Chapter 2

45 18 1
                                    


"Chandria, samahan moko sa Guevara" tinapik ako ni Kisha sa likod.

"Baket, anong gagawin mo dun?" hinarap ko siya.

"May kailangan lang kunin. Dali na! samahan mo nako" sagot niya at hinatak ako patayo.

"Oo na!" dali-dali ko namang kinuha ang bag ko at sinundan siya.

Sabay kaming lumabas ng gate at sumakay nalang sa taxi, hindi kasi dinala ni Kisha ang sasakyan nya at diko rin nadala ang BMW ko.

Nang maka rating kami sa Guevara ay napa-nganga ako sa laki ng school. Kung dito siguro ako nag-aaral siguradong mawawala ako sa lapad nito.

"Dito ka muna, may kukunin lng ako dun sa loob" sabi ni Kisha at pumasok na sa isang office. Principals Office ata? ano namang kukunin niya dun?!

Walang isang minuto ay may napansin akong naglalakad at nakita ko ung lalake! si Reiji! Naka black shirt lng siya at jeans. May kausap siyang lalake na may kaedaran na. Naglalakad sila sa hallway. Maya-maya huminto sila sa tapat ng isang pinto at pumasok ang matandang lalake. Faculty siguro?

Sumandal si Reiji sa pader habang ako nasa tabi niya at nag kukunwaring nagphophone. Ang awkward!

I heard him chuckle kaya napalingon ako sa kanya. Hindi naman niya ako tinitignan, anong tinatawanan niya?

Binalik ko ang tingin sa phone ko nang ma realize na baliktad iyon at nag kunwari pakong nag tatype.

Tinago ko nalang ang phone ko sa bulsa at umalis para hintayin sana si Kisha sa labas ng gate pero gusto kong kausapin si Reiji! Kaso wala naman akong masabi! Sumandal nalang ako sa pader katabi niya. After a while na isipan ko nang tanungin siya.

"Guevara?" I asked.

He nodded. Nanahimik ulit kaming dalawa.

"MCS?" he asked after a few seconds.

Tumingin ako sa uniform ko. Hindi ba obvious? may logo ng MCS ito at sa I.D lace ko.

"Yes" sagot ko.

"Grade 12?" tanong nya pa.

Wag kang tanong nang tanong baka isipin kong interested ka sakin!

"Yes. Ikaw? grade 12 ka din?" hula ko.

He shook his head. "No, college"

"Chandria! anong ginagawa mo jan?" Nagulat ako nang biglang lumabas si Kisha.

Napaayos ako ng tayo. Napatingin din si Reiji sakanya. Tumingin si Kisha kay Reiji bago ibinalik ang tingin sakin.

"Uy, hi! Ikaw ung sa bagong bukas na inoman dba?" bati ni Kisha. Mas makapal talaga ang mukha nya sakin kaya siya na ang kumausap.

"Ay! di niya siguro tayo nakita! Friends pala kmi ni Eirin" dagdag pa ni Kisha at ngumiti.

"Nice to meet you two" sagot ni Reiji.

May sasabihin pa sana si Kisha nang biglang lumabas ang lalakeng kasama ni Reiji kanina kaya sumunod na rin si Reiji sakanya.

"Bat ang tagal mo!" reklamo ko.

"Wala, tara na!" sagot ni Kisha at hinatak ako.

____________________________________________________________________♡

"Mauna kanang umuwi, may bibilhin pako" paalam ko kay Kisha.

"Sige, bilhan mo na din ako ng burger" agad na hinawakan ni Kisha ang palad ko at nilagay doon ang pera.

"Wag na" sagot ko at binalik sakanya ang pera.

"Ingat ka ha!" paalam niya sakin at nag flying kiss pa.

Pagkatapos kong bumili nang mga highlighter at pad paper ay doon ko lng namalayan na gumagabi na pala.

Umupo muna ako sa wating shed para maghintay ng jeep na masasakyan. Napa awang ang labi ko nang makita ko si Reiji. He's wearing a grey hoodie and a pair of black short

Nakatitig ako sakanya sa gulat, lalo na noong huminto siya sa paglalakad dahil tumunog ang phone. Napaupo siya sa tabi ko pero may kunting space sa pagitan naming dalawa.

"Oh?" sagot niya sa phone niya.

Napalingon ako sakanya. Nakatagilid siya saakin kaya napansin ko ang tangos ng ilong at jawline niya. Ang ganda naman ng side profile nya.

"Yeah, I'll give it to you tomorrow" nilagay nya ang isang kamay sa bulsa ng hoodie.

"What? wala ata ako nyan, bro" sagot niya ulit. Agad akong napaiwas ng tingin nang kumingon siya saakin. Nagkunwari akong pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan. "Okay" At tsaka niya binaba ang phone nang hindi inaalis ang tingin saakin.

Ganito pala feeling ng may nakatingin sayo! Gina gantihan ata ako.

Tapos na siyang makipag-usap sa phone pero nanatili parin siya sa tabi ko. Hindi naman sa assumera ako pero baka gusto nyako kausapin. Charot! assumera lng talaga ako.

"Anong oras na, bat wala paring jeep" kunwaring sabi ko kahit wala naman akong kausap. "Magagabi na" dagdag kopa.

Narinig kong medyo natawa siya sa ginawa ko dahil kinakausap ko ang sarili. Lumingon ako sakanya pero nakatingin lng rin siya sa harapan.

"Sorry, I didn't bring my car"

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nya yon. Mukha ba akong nagpaparinig? Hindi naman un ang intension ko!

"Ako ba kausap mo?" nagkunwari pa akong walang alam.

He shrugged. Hindi man lng ako sinagot! Buti pako  sasagutin kita kaagad. Chos

Tumayo nalang ako at umakyat sa overpass para tumawid sa kabila. Tumayo lng ako doon para mag hintay nang masasakyan.

Pagka-uwi ko, parang sinagot ni Lord ang dasal ko dahil binalita ni Kisha na nag aya daw ulit si Eirin na bisitahin daw namin siya sa condo nya sa friday. Nalulungkot kasi siya at tsaka papakainin at papainomin din daw niya kami.

"Ano, pupunta tayo?"

"Oo naman!" mabilis na sagot ko.

Kumunot ang noo ni Kisha at binaba ang phone nya para tignan ako. Ngumiti lng ako sakanya.

"Dati pag naririnig mo ang lugar nina Jean at Eirin, unang reaksyon mo 'layo'!" sagot ni Kisha. "Ngayon oo agad? walang pagpipilit? magpakipot ka naman! may crush kalang dun sa lalake last time, e" pang-aasar pa sakin ni Kisha.

Friday na nga at iyon ang araw na napagdesisyonan naming mag sleepover nila Kisha sa lugar nina Eirin. Halfday lng kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers kaya nauna na kami ni Kisha papunta sa school nya dahil susunduin pa namin siya. Siya ang nag drive nang BMW ko dahil tinatamad ako.

"Pasok na tayo sa loob!" pilit ko kay Kisha.

"Landi mo" inirapan nyako pero pumayag din naman dahil nag papasundo si Eirin sa monfort hall.

Habang hinihintay namin si Eirin ay umupo muna kami sa parang hallway. May bench kasi dun.

"Ang daming pogi!" kinikilig na sabi ni Kisha. "Ayun oh ung naka puti, tapos ung katabi nya, sarap sa eyes" bulong nya pa.

"Huwag kang magulo, may hinahanap ako" tinulak ko ang mukha nya palayo sakin.

"Ang laki-laki kaya ng Guevara, sa tingin mo makikita mo yun? huwag ka nang umasa!" sagot nya.

"Ayun siya!" kinurot ko si Kisha.

Nakita ko si Reiji na naglalakad kasabay ang dalawang lalake. Siya ang nasa gitna habang nagkukulitan ang dalawa nyang kasama. Isa roon ung crush ni Eirin at ung Leo ata.

He was wearing a simple maroon shirt and a pair of black shorts partnered with black shoes.

"Hey, Rei" bati ng isang babae na nakasalubong nila. Napasimangot ako.
Siya ata ung Amanda?

"Hoy! Chandria, tara na, nandyan na si Eirin!" napalingon ako kay Kisha.

Hinatak nya ako kaya napatayo ako at kinuha ang bag ko.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now