KABANATA 11

12 1 0
                                    

--○--

NAPASINGHOT ako sa mabangong aroma ng lutong alimangong may gata. Nanunuot ang bango nito sa aking ilong dahilan para maidilat ko nang biglaan ang aking mata at mapabangon sa aking kinahihigaan. Nang maupo ako, mabilis kong sinunggaban ang ang alimango at sinahog na gata sa aking kanin. Hindi na ako nagpatumpik - tumpik pa, mabilis ko itong naisubo sa aking bibig at walang arangkadang nginuya at nilunok. Isang kutsara, dalawa, tatlo hanggang sa wala ng laman ang pinggan ko maging ang mga alimango sa mangkok ay naubos ko rin. Nang maramdaman ko ang kabusugan ay tyaka ko lang napagtanto na nasa silid ako na hindi pamilyar sa aking paningin.

Puting kurtina, puting kama, puting pader halos puti ang nakikita ko para bang nasa kalangitan ako. Direkta akong tumayo upang lumabas sa kwarto kung saan ako nag-iisa. Nang makalabas ay napalibot ko ang aking paningin sa malaking bahay na puros puti pa rin ang bawat sulok ng pader.

"Nasa mental hospital na ba ako? Sinusundo na ba ako ni San Pedro?" saad ko sa aking sarili. Di pa man matapos ang aking paglilibot gamit ang aking mga mata ay napalingon ako sa kumpol na Sampaguita sa aking harapan.

"Para sayo, alam kong paborito mo ito," mahinahon at malalim na boses ni Leod na tila ba sinusuyo ako.

Napatingin ako sa kanya, nagdadalawang isip na tanggapin ang kanyang bulaklak. May kirot pa rin sa aking loob, nasasaktan pa rin ako sa kanyang ginawa. Ngunit nang matitigan ko siya, nangingibabaw sa kanyang mata ang kalungkutan habang pinagmamasdan ako.

"Patawad Jas, hindi naging makasarili ako. Hindi kita inintindi kahit na alam kong buntis ka," sambit niya sa akin habang nakatitig pa rin sa akin.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Imbes na sagutin ko siya ay di ako makapagsalita para bang napepe ako sa kanyang harapan. Bigla na lang niya akong hinablot at niyakap sa kanyang malapad na bisig. Maingat niyang hinimas ang kanyang kamay sa aking ulo na para bang kinakalong niya ako. Mahigpit din na yakap ang ginawad ko sa kanya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang bisig.

"Jas dito na tayo titira," bigla niyang sambit sa akin dahilan upang mapaatras ako at mapatitig sa kanya.

"Bakit?" maikli kong tanong sa kanya.

"Ayokong ma-stress ka. My cousin told me na hindi maganda sa anak natin kapag na-i-i-stress ka," sagot niya sa akin na ang tinutukoy niya ay ang payo ng kayang pinsang doktor. Marahan at buong ingat niyang hinimas ang aking tiyan. For the first time, nagawa na rin niyang hawakan ang aking tiyan.

"Sorry Jas, dahil sa akin sumasakit ang tiyan mo. I will do my best to be a good father of our child," dagdag niya matapos ay hinalikan ang aking umbok na tiyan.

"Salamat," tugon ko sa kanya. Idinampi ko ang aking dalawang kamay sa kanyang pisngi. Marahang inangat ang kanyang mukha at itinapat sa aking mukha. Buong pagmamahal ko siyang hinalikan na siya rin namang tinugon. Mainit na halik siyang nagpapikit sa akin. Nang makarinig ako ng pag-ring ng aking cellphone sa aking bulsa. Sa pagkuha ko ng aking cellphone, tumambad sa akin ang pangalan na gusto ko ng ilibing at kalimutan.

"Lolo Ikong," tugon ko sa aking isipan.

"Mahal sagutin ko muna ito," sambit ko kay Leod.

Sa pagtalikod ko sa kanya, ramdam ko ang malakas na pagkabog ng aking loob. Bawat hakbang ko papalayo kay Leod, bumibigat ang pakiramdam. Kinakapos ang aking paghinga habang patuloy sa pag-ring ng aking cellphone.

"Lolo Ikong napatawag ho kayo," sambit ko sa aking katawag. Pinapahina ko ang aking boses upang di marinig ng aking asawa.

"Jasmin, abay nakalimutan muna na yata ako," tugon nito sa akin halata sa kanyang boses na hindi siya natutuwa.

Isla De JuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon