Chapter 13

21 4 0
                                    


Excited akong lumabas ng makarating kami sa mall. Si Reiji, binuhat ung pinsan niya pababa ng sasakyan at hinawakan ang kamay ng bata, pero nung hindi pa kami nakakalakad, bumitaw si Vinny sa kanya at ang kamay ko ang hinawakan ng bata.

"Ayaw na niya sayo, sorry" pang-aasar ko kay Reiji.

Umiling lang siya at naglakad na kami papasok sa mall. Siya lang ang sinundan ko papunta sa buffet habang kinakausap ko si Vinny tungkol sa school niya.

"Reservations, sir?" nakangiting tanong ng babae pagkarating namin sa buffet.

"Reiji Ace Gutierrez. Can I add another person? He's a kid" Sabi niya sabay turo kay Vinny na hawak-hawak ko sa kamay.

"Anak nyo, Sir?" Nakangiting tanong ng babae.

Namula naman agad ang pisngi ko. Si Reiji mukhang nagulat at nilingon ang gawi namin ni Vinny. Ano ba yan, ate! Nagmamadali naman to! Pero soon!

"No" Tanggi kaagad ni Reiji.

"Ay, sorry, Sir! Ang gwapo nyo po kasi parehas, tsaka ang ganda po ng girlfriend nyo!"

Yung ngiti ko abot langit na ata dahil sa kilig. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Reiji na parang hindi tanggap yung sinabi ni Ate.

Pumasok na kami sa loob at umupo sa may sofa. Tatabihan sana ako ni Vinny nang tignan siya ni Reiji. Sumunod naman kaagad si Vinny sakanya at umupo sa tabi niya.

"I'll get you your food. Let's go" Sabi ni Reiji. Pagka-alis nilang dalawa ang tumayo narin ako para kumuha ng juice.

Habang kumukuha ako ng inumin, nakita ko si Vinny na tumuturo doon sa mga sweets pero umiiling si Reiji. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Hay, gusto ko na ata siyang maging tatay ng mga anak ko.

Tumawa ako mag-isa na parang tanga habang kumukuha ng ibang pagkain. Nang matapos, bumalik na ako sa table at hinintay sila. Painom-inom na lang muna ako sa juice na kinuha habang naghihintay.

Napatigil ako sa pag-inom ko nang makitang pabalik na si Reiji. Nang tignan ko si Vinny, lumuluha siya.

"Hala, bakit umiiyak?! Anong ginawa mo sa bata?" nag-aalalang tanong ko.

Tahimik lang na umiyak si Vinny. Nakanguso lang siya sabay punas ng luha nyang tumutulo sa pisngi niya. Ang cute pero kawawa naman.

"He wants more sweets" Pagpapaliwanag ni Reiji saakin.

"O, bakit hindi mo bigyan?" Tanong ko naman.

"No. He already had to much this morning." Sagot ni Reiji. "You ate the whole pack of gummies didn't you?"

Hindi makasagot si Vinny at mukhang guilty dahil umiwas ng tingin. Lumapit ako sakanya para punasan ang luha niya gamit ang panyo ko.

"And he needs to eat proper meal first" Tinulak niya ng mahina ung platong may kanin, ulam, at gulay papunta kay Vinny.

"I don't want that" mahinang sabi ni Vinny at yumuko.

Tinaasan siya ng kilay ni Reiji. "Eat or I'll tell your mom about this" Seryosong sabi nito. Kinuha naman kaagad ni Vinny yung kutsara't tinidor.

Sinamaan ko ng tingin si Reiji na nakacruz ang braso sa dibdib. "Tinatakot mo naman ung bata" sabi ko sakanya.

Hindi na nagsalita pa si Reiji at tinalikuran ako para kumuha ng sarili niyang pagkain.

"Sungit talaga ng kuya pinsan mo 'no?" Bulong ko kay Vinny habang kumakain ng gulay.

"Kuya Reiji is nice" Pagtatanggol naman niya sa kapatid.

"Ay talaga?" Ako tuloy ang nagmukhang  sinisiraan si Reiji sa pinsan niya. "Kahit pinapa-iyak ka?"

"Yeah" Mahinang sabi ni Vinny habang sinasalpak ang kanin sa bibig niya. Tinulungan ko siyang kumain. Ako na ang nagsubo sakanya ng pagkain.

Napaangat ang tingin ko nang maglapag ng plato si Reiji. Yung isang plato, sakanya at 'yong isa may cake at gummies.

"If you finish that, you can eat one slice" sabi niya kay Vinny.

Umupo si Reiji sa tabi ni Vinny. Ngumiti ako sakanya bago ko ibalik ang tingin ko kay Vinny.

"You heard that? Finish mo na 'to para maka-kain kana ng cake" Pange-encourage ko dahil mukhang ayaw niya talgang kainin ang gulay.

"Kumain kana, Chandria" seryosong sabi saakin ni Reiji. Tumingin ako kay Vinny dahil parang mahuhulog ang paghawak niya sa kutsara't tinidor. "He knows how to use utensils. Let him master it. Kumain kana"

Oo na, kakain nako! Bilis naman magalit nito.

Kinuha ko ang plato ko at nagsimula nang kumain. Paminsan-minsan, pinupunasan ko ang bibig ni Vinny dahil ang dungis.

Binilisan ko ang pagkain ko bago inalalayan si Vinny kumain. Pinainom ko siya ng tubig at pinunasan yung bibig niya. "Very good!" I gave him a thumbs up.

Inabot naman ni Vinny ang cake kaya nilapit ko 'yon sakanya. Naramdaman kong nakatingin si Reiji saaming dalawa laya nilingon ko siya. Nang magtama ang tingin namin, umiwas siya kaagad. Ano kayang iniisip non? Kasal namin? Chos!

"Hahatid ko muna siya tapos ihahatid na kita sa inyo" he said after a long silence.

Tumango ako habang pinupunasan ang kamay ni Vinny. Habang kinakain ni Vinny ang gummies at cake, nakikuha narin ako at kinain 'yon.

"Inaagawan mo pa 'yung bata" puna ni Reiji sa 'kin.

"Ikaw nga pinapa-iyak mo, e"

"May nata hang hindi umiiyak?" tinaasan niya ko ng kilay. Aba!

"Ang dami mo talagang panlaban, e, noh?" Sabat ko. Lahat nalang ng pambabara ko, mau sagot siya. Ang hirap makipagtalo sakanya. Ang dami niyang baon!

"Don't fight infront of food, please" singit ni Vinny.

Reiji laughed at that so I couldn't help but stare at his smilling face. Maspomogi siya pag naka ngiti. Nang mapansin niyang nakatitig ako sakanya, pinitik niya ang noo ko.

"Aray naman!"

"Stop staring at me" He rolled his eyes.

"Wala, may iniisip lang ako" nagpahalumbaba ako habang nakatingin parin sakanya. Tinaasan niya ko ng kilay habang umiinom ng tubig, mukhang tinatanong kung ano ang iniisip ko.

"Hmm, ligawan kaya kita?"

Nasamid siya bigla sa tubig na iniinom niya. 

"Okay kalang?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

"Why the fuck would you ask that?" He asked sabay punas ng tissue sa bibig niya.

"Bakit?! Nagtatanong lang, e!" pagdedepensa ko sa sarili. "Or gusto mo friends lang tayo? Wait, friends naba tayo?"

Hindi niya ako sinagot. Tinignan niya lang si Vinny na umiinom na ng tubig, tapos na kumain. Ayan na, pustahan mag-aaya natong umuwi.

"Let's go" Tumayo na siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now