KABANATA 1

48 3 0
                                    

Ang musikang ito ay panimula ng kwento. Sana ay magustuhan ninyo.

Special credits to Quantum Digital Official at Julie Fowlis

Pamagat: Love, Let Me Home (Ancient Celtic Folk Song)

Link: https://youtu.be/oLUY_WLMQoc?list=PLcnDx1Qs4CHPARmS1P99ceXgMIqIjjHe2

--○--

PAPIKIT kong inamoy ang preskong simoy ng hangin sa karagatan habang naririnig ang mala-bubuyog na malakas na tunog ng motor ng bangka. Kasabay ng pag-ingay ng motor ay ang pag-awit ng mga ibon sa himpapawid at ang marahang bulong ng hangin papunta sa aking tenga. Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang isla na may ilang malalaking istrukturang tila ba nakalubog sa mga kahoy at iba't ibang halamanan. Sa paghinto ng bangka sa islang pamilyar sa aking mata, marahan akong napasinghap ng hangin, dinadama ang presensya ng kapaligiran. Ramdam ko mula sa aking kalooban ang di makontrol na kalabog ng aking pintig habang humahakbang sa malapad na sementong daungan. Tila ba may tambol na nakasaksak sa aking puso dahil sa lumalakas ang tunog nito habang ako ay dahan-dahang lumalayo sa daungan. Ramdam ko ang pagyeyelo ng aking kamay na parang nanigas sa kaba habang mahigpit na hinahawakan ang itim na bag mula sa aking sa aking dalawang balikat.

Sa limang taon kong paglisan sa isla ng De Juan, wala pa ring nagbago. Bihira pa rin ang mga dayo rito. Hitik pa rin sa mga puno at halaman ang lugar. Napakasigla at nanunuot pa rin ang kulay ng esmeralda sa paligid, tila ba pinapanatili pa rin ng mga tao rito ang pag-aalaga sa kalikasan. Higit sa lahat, ilang tao lamang ang nakakapasok sa lugar parang dating gawi, siguro ay maingat talaga ang taga rito o baka ayaw nilang magkapolusyon ang lugar kapag dumami ang tao. Ngunit ang pinagkaiba lamang noon at ngayon ay mukhang dumadami ang mga kabahayan sa harapan ng daungan kahit na ilang tao lamang ang makikita sa labas. Halos lahat ng bahay ay nakasara. Nababalot ng katahimikan ang lugar, animoy pinag-iwanan ng kasayahan. Sa kabila nito, ito ang lugar ng aking kasiyahan, ang mga di malilimutang alaala ko kay Leod.

"Narito pa kaya siya? Makikita ko pa kaya siya? Naalala niya pa kaya ko?'" sambit ko sa aking isipan.

Marahan at malalim kong nilanghap ang hangin at ibinuga sa bibig ko ng may karahasan. Kinakalma ang aking sarili kahit na di ko makontrol ang pagtalon ng aking puso at ang pangangati ng aking kuryosidad. Sabik na akong makita muli si Leod. Sabik na sabik na akong makausap at mayakap siya. Sabik na sabik na akong malaman kung ano ang buhay niya sa limang taong lumisan ako sa islang ito. Hindi ko na mahihintay pang makita ang kanyang matamis na ngiti gaya ng ginagawa niya noong kami pa ay nasa high school pa lamang.

Nang makalayo na ako sa daungan ay nakaparada na roon ang ilang motorsiklo, nanghahalina ng mga sumasakay. Hindi pa rin pala nagbabago ang ugali ng mga taga rito kapag may baguhan o dayong bumibisita sa isla. Iyong mga tingin nila na parang nanlilisik ay di pa rin mawala gaya na lang noong kabataan ko pa sa islang ito. Ang mga tingin nila na nanglalapa, umaapoy na kung lalapit ako sa kanila ay para bang susunggabin nila ako.

Dalawang oras na akong nakatambay sa gilid ng daan. Rinig ko ang panghahalina ulit ng mga rider ngunit di ko nagpatinag.

"Miss sa'n ka pupunta? Hatid na kita?"

"Miss dito kana sakay, trenta lang"

Nagbibingi-bingihan ako, nagmamaangang di ko sila naririnig na para bang wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko naman sila kilala kaya bakit ako sasakay sa kanila. Besides, hindi naman ako mahilig makipag-usap lalo na sa mga strangers.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now