Chapter 5

34 17 1
                                    


Nanlaki ang mata ko at nasara ko pabalik ang pinto para lang lingunin siya. "H-huh?" nauutal na tanong ko. "Gusto mo bang umakyat?" dagdag ko pa.

He chuckled. "I'm kidding. Goodbye"

"Okay. Bye!" bumaba ako nang kotse niya at pinanood pa siyang umalis bago umakyat.

Nang maka sakay ako sa elevator, buti nalang mag isa lng ako, sumigaw sigaw ako dahil sa kilig at inayos ko ang mukha ko sa salamin.

Nang makapasok ako sa unit, tumakbo ako at tumabi kay Kisha sa couch. "Anong meron?" nagtatakang tanong nya.

Dumikit pa ako sakanya at pinisil ang pisngi nya. "Ang daming nangyari sa araw nato! Best day ever!!"

"Ano ngang nangyari?" curious na tanong ni Kisha.

"Okay so, nag kita kami ni Reiji tapos sabi ko mamaya mo nako landiin may ginagawa pako tapos sabi nya okay mamaya nalang, tapos nagkita kami sa plaza sa labas ng mall tapos hinatid nyako pauwi, tapos sabi pa nya hindi mo bako aayain sa loob tapos joke lng daw! Syempre ako naman kilig na kilig kahit alam kong sasaktan nya din ako sa huli! Charot!"

Humiga ako sa sofa habang kilig na kilig parin. Mas nakakakilig pala pag kinwento!

"Ang landi mo talaga!" pangbabash nya sakin.

"Ikaw rin naman" sabi ko habang nagiiscroll sa phone ko. Naisipan kong i-add si Reiji sa Facebook kahit ang sabi nya sakin ay hindi daw siya gaanong nagfe-facebook.

Nakita ko ang account nya pero halos lahat ng information nya ay naka hide. Ano ba yan! Napaka private na tao! Yung current profile picture nya lang ang nakita ko. Naka school uniform siya at mayhawak na camera.

"Ang pogi talaga!" sabi ko pagkapindot ng addfriend. Hindi ako nag expect na iaacept nya ako kaagad kasi sabi nya hindi daw siya gaanong nagfe-facebook.

Sinubukang kong may Instagram siya. Nakita ko pero naka private. Ano ba naman tung taong toh! char!

reijigutierrez

0 post - 3,304 followers - 430 following

Kapag finllowback nyako ay magpapapansin ako sa IG stories ko. Operation: Mahulog siya sakin. Char!

Binaba ko muna ang phone ko para kumain ng nilutong pancit canton ni Kisha.

Habang nagfe-feacebook ako, biglang may lumabas na notification sa phone ko.

reijigutierrez accepted your follow request.

Napatili ako. "Ingay mo!" reklamo ni Kisha mula sa kwarto naming dalawa.

Hindi ko pinansin ang reklamo nya at dali-daling binuksan ang Instagram ko para mag dm sakanya.

chandria_m: hi, anong fav color mo? fav food?

reijigutierrez: typing....

reijigutierrez: why?

chandria_m: nagtatanong lang, bakit?

reijigutierrez: matcha green, pizza.

Napatili ulit ako dahil same kami ng favorite color! Tinadhana talaga kami! As in!

"Ano bayan, ang ingay mo!" lumabas si Kisha sa kwarto.

"Eto na po, tatahimilk na" sagot ko at tinakpan ang bibig habng pinipigilan ang kilig.

chandria_m: ano fav subject mo? may plano kabang ligawan ako?

Natawa ako dahil sa lakas ng loob kong sabihin yon.

Seen.

Hindi na nyako nireplyan! Makulit bako? Ngumuso ako at naghugas nalang ng pinggan na kinainan namin ni Kisha at nag shower. Nag skin care rin ako at ginawa ang assignment. Pinicturan ko iyon at nilgay sa IG story ko. Syempre para makita ni Reiji!

Nag view nga kaso hindi nya nireplyan!   Dahil makapal ang mukha ko, binuksan ko ang dm namin at nag-snao ng pic para i-send sakanya.

reijigutierrez: typing...

reijigutierrez: sent a photo

Sinendan niya ako ng picture ng plate na ginagawa nya. I giggled when he sent another message.

reijigutierrez: Wag kang magulo.

Tumawa ako at tinapos na ang assignment na ginagawa ko.

_____________________________________________________________________♡

"Sabado nanaman!" sigaw ni Kisha at nag stretching pa.

"Inom tayo?" tanong ni Maxine saamin habang nasa bench kami sa loob ng school.

"Tama na kakainom nyo, maawa kayo sa atay nyo tsaka senior high palang tayo" paalala ko sakanila.

Napatingin silang dalawa saamin. "Sus, kakainom mo lang kagabi, eh!" paninira saakin ni Kisha.

"Isang beer lang naman yun! Ayaw kasi mag function ng utak ko, kaya ganon" dipensa ko sa sarili.

Tumango silang dalawa, not really convinced with what I said kahit totoo naman talaga! May mga oras talaga na hindi gumagana ang utak ko at wala akong motivation para mag-aral at gumawa.

"Siraulo yung teacher natin sa Math, daming ebas" reklamo ni Maxine sabay irap. "Trot kajan!" sabat naman ni Kisha.

"Tara! fishball tayo, libre ko" biglang sabi ko at hinatak silang dalawa palabas ng school.

Nang matapos kami kumain nagpaalam ako kina Kisha at Maxine na babalik muna ako sa school dahil nakalimutan ko ang folder ko.

Pagkatapos kong makuha ang folder ay umupo muna ako sa bench ng school para i-dm sana ni Reiji.

Pero napatigil ako ng makita ko ang IG story ni Gio. Nasa loob sila ng klase at may stolen picture pa ni Reiji na nakatayo sa likod nya tapos ang caption:

'Sana all favorite ng teacher'

Naisipan ko namang tignan ang story ni Leo dahil finollow niya din ako sa IG. Nasa McDo sila ngayon!  Nanlaki ang mata ko nang mahagip sa video si Reiji. Naka uniform sila, dumiretso siguro kaagad sila sa McDo pagkatapos ng klase. Magkatabi si Leo at Gio at may katabi namang babae si Reiji! Ung Amanda ata.

Baka girlfriend nya talaga ung Amanda?!

Habang nag-iisip ako tungkol sa Amanda ay biglang nag chat si Kisha.

From:Kisha

Naka-uwi na kami, diretso ka nalang dito sa condo.

To:Kisha

Cge. Lutuan moko ng pancit canton pls

Dali-dali aking tumayo at pumunta sa terminal para sumakay sa jeep. Nang makarating ako sa condo, sinalubong ako ni Kisha ng mahigpit na yakap.

"May problema kaba?" nag-aalalang tanong nya.

"Bakit mo natanong?"

"Nagpapaluto ka ng pancit canton, eh!" sagot nya at binatukan ako ng mahina.

Kapag nalulungkot o wala ako sa mood ay nagpapaluto ako kay Kisha ng pancit canton, dabest kasi talaga siya mag luto, sa pancit canton ngalang.

"Si Reiji kasi, may jowabels na ata" nilagay ang bag sa couch at naupo sa dinner table.

"Ask mo muna si Eirin, para sure tayo" sagot nya at sinubuan ako ng pancit canton.

"Mag mo-move on na talaga ako kay Reiji!" tinignan lng ako ni Kisha with 'di ako naniniwala sayo' look.

I'll wait for you everyday Donde viven las historias. Descúbrelo ahora