Chapter 10

25 11 5
                                    


"Anong hindi? Kilala kita, Chandria"

Tinignan ko naman ng masama si Kisha at inirapan.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik na rin sila Gio. Si Reiji, may hawak na tray at si Amanda naman, may hawak na tupperware na may laman na vegetable salad. Naks naman, healthy living. Nahiya tuloy ako bigla. Ang ganda ng katawan niya!

"If looks could kill, Amanda would be lying on the floor now" sabi ni Eirin.

"Sure kabang hindi talaga sila?" tanong ko sakanya para maka siguro. Syempre, ayoko maging side chick. Chos!

Magkausap si Reiji at Amanda ngayon. Gusto kong malama kung ano ang pinag-uusapan nila. Mukhang ang close close talaga nila sa isa't isa. Sa totoo lang, mas may chance talaga si Amanda kaysa sakin dahil same sila nang interest. Pareho silang mag e-engineer.

"Hindi nga! Kung sila, Amanda would flex it in social media" May point naman, okay.

Galit kong ininom ang shake na hawak habang nakatingin sa gawi nina Reiji. I was surprised when Reiji looked my way while Amanda was talking. Nagulat tuloy ako at umiwas ng tingin.

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya. Humarap ako sa kabila. I tried to sneak another glance at him but he was still staring at me. Sa ibang side ulit ako humarap para maiwas ang tingin ko.

"Ano? Pupunta-punta ka rito tapos kapag nandyan na, iiwas ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Kisha.

"Kish, tara, bili tayo food!" Tumayo bigla si Eirin at hinatak si Kisha.

Napakonot ang noo ko sa bigla nilang pag-alis. Halos mahulog ako sa inuupuan ko ng may maglapag ng tray sa table.

Napaawang ang labi ko ng umupo si Reiji sa harapan ko. Naramdaman ko ang tingin ng iba saamin. Na conscious tuloy ako! Baka iisipin nilang jowa ko si Reiji tapos bantayan ako sa labas ng school. Char!

"Why are you here?" Seryosong tanong niya saakin.

"B-binibisita si Eirin" pagpapalusot ko. "Ikaw, bakit ka nandito?" tanong ko din.

Tinaasan niya ako ng kilay. "This is my school"

"I mean, bakit ka umupo sa table namin?" Nagtatakang tanong ko.

"Bawal?" he shot back.

"Hindi naman" mahinang sabi ko. "Iniwan mo friends mo dun, oh. Tsaka si Amanda" Binalik ko ang tingin doon sa table nina Gio. Si Amanda lang ang naka tingin dito at si Leo at Gio naman parang walang pakealam. Nararamdaman ko ang masamang tingin saakin ni Amanda.

"They can function without me and Amanda isn't my girlfriend" Sagot niya na siyang ginagulat ko.

"Wala naman akong sinabi" Umiwas ako ng tingin ky Reiji.

"Kumain kana ba?" pag-iiba ni Reiji ng topic.

Hindi mo panga nasagot ang tanong ko! Pero ganyan ang nga linyahan ng mga humaharot sakin, ah! Kumain ka na ba? Kain kana. Ayokong nagugutom ka, e. Sige na, kumain kana baka magkasakit kapa.

"Oo, sa Mater" sagot ko naman. "Kahapon pala, anong ibig mong sabihing naco-confuse ka? Saan?" Hindi nako makapaghintay na itanong yun.

Uminon siya ng tubig at tinignan ako. "Nothing"

Kumunot ang noo ko. "Anong wala?"

"Stop asking" seryosong sabi niya at nag-umpisang kumain.

Maya-maya ay tumayo si Reiji para isauli ang plato at tray. "You wait here"

Paglabalik ni Reiji, umayos na ako ng upo. Magsasalita pa sana ako ng may tumapik sa balikat niya. Si Amanda!

Ini-angat naman ni Reiji ang tingin niya kay Amanda. Hala, panira! Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko.

"You giing straight home naba?" Tanong ni Amandaat sumulyap pa saakin. "We're gonna study in starbs, eh. Diba kay quiz tayo tomorrow? Did you review naba?"

"Yeah, you guys can go. Bye" Reiji said coldly.

"Oh, okay..." Tumingin saglit saakin si Amanda bago ngumiti kay Reiji at umalis.

Anong tinitingin-tingin niya? Bat parang pinapahiwatig niya na sinira ko ang study date nila ni Reiji? Wala naman akong ginagawa, ah!

"Stop glaring at her." Reiji laughed a little.

Napabalik tuloy ang tingin ko sakanya.
"Hindi naman, ah!" I defended.

"Really? You look like you would pull her hair in a second" he teased me more.

"Hindi nga!"

"Okay, dragon" he smiled more.

Hindi ko alam kung kikiligin bako sa sinabi niya o magagalit. Kainin kita jan Reiji, eh. Char!

"Ang dami palang shoti rito. Bakit wala ka paring jowa?" tanong sakanya habang nakatitig sa mga babaeng naka upo sa ibang table.

"I prefer girls with talents" sagot niya.

"Yung talented sa pagiging delulu tapos assumera, pwede naba yun?" tanong ko at natawa dahil sa sinabi.

He did not respond. Nilabas niya lang ang libro niya at nagsimulang mag highlight. Ano to? Dito siya mag-aaral? Hindi manlang siya tumawa sa joke ko! Pero, sabagay corny naman nun. Pero kahit cooperation naman sana!

"May nagugustuhan kana ba na kaklase mo?" tanong ko.

"What do you mean?" he stopped highlighting.

"Si Amanda?"

"For fuck's sake, stop asking me about her!" pikon na sabi niya.

Ngumuso ako at umirap. Edi huwag! Pikon mo naman! Paulit-ulit naba ako? Sige na nga, hindi ko na siya kukulitin tungkol sa love life niya. Masasaktan lang din naman ako.

"Uwi nako. Mag aral kana." Tumayo ako   at kinuha ang gamit ko. Baka nakakaistorbo nako sakanya, e. Nakakahiya.

"Can't we study together?"

Jusq! Ano raw ang sabi?! Study together?! Together?! May kami na! Okay, ihahanda ko na ang gown tapos Daylight ni Inang Taylor Swift ang kanta sa kasal namin!

"Hindi bako nakakaistorbo?" tanong ko. "Tsaka ang ingay ko dito, e. Baka hindi ka makapag-aral ng maayos"

"Are you suggesting something?" He tried to ask me.

Napa-awang ang labi ko. "Huh? Hindi naman, ah!" Ano nanaman ang iniisip niya?

"Where do you want us to go?" He tried to ask me.

"Kahit saan"

"I'll ask you again. Where do you want us to go?"

I bit my lower lip. Nakakainis naman!

"Chandria"

"Sa condo mo!"

Sumandal siya sa inuupuan niya with his crossed arms and with an amused smile plastered on his handsome face. Mukhang hindi siya makapaniwalang sinabi ko iyon. Syempre kung magpapabebe ako baka maunahan ako ng iba. Mahirap na.

"Let's go" Tumayo siya at kinuha ang gamit niya para umalis.














I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now