Chapter 4

32 16 3
                                    


Noong monday, nagmamadali akong mag lunch dahil hindi kopa nagawa ang assignment ko.

"Tangina, ang haba naman nang pila!" reklamo ko. Kaya sa KFC ko nalang naisipang mag lunch. Nagmamadali akong lumabas dala-dala ang mabigat na folder at bag ko.

Habang naka-upo ako sa table nang KFC ay aksidente kong nasagi ang drink sa mismong assignment ko. Halos maiyak ako sa sobrang stress. Pinipigilan ko nalang sumigaw. Wala na akong panahon mag breakdown kaya gumawa nalang uli ako nang bago.

Laglag na siguro ang buhok ko galing
sa bun dahil stressed na stressed akong gumagawa nang assignment at syempre kung saan mukha akong tanga roon pako makikita nang crush ko.

Kumaway ako sakanya nang mag tama ang tingin namin. Feeling close si anteh!

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko.

"You okay?"

Muntik ko nang mabitawan ang ballpen na hawak ko nang maramdamang tumabi siya saakin. Huwag naman sana akong ma distract ngayon, kung kailan may ginagawa ako!

"Oo" maikling sagot ko. 

"Need help?"

"Wag na, kaya ko na to"

Nakatingin lang siya saakin at inalok sakin ang hawak nya. "Water?"

I smilled at him a little. "Thank you pero may ginagawa ako. Mamaya mo nako landiin" mabilis na sabi ko.

Napatigil ako nang ma realize ang sinabi ko.

"Kausapin! mamaya mo nako kausapin!"

The side of his lips rose up, trying to stifle a smile. Hindi ko na ulit siya pinansin at nag focus uli sa ginagawa ko.

"Okay, mamaya nalang" tumayo siya at iniwan ako.

_________________________________________________________________♡

"Hoy! may saan punta mo?"

"Secret!"

Kumaway ako kay Kisha pagka bigay ko nang assignment sa president namin. Siya na raw ang mag bibigay kay Sir kasi absent. Mabuti na nga lang at absent.

Pinagsisihan ko tuloy na tinaboy ko si crush. Pano ko na siya hahanapin ngayon? Di naman kami friends sa fb, wala rin akong number nya.

Naisipan kong tumambay muna sa mall at bumili nang milktea na winter melon. May mga nakasalubong akong taga Guevara na kilala ko rin kaya kinakawayan ko nalang. Halos malibot ko na ang mall pero hindi ko parin makita si Reiji!

Lumabas ako sa mall at naisipang pumunta nang plaza malapit sa mall. Umupo nalang ako sa isang bench doon.

Nagpaganda pa naman ako para sakanya. Nag pulbos ako at naglagay nang liptint. Nagpabango pako at inayos ang buhok ko.

Napangiti ako sa mga batang naglalaro sa harapan ko. Parang kami lang ni Kisha at Jean noon. Malapit lang din kasi ang bahay nila Jean noon saamin bago sila lumipat sa lugar nang daddy nya.

"Hey"

Napaawang ang labi ko nang makita ko si Reiji sa harapan ko. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan rin ang mga batang naglalaro habang may hawak na Starbucks cup sa kabilang kamay. Hindi ako nakapagsalita. Na-starstruck ata ako.

Nakaputing shirt lang siya at black pants at puting sapatos. Bakit kahit ang simple nang suot nya, ang lakas parin nang dating nya sakin?

"How are your assignments?"

Napatingin ako sakanya. Wow, kinakausap na nya ako ngayon? ano kayang nakain nito?

"Tapos na. Napasa ko na kanina. Buti nalang absent ung teacher kaya may time pa akong mangopya" pagbibiro ko.

"Ikaw, kamusta studies mo?" tanong ko naman.

"Fine"

Ngumuso ako. Tignan mo, ang ikli talaga ng sagutan. Tumayo ako at napatingala siya sa akin.

"Tara, bibili ako chips. Sama ka?" tanong ko.

Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya para hatakin siya patayo pero nahiya ako slight. Mabuti nalang at tumayo rin siya at naglakad papasok sa mall.

"May kapatid ka?" tanong ko. Tumango lng siya. "Ilan? anong pangalan?"

Dinamihan ko na talaga ang tanong para marami rin siyang masabi.

"We're 3. I'm the middle child. My brother is in college and my little sister is only 4"

Ang cute naman. I like men who were good with kids. Nakikita ko na tuloy ang future ko with him. Char!

Mga ilang oras din kami nag-usap ni Reiji. Medjo madaldal din pala siya.

"Sige, uwi nako" paalam ko sakanya.

"Paano ka uuwi?" tanong nya.

"Jeep. Ikaw ba?" tanong ko.

"Hatid na kita" nauna siyang maglakad palabas nang mall.

Napaawang ang labi ko sa sobrang gulat pero sumunod narin ko sakanya. Tama naman ang narinig ko dba?! Hatid! ihahatid nyako gamit ang kotse nya! For the first time!

Level up! Anong sunod? Mag-uusap kami gabi-gabi? Mag-aaya na siya nang dinner? Pipilitin nyako kumain dahil ayaw nya ko magutom? Ipapakilala nya ako sa parents nya? Tapos next week hindi na siya mag rereply dahil sasabihin nyang busy daw pero makikita ko siyang may kausap nang iba? Char!

Binuksan na nya ang mustang nyang itim kaya sumakay na lng rin ako at nagsuot ng seatbelt. Tahimik lng kami sa byahe. Tinuro ko lang kung saan ang condo namin. Wala na! Alam na nya kung saan ako nakatira! Baka puntahan nyako araw-araw dito! Char.

"Saan pala bahay nyo?" tanong ko.

"Our house is close to my school" maikling sagot nya.

"Saan?" tanong ko.

He arched a brow. "What are you planning?"

"Grabe ka! Anong ibig mong sabihin? Tinatanong ko lang kasi curious ako! Ikaw, alam mo kung saan ako nakatira tapos ako hindi"

"Haba ng paliwanag" he whispered.

"Aba!" singhal ko. Bastos ugali nito, ah! Pero imbis na mainis ako, kinilig pako.
Grabi na talaga tama ko sayo!

"Near my friends house" sagot niya.

Sino naman kaya ung friend na yun? Si Leo ba o si Gio? Baka ung Amanda? Hindi kaya ung Ashley!!

Hininto niya na ang kotse sa tapat nang lobby ng condo ko. Tinanggal ko ang seatbelt at tumingin sakanya. "Thank you sa hatid" sabi ko bago buksan ang pinto.

"You won't ask me to go up?"

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now