Chapter 6

32 16 0
                                    


"Kish, hindi ba tayo pupunta kina Eirin?"

"Ano nanamang binabalak mo?" inakusahan niya kaagad ako!

"Bonding lang, ganon" pagpapalusot ko.

"Baka landi, ganon"

Tumawa ako ng malakas. Magsisinungaling paba ako? Miss ko na ang crush ko! Joke lang yong move on na yon, tsaka gusto ko rin itanong kay Eirin kung may something ba si Amanda at Reiji.

"Suportahan mo naman ako, please? tsaka gusto ko ring tanungin si Eirin tungkol kina Amanda at Reiji!" pagmamakaawa ko sakanya.

"Edi i-chat mo si Eirin. Actually, nag aya siya sakin kanina, bukas daw"

Lumiwanag ang pananaw ko sa buhay. Agad kong chinat si Eirin at sinabing pupunta kami ni Kisha bukas at sa condo nya kami matutulog. Pumayag naman kaagad si Eirin.

_________________________________________________________________♡

Pagkagising ko ay nag hanap kaagad ako ng gawain sa loob ng condo dahil mamayang 10pm pa ang party.

Pagkatapos kong linisin ang buong condo, nagluto ako ng breakfast namin ni Kisha. Pinicture-an ko ang pagkain namin pagkatapos kong magluto. Pinost ko sa IG story at nilagyan ng 'Good Morning'. Syempre tamang papansin lang ako kay Reiji.

Ang bilis ng oras. Noong kinagabihan, naligo ako at nagbihis na kaagad ng black dress na fitted. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko, nag lagay rin ako ng light make-up at nag suot ng earrings tsaka necklace half moon necklace.

Si Kisha naman ay nagsuot ng white fitted dress rin. Pa-V iyon kaya medyo exposed ang chest nya. Brinaid ko ang buhok nya. Maganda si Kisha kaya minsan nagtataka ako kung bakit ba wala parin siyang boyfriend. Siya naman ang may ayaw. In a relationship daw with her studies.

Nagbaon kami ng extra clothes kasi kay Eirin kami matutulog. Sumakay kami sa Bmw ko at sinundo namin Maxine at
Zella sa mga bahay nila. Si Jean naman ay hindi makakasama dahil nasa states siya ngayon with her family. Si Eirin naman sa bahay ng tita nya. Ewan ko nga kung bakit dun siya sa tita nya tumira ng pansamantala. May family problems ata.

Naririnig kong nagtatalo si Zella at Eirin kung sino ang mauunang makahanap ng lalaki. Napairap ako habang nagda-drive.

"Wag nyo nako hanapin mamaya, ha" pagpapalala ni Zella.

"Pano pag tumawag saamin si tita?" biglang tanong ko.

"Bahala na kayo, basta!" sagot ni Zella.

"Baka kung kani-kanino ka nanaman sumama, ha!" singit ni Maxine sa usapan.

"Kay Axel lang naman yan sasama, dba Zel" siniko ng mahina ni Eirin si Zella.

"Eirin, single ba si Reiji?" biglang tanong lo habang naka-focus parin sa pagda-drive.

"He's single, bakit mo natanong?" nakita kong tumaas ang kaliwang kilay niya.

"Wala"

Nangmakarating na kami, nagpa-valet parking na lang ako. Matindi ko pang binilin kay manong ang BMW ko dahil kakabili lang noon sakin ni Daddy.

Pagkapasok namin sa loob, si Eirin na ang kumausap sa counter about sa couch na naka-reserve na saamin.

Hawak ni Kisha ang palupulsuhan ko habang naglalakad kami sa naka-reserve na couch.

Ang daming commercial ni Eirin! Ang daming nakakausap na kakilala. Halatang palaging nandito, e. Nang bumalik siya sa couch, tumabi siya saakin at kinurot ako sa bewang.

"Hey, Gio and his friends are here!" sigaw nya sa tenga ko dahil ang ingay sa loob ng club.

"Kasama si Reiji?!" sigaw ko rin sakanya.

Tumango siya at tumayo na rin kaagad para mag order ng alak. Kinilig naman ako kaagad at luminga-linga para tignan kung nasaan sila. Hindi ko makita si Reiji! Asan na ba yon!

May Black Label, The Bar, Cuervo, Jack Daniels at Jager. May Red bull din at Coke. Hindi tuloy namin alam kung alin ang uunahin! Si Eirin nag bukas ng The Bar na pink. Warm up daw muna.

"Tara na!" Hinatak ako ni Kisha papunta sa dance floor pero umiling ako. Alam kong nanjan lang sa paligid si Reiji. Nakakahiya!

"Di pako tipsy, mamaya na!" kinuha ko ang Black Label ay ininom iyon, nsg tatlong shot pako ng The Bar na pink bago tumayo.

Ay putcha! nakakahilo!

Nawala rin kaagad ang hilo ko pagkadating sa dance floor. Nakita ko kaagad si Zella na may kasamang lalake sa gilid pero diko mamukaan. Si Eirin naman kinakausap si Gio, yung kaibigan ni Reiji. Asan na pala si Reiji?!

Habang sumasayaw kami ni Kisha, may lumapit na lalaki saakin. Ngumiti ako sakanya.

"Hi!" bati nya. "Hello!" bati ko rin. "My boys wanna know if you're single" turo nya sa grupo ng kalalakihan sa isang table.

"Taken nako!" agad na sagot ko. Syempre Reiji Loyalist to!

"Can you tell me the name of your beautiful friend wearing a white fitted dress?" lumapit ang lalake at bumulong sakin. Si Kisha siguro ang tinutukoy nito. Dahil tipsy na ako, lumapit din ako sakanya at binulong ang pangalan ni Kisha.

Tumango yung guy habang nakangiti at bumalik sa table nila.

Nangmapagod ako kakasayaw sa dancefloor, bumalik kao sa table. Hindi ko na pinansin si Zella na nakikipagharutan sa kabilang couch. Nakakandong pa ang gaga. Maya-maya mawawala na yan. Nagsalin ako ng alak sa baso st sinunod-sunod ang inom bago tumayo paea hanapin si Reiji. Miss ko na siya, eh!

May kausap na babae si Reiji! Nasa couch siya at nakaupo, nagsasalin ng alak habang kausap ang babae. Halata namang hindi siya nakikinig kaya baket ako magseselos?

Umangat ang tingin niya sakin nang makita ako. He didn't even look suprise when he saw me.

"Hey pogi, are you listening?" tanong ng babae.

"Excuse me" tumayo si Reiji at nilapag ang baso sa table bago naglakad at nilagpasan ako.

Wala man lang hi? hello?

Sinundan ko kung saan pumunta si Reiji. Pagkalabas nya sa restroom ay nagtama ang mga mata namin.

He just simply glanced at me and immediately looked away. Hindi ako pinansin at nilampasan ako ulit. Ano bang problema nya sakin?!

"Hey!" sinabayan ko ang bilis ng lakad nya. "Wala manlang hello? parang hindi magka kilala, ah"

Hindi siya sumagot at umupo sa couch. Tumabi ako sakanya pero umurong siya.

"Hello?" nilakasan ko pa ang boses ko.

Hindi parin niya ako pinansin, nagsalin siya ng alak sa baso nya. I could smell it. Black Label.

"So bakit ka nandito?" tanong ko.

He was unresponsive. He was acting like I didn't even exist. Aray ha!

"Leave and speak to that boy you were with earlier" biglang sabi nya na siyang ginagulat ko.

Nagseselos ba siya?!

"Nagseselos kaba?" tanong ko habang pinipigilan ang ngiti.

"I'm not" tipid na sabi nya.

"Nagseselos ka, eh!" pang-aasar ko.

"Bet nun pinsan ko kaya wag ka mag-alala dahil ikaw parin ang icing sa cupcake ko" banat ko.

Hindi nya pinansin ang sinabi ko at uninom ang natitirang alak sa baso nya. Hindi manlang kinilig sa banat ko!

"Hoy Chandria, nandito kalang pala!" lumapit si Kisha sa couch na inu-upuan namin ni Reiji.

"Bakit?"

"Si Eirin at Maxine lasing, si Zella naman, hindi ko alam kung nasaan" Tumabi siya saakin. "Uwi na tayo, hatid na-natin sila" Epal talaga to kahit kailan!

Mabilis kong hinatak si Kisha patayo. "Reiji, alis na kami" paalam ko.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now