KABANATA 10

9 1 0
                                    

--○--

"LOLO heto po, luto ko 'yan para sa inyo," tuwa kong paanyaya kay lolo Jose. Masigla kong pinakita sa kanya ang kaldereta kong inilapag sa mesa. Humahalimuyak ang aroma ng kaldereta sa hapag kainan dahilan upang mapangiti ang matanda at napaamoy sa ulam sa kanyang harapan.

Nang marahan niyang isinubo ang karne na may sabaw nito, bigla na lamang siyang napaluwa at napahawak sa kanyang leeg na para bang nabilaukan. Pansin ko ang mukha niyang namumula at napanganga ang bibig na para bang napapaso dahil sa pagkain ng kaldereta. Halata sa kanyang mukha na nasasaktan siya dahilan upang kumaripas sa harapan si Leod at ang dalawang katulong nito.

"Jas, ano bang pinakain mo kay lolo?" tanong ni Leod na hindi ngumiti at napakunot pa ang noo habang ipinapahid ang kapirasong tela kay lolo upang punasan ang bibig na may mantsa ng ulam.

"Kaldereta, bakit may allergy ba si lolo?" pag-alala kong tugon sa asawa ko.

"Hindi yon, may nilagay ka ba sa kaldereta?" tanong pa nito sa akin.

"Oo, yong mga rekados, asin, a-"

"Jas! Hindi siya pwede ng asin. Alam mo namang hindi kami katulad mo," malakas pagsabat ni Leod sa akin halata ang pamumula ng mukha.

"So...sorry, nakalimutan ko. Lo, sorry sa susunod tatandaan ko na po," tugon ko ramdam ang paglakas ng pagkabog ng tambol ng puso ko.

"Jas, huwag ka ng magluto. Pinapahamak mo si lolo," sambit naman ng asawa ko.

Sa kanyang sinabi para bang may mga aspileng sumusundot sa aking loob. Nasaktan ako sa sinabi niya. Gusto ko lang naman na may gagawin sa bahay nila. Gusto ko lang namang alagaan si lolo at suklian ang kabutihang ginawa niya sa akin pero ako pa ang napasama sa sitwasyon ngayon.

Lalo lamang bumigat ang aking loob nang makita ang pagdilim ng ekspresyon sa mukha ni Leod, ang panlilisik ng kanyang mata katulad sa kung papaano ako tingnan ng dalawang babaeng katulong nila. Kaya imbes na pakalmahin ko si Leod at mag todo sorry sa kanya, kusa akong umalis sa kanyang harapan at di lumingon sa kanyang pagtawag sa pangalan ko.

Diretso akong pumunta sa kabilang kwartong katabi ng kwarto niya at ni lock ang pintuan. Kahit na bumubisita ako dito sa bahay niya noong hindi pa kami kasal, hindi ko naman nararamdaman ang ganitong tensyon. Hindi ko naman nararamdaman itong ganitong sitwasyon na para bang lahat ay nakatingin sa akin at nag-aabang na punaan ang bawat kong galaw.

Nilaliman ko ang aking paghinga at marahan na hinaplos ang aking tiyan na unti-unting lumulubo. Nang makaupo ako sa kama, rinig ko ang pagkatok ni Leod na tinatawag ang pangalan ko ngunit hindi ko gustong tugunan ang pagtawag niya sa akin. Tila ba may namuong hinanakit sa aking loob. Gusto ko munang magpalamig para hindi kami mag-away.

"Get the spare key," rinig kong pag-utos ni Leod sa katulong.

Nang maibukas ng asawa ko ang pinto kusa akong humiga sa kama at tumalikod sa kanya. Kung tutuusin, napapagod ako sa kanya. Sa dalawang linggo kong pakikisama sa kanya bilang asawa rin niya, ngayon ko lang nadama ang pagbabago ng kanyang ugali. Kaya imbes na kausapin ko siya, pinikit ko ang aking mata upang matulog.

"Jas bakit tumalikod ka bigla?"

"Kausapin mo naman ako"

"Jas!"

Pagsusumamo niya sa akin na marahan na tinapik ang aking braso ngunit may kung ano ba sa akin na pumipigil na kausapin siya. Kaya nagpatuloy ako sa pagpikit ng aking mata nang maramdaman ko na lang ang hanging pumapaypay sa aking mukha. Nang maidilat ko ang aking mata, nadatnan ko ang mukha ni Leod na nakasimangot sa akin kaya bumalikwas ako ng tingin sa kanya at iniba ang aking posisyon sa aking paghiga at tumalikod ulit sa kanya nang biglang hinablot at hinila niya ang aking braso dahilan upang makaupo ako sa kanyang harapan.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now