Chapter 8

28 14 0
                                    


"Crush lang naman, bakit nag-ooverthink ka jan, ha!"

Tumango ako kay Kisha. "Oo nga. Bakit ako nag-ooverthink? Crush lang naman"

Tumayo na kami ni Kisha para bumalik na sa condo. Hindi namin namalayan gumagabi na pala. Nang makauwi kami ni Kisha, humiga ako sa kama at pinag-isipan kung imemessage ko ba si Reiji o hindi.

chandria_m: sana all tamang roadtrip lang.

Kinakabahan ako ng makitang nag online siya kaagad.

reijigutierrez: Wdym?

chandria_m: nakita ko ig story ng friends mo, san kayo pumunta? hahaha

reijigutierrez: We're literally just on our way to school.

chandria_m: ahhhh eh yung girl? kaklase nyo rin?

reijigutierrez: Amanda? Yes.

chandria_m: close kayo?

reijigutierrez: I don't know. Why?

chandria_m: wala. goodnightt

Nilagay ko nalang sa table ang phone ko. Baka kung ano pang masabi ko at mahalata ni Reiji na nagseselos ako! Dinistract ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa. Habang nagbabasa ako, nag vibrate naman yung phone ko.

Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag message.

reijigutierrez sent you a message

Kumunot ang noo ko at pinindot iyon.

reijigutierrez: Ikaw? Saan ka galing?

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Bakit siya nagtatanong, ha?

chandria_m: nag samgyup lang. bakit mo tinatanong?

reijigutierrez: Bawal?

chandria_m: hindi naman. you can ask whatever you want naman hehehez btw kain tayo sa labas treat ko. what do you want?

reijigutierrez: Anything except samgyup

chandria_m: hindi ka nagsasamgyup? naks, healthy living!

reijigutierrez: Yeah, unlike you.

Kumunot ang noo ko. May galit bato sakin? Ako na nga ang manglilibre, e!

chandria_m: anong problema mo, engr?

reijigutierrez: Nothing, matulog kana.

I snapped a picture of a book that I'm reading and sent it to him but he just replied with a thumbs up. Ang cold mo naman engr!

reijigutierrez: Goodnight.

____________________________________________________________♡

2am na at kaktapos ko lang manood ng kdrama nang naisipan kong kulitin si Reiji kahit kanina pa siya nag goodnight. Sigurado naman akong gising pa yun.

chandria_m: jeep kaba? kasi PARA ako sayo

I giggled by myself. Nagpakahirap ako kakahanap ng pick-up line na yun sa tiktok!

reijigutierrez: You need medicine

Mas lalo akong natawa. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko dahil baka maistorbo ko nanaman si Kisha.

chandria_m: bakit gising kapa? iniisip mo siguro ako noh? btw vegetarian kaba?

reijigutierrez: No, why?

chandria_m: alam mo bagay tayo

reijigutierrez: Anong connect sa vegetarian?

chandria_m: walang connetion, pero tayo pede magkaroon😉

seen

Tumawa ulit ako at nagtype. Ang cold naman niya! Hindi man lng hinart ang banat ko!

chandria_m: bakit gising kapa?

reijigutierrez: Hindi tulog.

chandria_m: ayos mo kausap ha tapos ung seasoning mo.

reijigutierrez: Gulo mo.

Ngumiti ako at nagtype nalang ng goodnight. Inaantok na kasi ako, baka kung ano pa masabi ko.

Kaunti nalang susuntukin ko na ang screen ng phone ko nang makitang nag-IG story nanaman si Leo at nakita kong magkatabi si Reiji at Amanda!
Ang caption pa ay 'Sanaol' Nakakajelly!

Dahil doon, hindi ko chinat si Reiji buong araw! As if naman namimiss niya ako. Busy naman siya roon sa babae niya. Wow, kung maka asta ako, akala mo naman kami na!

Buong araw ng focus lang ako sa klase.
Noong uwian na, nagka-ayaan kami ni Kisha na gumala.

Nasa park kami ngayon ng makita namin ang pinsan ko, si Andrei. May hawak siya na milktea. Naka uniform pa, naka glasses, at naka backpack. Dali-dali akong nagalakad palapit para gulatin ang pinsan ko.

"Hoy!" Sigaw niya kaagad ng kinuha ko ang milktea na hawak at ininuman ito.
"Kadiri ka, te!" Reklamo niya. Laway conscious pa tong pinsan ko?

Hinigop ko hanggang sa makalahati at binalik sakanya. Pinabalik balik niya ang tingin sa akin at sa milktea niya. "Kakabili ko lang neto, e!" Reklamo niya pa.

"Tumikim lang naman ako, e" I smirked. "Tara sa mall!" Aya ko sakanya.

"Kakagaling ko lang doon!" Sumunod nalang din siya dahil hinatak namin siya ni Kisha.

__________________________________________________________♡

"Kayo na?" Tanong ni Andrei habang sumusubo ng pagkain.

"Sa future" I winked at him. Hindi niya sure!

Tumawa siya. "Sumbong kita kay tita"

"Drei, Chandria, alis muna ako. May pupuntahan lang" Tumayo si Kisha sa kinauupuan niya.

"Pupuntahan mo siguro jowa mo noh?" Tinaas ni Andrei ang kabilang kilay niya. Hindi siya pinansin ni Kisha at umalis. Tinawanan ko naman si Andrei dahil hindi siya pinansin ni Kisha.

Pagkatapos ng ilang minuto naming pag-uusap ni Andrei, umalis na siya para umuwi. Habang ako ay pumunta
sa isang coffee shop para mag aral at magbasa ng libro.

Nilapag ko sa mesa ang phone ko habang nag-aaral ako. Sa kalagitnaan tumigil ako para i-untog nang mahina ang ulo ko  sa lamesa dahil na didistract ako sa mga iniisip ko. Isa na dun si Reiji at ung Amanda!

"Why are you hurting yourself, Chandria?"

Muntik na akong bumaliktad sa inuupuan ko dahil sa gulat ng marinig ang boses ni Reiji. Matagal ko siyang tinignan para i-process ang presensiya niya sa harapan ko. He was wearing a black Gucci shirt and a pair of black pants.

Hindi ko siya pinansin gaya ng sabi ko kanina. Kinuha ko na ang highlight ko at nang highlight ng mga aaralin kopa.

Mas na-distract ako ng umupo siya sa tabi ko.

"Someone's grumpy" He pointed out.

Hindi ko parin siya pinansin.

"Hey" He tried to call me again but I ignored him.

"Chandria" He called, trying to catch my attention.

He leaned on the table to look at me.
"Hey, do we have a problem?"

I was forced to look at him. I saw concern and confusion in his eyes. Halos manlambot ang mga tuhod ko. Ano ba tong ginagawa ko?

"Wala naman. Sorry. Stressed lang ako rito" Pagpapalusot ko.

He tilted his head to the side a little. "Why? What's bothering you?"

"Why? Why are you curious about me now?" I arched a brow while smirking.

He was taken a back by my words. Binitawan ko ang ballpen ko at humarap sakanya para makipag-usap ng maayos.

"Kumain kana ba? Niyaya kita noong isang araw pero hindi natuloy. Ano, ngayon nalang?" Tanong ko sakanya.

Tumango siya.

"Saan tayo kakain?"

"KFC" Tipid na sagot niya.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now