KABANATA 8

9 0 0
                                    


--○--

ALAS dose na ng gabi, pumaroon na ang lahat ng mga kasaping aswang sa bulwagaan upang sa isang saluhan. Nang makarating ako, nanahimik ang kabuuan ng angkan ng aking pamilya.

"Leod," tawag ng aking ama na hindi makangiti. Nanatiling nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin, tila di pa rin niya gusto ang aking desisyon.

Mula sa hapag kainan na puno ng mga sariwang karneng nababalutan pa ng dugo at ang mabangong samyo nito na naging aroma sa bulwagan, nadatnan ng aking mata si Jane kasama ang kanyang magulang. Pansin ko ang seryoso nilang tingin na nakatitig sa akin habang si Jane naman ay tumingin sa ibang direksyon, halata pa rin ang namumuong galit sa akin.

"Hindi pwedeng mabuwag ang ating samahan, ka-Jacinto. Matagal na rin ang naging kaagapay ng angkan mo ang aking buong angkan," aniya ng ama ko.

"Ipagpaumanhin mo Don Jacinto. Syempre tuloy ang kasal ng dalawa para sa ating angkan, para sa pagpaparami ng ating kalahi," tugon pa niya..

"Hindi. Walang kasalang magaganap," direkta kong sagot.

"Leod! Huwag kang lapastangan!" pag-usig ng aking ama na siyang bumulahaw sa bulwagan.

"Buo na ang desisyon ko! Don Jacinto mas mabuting umuwi na kayo dahil wala ring magagawa pa ang bulwagan na ito," direkta kong sambit na nakapukol kay Don Jacinto.

"Jane huwag ka ng umasa pa dahil hindi kita pakakasalan," prankang sambit ko kay Jane na biglang napahampas sa kanyang kamay at napatayo sa harapan ko.

"Bakit! Dahil ba sa babaeng iyon? Hindi siya karapat dapat sayo dahil isa siyang tao!" tugon naman ni Jane.

"At sino ang karapat dapat? Ikaw? Hahaha! Hindi ako papayag na magsama ang angkan natin. Matagal ng traydor ang angkan niyo! Hahaha!" sambit ko sa kanya.

"Magsisisi ka! Papatayin ko si Jas!" sigaw ni Jane sa akin.

Dahil sa kanyang babala na halos lahat ay nakarinig, hindi ko napigilang hablutin ang kanyang panga at inihapit ng aking kamay ang kanyang leeg. Marahas ko siyang inangat habang pansin ang aking kamay na nababalutan ng makapal at itim na buhok. Lumubas ang aking mahahabang kuko na siyang inilubog ko sa kanyang leeg habang siya ay nagpupumiglas sa aking pagkakasakal sa kanya.

Mabilis na tumayo si Don Jacinto at pilit akong pinigilan kaya nabitawan ko si Jane na nakadapa sa sahig. Dahil sa aking ginawa, kita ko ang panlilisik ng tingin ng kanyang ama maging ang aking ama.

"Hindi na ito makatarungan! Pancillo! Bubuwag na aming angkan sa inyo!" galit na sambit ni Don Jacinto at direktang inilalayan si Jane palabas ng bulwagan hanggang sa nawala sila ng isang pikit ng mata.

"Sinira mo ang reputasyon ng ating angkan!" sigaw ng aking ama na siya namanang humablot sa aking leeg para sakalin ako. Humalakhak ako sa kanyang harapan, malakas at walang pakundangan dahil napagtagumpayan kong buwagin ang dalawang angkan na dapat sana ay matagal ng nabuwag. Ngunit nagbubulag-bulagan ang aking ama sa lahat ng kasakiman na ginawa ng pamilya ni Jane. Ang ankan nila ay may koneksyon sa mga kalabang mangingilaw na ang kinakain ay ang mga sariwang karne ng tao. Labag ito sa batas ng aking ankan.

"Pancillo, tumigil ka," kalmadong sambit ni lolo Jose sa kanyang anak. Kusa itong lumitaw matapos ang gulo.

"Tama ang desisyon ni Leod. Mas nakakabuting wala na tayong koneksyon pa sa angkan ni Don Jacinto," dadag pa ni lolo.

"Ama! Isang pagkakamaling desisyon iyon! Malaya silang papanig sa ating kalaban kaya mas dadamii na ang populasyon nila kaysa sa atin," tutol ng aking ama.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now