Chapter 12

15 6 0
                                    


"May meeting daw ngayon, wala tayong klase mamayang 3"

Bungad saakin ni Kisha pagkapasok sa classroom. Umihi lang ako saglit tas pagbalik wala na agad klase?! Nakakainis naman! Naghanda pa naman ako para sa quiz namin tapos hindi pa matutuloy.

"Anong meeting nanaman yan? Required ba pumunta?" Kunot noong tanong ko.

"Oo required daw" sagot naman ni Elly, kaklase namin.

"Um-attend kana! Magche-check daw ng attendance" pagpilit ng pinsan ko sakin.

Niligpit ko kaagad ang gamit ko at dumiretso kami sa auditorium para sa meeting. pumirma na kaagad kami sa attendance, isang patunay na um-attend kami. Noong kalagitnaan ng meeting, hindi ko na maintindihan ang simasabi kaya nag phone nalang ako.

Binuksan ko ang Instagram ko at minessage si Reiji.

chandria_m: hi, anong oras date natin?

Nag online siya kaagad at nakita ko na nagtype siya kaagad. Bilis, ah. Crush na ata ako neto. Chos!

reijigutierrez: It's not a date.

chandria_m: sige, anong oras tayo magkikita?

reijigutierrez: I'm already here outside.

chandria_m: ha?! teka nasa meeting pako, bat di mo naman sinabi kaagad!

chandria_m: wait moko tatakasan ko tong meeting hehehehe san ba punta natin?

reijigutierrez: Wag ka nang tumakas.

"Huy, bawal mag phone" Saway sakin ng vice president namin. Absent kaso ang president namin kaya vice president na-nanaway saamin.

Binaba ko ang cellphone ko at patagong
nag type.

chandria_m: san punta natin? kanina pako nagtatanong

reijigutierrez: Buffet.

chandria_m: hala! kaka-kain ko lang kanina!

reijigutierrez: Mamaya pa yun kaya nga wag ka nang tumakas.

Tinago ko ang phone ko at dahan-dahang kinuha ang bag ko. Nagpa-plano akong tumakas pero pagka lingon ko sa likoran may mga nagbabantay na estudyante! Nakakainis naman! Umayos nalang ulit ako ng upo at naghintay bago matapos ang boring na meeting.

Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isipan ko. Saang buffett kaya ako dadalhin ni Reiji? Pero bakit kaya buffet? Mukha naba akong patay gutom sa paningin niya?!

Tumawa nalang ako mag-isa sa mga iniisip ko. Nag a-assume nanaman ako na baka gusto na ako ni Reiji kaya inaya niya ako na mag buffet kami.

Pero di pako ready mag commit! Kailangan ko pang hanapin ang sarili ko.

Pagkatapos ng meeting, ako ang pinaka unang tumakbo palabas ng auditorium. Didiretso na sana ako palabas ng school pero dumaan muna ako sa C.R para mag retouch. Syempre kailangan maganda ako sa paningin ni Reiji!

Pagkatapos ko magpaganda, tumakbo na ako palabas ng school. Nakita ko si Reiji na nakaupo roon sa parang bench sa labas ng gate at nakatingin sa malayo, halatang may hinihintay at ako yun! Kinilig tuloy ako.

"Pst" Kinalabit ko siya pagkaupo ko sa bench na inu-upuan niya.

Nang lumingon siya saakin, tinignan niya ng maigi ang mukha ko bago tumayo. Nakasuot lang siya ng black polo na nakatuck-in sa black rin na smart pants, mukhang galing Uniqlo. Pogism talaga!!

Samantalang ako naka uniform lang. Pwede na rin. Madadala yan sa ganda ko.

"I have an emergency" parang naiistress na sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Hindi tayo tuloy?"

Sayang naman yung takbo ko mula 3rd floor dahil nandoon ang auditorium. Ang dami ko pang nabunggo para lang makarating dito tapos hindi pala kami matutuloy. Pero okay lang, baka grabeng emergency un.

"No, we'll still go. May dadaanan lang ako" seryosong sabi niya habang naglalakad kami papunta sa pinag-parkingan niya.

"Anong dadaanan?" Nagtatakang tanong ko pero hindi niya 'ko sinagot hanggang makasakay kami ng kotse niya.

"How's school?" Tanong niya bigla.

"Okay naman, Dad" Pagbibiro ko.

Inismiran niya ako dahil sa sagot ko habang ako naman ay tinatawanan siya.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko dahil papasok kami sa isang private school. Hindi niya ako sinagot at hininto ang kotse sa gilid ng daan.

"Wait here" Binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

Sinundan ko siya ng tingin at nakitang naglakad siya papasok sa gate. Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid. Bakit puro batang estudyante? Anong ginagawa namin dito? May kalandian ba siyang teacher?!

Napaawang ang labi ko paglabas ni Reiji, may hawak hawak na siyang bata  sa isang kamay. Sa isa naman, may hawak siyang spiderman na bag.

Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood si Reiji na hawak-hawak sa kamay ang bata. Kapatid niya ata dahil may hawig sila. Parehas lang din silang kulay ng balat ni Reiji, tapos parang Koreano ung haircut, tapos naka uniform na pang kinder. Dark brown shorts tapos white polo shirt. Ang cute!!

Binuksan ni Reiji ang pinto sa likod at pinaupo ang bata. Sinoutan niya ng seatbelt at pinasok din ni Reiji ang bag.

Pagkapasok ni Reiji sa sasakyan ay nag tanong kaagad ako. "Kapatid mo?"

"Cousin." Sagot niya at nilingon ang bata sa likoran.

"Ahhh" Sagot ko at lumingon rin sa bata. "Hi! What's your name?"

Hindi siya kaagad nakasagot dahil sa gulat. Hindi niya ata alam na may tao sa harapan. Yumuko siya at kitang kita kong nahihiya siya saakin. 

"Vinny, this is your tita Chandria" Pagpapakilala ni Reiji saakin.

"Hello!" Ngumiti ako. Ang cute niya! Ang sarap niya pisilin sa pisngi! "How old are you, Vinny?"

"F-four" Nahihiyang sagot niya. "You?"

"Buti pa kapatid mo, nakikipagusap!" Tinapik ko si Reiji sa balikat. Inirapan niya lang ako. "What's your full name?"  tanong ko ulit kay Vinny.

"My full name is... is" Parang kinakabahan siya magsalita. "William Vincent"

"Cute naman ng name mo! I'm tita Chandria. Nice to meet you!" Inalok ko ang kamay ko. Kinuha niya naman iyon at nakipag shake hand saakin habang nakangiti na. Mukhang hindi na siya takot saakin. "Mas mabait pala cousin mo kesa sayo" pagbibiro ko.

"We're bringing him with us kasi wala siyang kasama sa bahay. Okay lang ba?" Tanong ni Reiji habang nakatuon ang atensyon sa pagda-drive.

"Oo naman! Vinny, gusto mo sumama saamin to eat?" I asked the kid.

Nakita kong tumango siya saakin kaya ngumiti ako sakanya bago ituon ang atensyon sa harapan. Mamaya ko nalang kukulitin ang batang to.

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now