan ko pala ung wallet ko sa couch. Alangan naman sabihan ko ang cashier na ibabalik ko nalang ung kinuha ko. Nakakahiya!

Panic na panic na ako dahil hindi ko alam ang gagawin nang biglang may pamilyar na boses akong narinig sa likoran ko. "I'll pay"

Si Reiji!!

Nakangiting kinuha nang cashier ang pera. Crush din ata si Reiji, aagawan pa ata ako, e!

Nang maka bayad na si Reiji ay dali dali ko naman siyang sinundan palabas ng 7/11.

"Thank you, bayaran kita mamaya pagka rating sa condo" diretsong sabi ko.

Hindi nyako pinansin at patuloy paring nag lakad.

"Hi, ako ung babae sa school nyo nung nakaraan" pagpapapansin ko. "Ano strand mo?" dagdag ko pa.

"Stem" tipid na sagot nya.

"Ako, ABM" sagot ko habang sinusundan parin siya sa paglalakad.

"Mag-eengineer ka noh? ano trabaho ng parents mo?"

"They're both doctors" sagot nya pa.

Ano to, Q&A? fast talk? tipid nya magsalita.

"Family of doctors. Buti pinayagan ka mag engineer?"

He did not answer. He just looked away.

I think I hit the wrong spot. Natahimik tuloy ako. Ang daldal ko kasi! ayan tuloy, na off ata siya!

"What's your name?" He asked after a long silence.

Bakit nya tinatanong pangalan ko? hindi naman sa assumera pero baka crush nya na ako!

"Bakit mo tinatanong?" tinaasan ko siya ng isang kilay, kunwari hindi kinikilig.

"I can't?" tanong niya.

"Aadd moko sa facebook?"

"I don't use facebook"

"But you have one?"

"Yes" he simply answered.

I laughed a little. "Chandria Faith Manuel" pagpapakilala ko.

"How shall I call you?" he asked.

"Chandria. Just call me Chandria" I replied.

Tumango siya at tinalikoran na ako para bumalik na sa condo nya.

Bakit ang bilis yata nang oras? naka balik na pala kami sa condo? at tsaka tatlong room lng pala ang layo ng condo ni Eirin at Reiji!

"San ka nang galing, Chandria?" nag-aalalang tanong ni Maxine.

"Bumili lang nang ice cream" simpleng sagot ko at pinakita sakanila ang plastic na hawak ko.

Umupo ako sa couch at doon kinain ang ice cream ko nang biglang may kumatok sa pinto. Bisita bato ni Eirin? nagmakaawa pa siguro to sa magulang para payagan makipag inoman kaya late.

"Reiji?" gulat na sabi ko.

"Where's Gio?" tanong nya.

"Dun sa loob, lasing na" binigyan ko nang daan si Reiji para makapasok sa loob.

"Hey, bro! let's drink, come here" aya ni Gio sakanya.

Hindi siya pinansin ni Reiji at umupo sa couch.

"Why are you here?" tanong ko at umupo sa tabi nya. Landi ko talaga!

"I'm taking them home" tipid na sagot nya.

"Bakit hindi mo na sila iuwi ngayon?" tanong ko pa.

"I'm waiting for them to pass out"

"You smoke?" tanong ko. Syempre para sure kung good boy ba talaga.

"I already stopped" maikling sagot nya.

"Ang hirap mo kausapin, no? Ang ikli-ikli nang sagot mo palagi!" Hindi nyako pinansin at kinuha nag phone nya.

Nang matapos nang mag-inoman sina Eirin at Gio ay nagpatulong si Reiji kay Filip para buhatin sina Leo at Gio palabas nang condo ni Eirin para ihatid sa mga bahay nila. Si Axel naman ay nasa kwarto parin ni Eirin. Blessing nanaman toh!

Pagkaalis nina Reiji ay hindi na ako nag expect na magpapaalam siya sakin. Sino ba naman ako? future girlfriend nya lang naman. Hindi nga lang nya alam.

Binuhat rin namin ni Maxine sina Eirin at Kisha papunta sa isang kwarto pa ni Eirin para mas comportable silang matulog.

"Asan si Zella?" nagtatakang tanong ni Maxine.

"Doon sa isang kwarto ni Eirin. May milagro atang ginagawa kasama si Axel" sagot ko naman.

"Gago! halika puntahan natin baka may masama nang nangyari kay Zella" agad naman akong sumunod kay Maxine papunta sa kwarto ni Eirin.

Pagkabukas namin nang pinto ay nakita naming natutulog lng silang dalawa nang mahimbing. Sa sahig si Axel at sa kama naman si Zella.

Thank you G!


















I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now