KABANATA 12

7 0 0
                                    

--○--

MARAHAN kong hinakbang ang malambot na tuyong buhangin sa aking hubad na paa. Hindi ko man makita ang daan dahil sa telang nakatakip sa aking mga mata, dama ko naman ang mga kamay na humahawak sa aking dalawang braso upang ako ay igiya sa tatahakin.

"Surprise!" masiglang sambit ni Leod sa akin na tinanggal ang telang tumatakip sa aking mata.

Pagkuha niya sa tela, naigala ko ang aking paningin sa mga talulot ng Sampaguita sa aking paanan at ang basket ng mga pagkain sa malapad na tela. Amoy na amoy ko ang adobong manok sa aking harapan, ang hinahanap-hanap ng aking sistema. Marahil ay sa aking pagbubuntis, nailihi ko yata ang adobong manok. Hindi pa man ako nakalapit ay tumutulo na ang laway ko dahil sa amoy.

"Oh dahan-dahan sa paglalakad," sambit ni Leod na iginiya pa rin ako palapit sa pwestong dapat naming upuan.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Leod sa akin habang mariing nakatitig inaalam kong nasiyahan ba ako sa surprisa niya. Ilang araw ko nang gustong makasama si Leod. Ilang araw siyang abala lalo na't nalalapit na ang kanyang pamumuno bilang bagong lider ng kanyang angkan. Marahil ay bumabawi siya sa mga araw na wala siya sa aking tabi para alagaan ako. Kaya't isang malapad at matamis na ngiti ang aking tinugon sa kanya.

Buong ingat niyang hiwakan ang aking tiyan na hindi pa naman halata ang umbok nito. Marahan niyang nilapat ang kanyang labi sa aking tiyan at pumukol ng tingin sa akin. Buong pagmamahal niyang nilapat ang kanyang labi sa aking labi na siya ko namang sinagot din ng halik. Ramdam ang kanyang kamay na humahawak sa aking pisngi.

"Na miss kita," tugon niya sa akin matapos humilaway ng halik sa aking labi.

"Napagod ka ba sa trabaho mo?" tanong ko sa kanya halata ang mga matang lumalim tila kulang siya ng tulog.

"Hay nabagot ako sa trabaho. Gusto ko kasing uwian ka sa bahay at tsumempo sa'yo," pangisi pa nito na dinadaanan na lang sa biro ang lahat.

Kaya't tinapik ko ang braso niya na para bang pinagalitan sa kanyang sinabi habang patuloy lang siya sa pagngisi. Napapansin ang reaksyon ko sa kanyang sinabi.

"Ikaw talaga, kung anu-anong iniisip mo na naman," pangusong tugon sa kanya habang hinihimas niya ang aking ulo na para bang kinakalong ako.

"Di ka naman mabiro, mamaya ha," pilyo nitong sambit na napangisi pa sa aking harapan matapos ay pinukol ulit ang tingin sa akin at akma akong halikan nang biglang—

"Pak!"

""Leod!"

Malakas kong sigaw habang nakikitang sumalampak siya sa buhangin sa di kalayuan sa akin. Mabilis na pumula ang kanyang mata at nagbago ang kanyang tayog at wangis. Lumabas ang kanyang mabalahibong katawan at ang kanyang pakpak na matutulis. Ang kanyang mga tingin ay uhaw na sa paglapa sa asbong biglang umatake sa kanya patalikod.

"Magsisisi ka!" sigaw ni Leod sa asbo na masamang nakatitig sa kanya. Tila ang kaninang kalmadong lalaki ay naging isang bulkang sasabog ng lahar. Mariing nakakuyom sa kamay ang aking asawa habang binalingan din ng galit ang asbo.

Walang anu-ano agad na dinambanan ni Leod ang asbo mula sa kanyang mala-kutsilyong kuko na bumaon sa laman ng asbo. Halata sa kanyang reaksyon ang pag-udyok na maghigante dito.

"Lumayo ka dito!" malakas at malalim na sambit ni Leod habang nakatingin sa akin mula sa kanyang mapupulang mga mata na nakapanlilisik. Waring pinapalayo ako sa asbong maaring manakit sa akin. Kaya't tumakbo ako sa abot ng aking makakaya habang hinahawakan ang aking tiyan. Nang malingon ko ang aking asawa ay dalawa pang asbo ang umatake sa kanya kaya sinikap kong umabot sa hotel upang makahingi ng tulong para matulungan nila ang aking asawa na pinagkakaisahan ng mga asbong kalaban.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now