Chapter 7

31 14 0
                                    


"Good morning!" Bati ni Eirin saamin pagka-gising. Si Maxine naman ay tulog pa. "Where's Zella?" tanong nya.

"Sumama sa lalaki" Sagot ko habang nagce-cellphone.

"What!"

"Masanay kana" Comment naman ni Kisha. Umiinom siya ng kape at kumakain ng pandesal habang may pinapanood sa phone nya.

"Morning" Mahinang bati saamin ni Maxine pagkalabas sa kwarto ni Eirin. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng baso para gumawa ng kape.

Wala pang isang minuto, bumukas ang pinto at may babaeng nagsalita.

"Hi guys"

Sabay-sabay kaming lumingon sa pinto.

"Bakit ngayon kalang?" Tinaas ni Eirin ang kabilang kilay nya.

"Wala, shower muna ako" Kinuha ni Zella ang towel pero humarang ako.

"Anong wala?!" tinaasan ko ng kilay si Zella.

"Kanino kaba talaga sumama, Zella, nag-alala kami sayo" singit ni Maxine.

Natawa ako ng palihim sa sinabi ni Maxine. Hindi nga namin siya magising kagabi ni Kisha dahil sa sobrang pagkalasing nya.

"Si Axel kasama ko. Kami na!"

"What?!"

Napanganga kami dahil sa sinabi ni Zella. Sila na ni Axel?

"Oo kami na, sis! Tabi nga diyan" hinawi ako ni Zella bago pumasok sa cr.

Nang gumabi, umuwi na kami ni Kisha sa condo. Si Zella at Maxine naman ay nandoon parin sa bahay ni Eirin. Sure akong magba-bar nanaman ang mga yon!

Tungkol naman sa boyfriend ni Zella. Naging magkaibigan daw sila at nagkainlaban. Grabi na talaga ang mga kabataan ngayon. Char!

Kailan kaya manliligaw si Reiji? Chos!

chandria_m: hi, si chandria to

Naghintay ako sa reply nya. Maya-maya nakita kong online na siya sa Instagram.

reijigutierrez: typing...

reijigutierrez: Okay

Nabulabog ko si Kisha dahil sa tawa ko. Alam kong dapat mainis ako kasi ang tagal niyang mag type tapos yun lang pala ang sasabihin pero natawa talaga ako sa reply nya. It was so like him.

chandria_m: hi, pede ka bang guluhin ngayon?

Nang hindi siya nag-reply, nag chat ulit ako.

chandria_m: cold mo naman:(

reijigutierrez: What do you want?

chandria_m: i want you

reijigutierrez: typing...

chandria_m: to talk to me heheheheh wyd engr? kamusta plates? marami ba? keri mo naman ba? gusto mo tulungan kita?

reijigutierrez: No need, you have no idea what this is about

chandria_m: grabi naman! magaling din naman ako mag drawing ng bahay!

reijigutierrez: Okay

chandria_m: you really don't wanna talk right now?

reijigutierrez: sent a photo.

I opened the photo and saw a plate na-nakalatag sa table niya. Hindi ko na nireplyan si Reiji dahil nahihiya nako sa pinag-gagagawa ko. Baka minumura nako nun dahil sa pangungulit ko. Nanood nalang ako ng series sa Netflix dahil wala din naman akong magawa. Then I played Mobile Legends with Andrei, pinsan ko sa side ni daddy. Natawa ako nang makitang ako ang MVP dahil ang dami kong kill-steal sakanya.

I posted a screenshot of it on my IG story. 'bagal mo naunahan tuloy kita @vincentlopez HAHAHAHA nice g!'

vincentlopez replied to you story

vincentlopez: ouch

Tumawa ako habang nagtatype. Napatigil lang ako ng mag chat si Reiji.
Napatayo ako mula sa pagkakahiga dahil sa gulat.

reijigutierrez: ML?

Nanlaki ang mga mata ko.

chandria_m: you play???? ano rank mo????

reijigutierrez: Mythic

chandria_m: ok.... ikaw na

chandria_m: akala ko ba busy ka? huh?

reijigutierrez: Hindi na

Tumawa naman ako. Bakit ba sa lahat ng sinasabi niya, kahit gaano ka simple,  natutuwa ako? Napapangiti ako na parang tanga. Crush na crush ko ata siya, e.

chandria_m: yoko makipaglaro sayo. papalakas muna ako idol para magkatapat na tayo

reijigutierrez: Tss.

Legend palang ako, e! Hindi pako Mythic! Nakakahiya kay Reiji!

Kinabukasan, maaga ang dismissal namin kaya dumiretso kami ni Kisha sa mall para mabawasan naman ang stress naming dalawa. Nakasalubong pa namin ni Kisha ang pinsan ko, si Andrei.

"Hoy! Andrei, kain tayo tapos libre mo" agad na sabi ko pagkakita ko sakanya.

"Grabi naman ang tao na toh! pero sige libre ko kayo ni ate Kisha" Lumiwanag naman ang mga mata namin ni Kisha sa narinig.

Pagkatapos naming may order, nag picture kami nina Kisha at Andrei. I also posted a pic of Andrei eating samgyupsal sa IG story ko at nilagyan ng 'Salamat sa libre, mwamwa ka sakin!'

I also checked other IG stories. Palagi kong chinecheck yung kay Reiji at yung sa dalawa nyang kaibigan kasi madalas kasama siya sa mga stories nila.

Mabuti naman at may IG story si Leo ngayon dahil nakita ko kung anong ganap ni Reiji. Kumunot ang noo ko nang makitang nasa kotse sila. Si Reiji ang nagdadrive at may babaeng naka-upo sa shotgun seat. Tinignan ko agad ang profile nya dahil naka mention ang username niya.

Familiar. Siya ata yung akala kong girlfriend ni Reiji.

itsmeamanda

510 posts- 7094 followers- 703-following

Napasimangot ako. Ang dami niyang followers! Nag-scroll pa ako sa mga posts niya at napako ang tingin ko sa isang picture. Nakatalikod na picture iyon pero nakita ko kung sino ang naka-tag. Nakaupo sila sa bench ng Guevera University. Sa kabilang side ni Amanda si Reiji at sa kabila naman ay sina Leo at Gio.

Maganda siya. Shoulder-length ang buhok, mukhang mas matangkad sakin, maputi at pang-artista ang mukha kaya siguro maraming followers. Sana all!

"Hoy kumain kana jan" Kinuha ni Kisha ang phone ko. Nang mapansing nakasimangot ako, nag-iba ang itsura niya. "Okay kalang?" Nag-aalalang tankng niya. Napatingin din saakin si Andrei.

Tumango ako at kumain nalang. Nilapag ni Kisha ang phone ko sa table. Hindi parin matanggal ang tingin niya saakin dahil halatang medyo malungkot ako ngayon. Sino ba kasi ang babaeng yun? Nakakinis naman!

Hindi ko tuloy na-enjoy ang Samgyupsal namin! Libre pa naman!

Nang matapos kaming mag samgyup ay nagpaalam nadin si Andrei dahil may pupuntahan pa daw. Kami naman ni Kisha ay naisipang mag libot-libot muna sa mall.

"Okay ka lang ba talaga?" biglang tanong saakin ni Kisha.

Bumuntong-hininga ako. "Okay lang nga"

"Ice cream tayo?" tanong niya. Lumiwanag naman ang mga mata ko dahil dun.

"Spill mo naman yang problema mo sakin" pagpupumilit saakin ni Kisha habang nandito kami kumakain sa isang ice cream shop sa loob ng mall.

"Sige na nga, kekwento ko na sayo"

I'll wait for you everyday Where stories live. Discover now