KABANATA 9

9 1 0
                                    


--○--

HINDI ko maaninag ang kasiglahan at kasayahan sa mukha ng babaeng umayos sa aking buhok. Ni hindi ko nakita ang aking sarili sa salamin dahil bawat sulok ay walang salamin. Natapos na lamang ang pag-aayos niya sa akin ay nanatili pa ring mapakla ang kanyang reaksyon. Ang hindi kinagustohan sa kanyang pag-aayos sa akin ay ang pagsuot ko ng itim na bestida hanggang paa ang haba. Simple lamang ang disenyo nito ngunit ang maliit na marmol sa kabuuan ng damit ang siyang nagpaganda rito. Ang sabi ng babae ay tradisyon sa kanilang angkan na tuwing ikakasal ay itim ang dapat na isuot. Maging siya ay itim din ang suot. Nang matapos ay iniwan na niya ako at nag-iisa akong naglalakad, bawat hakbang ko ay ibat - ibang salita ang naririnig ko.

Dumagdag ang bigat ng aking loob nang mahapit ng aking tingin si Jane na nakasuot ng itim na damit katulad na katulad sa akin. Mabilis siyang pumaroon sa aking harapan, dala ang pulang bulaklak sa kanyang kamay, marahas na sa bawat hakbang niya ay unti-unting natatanggal ang mga talulot ng pulang rosas. Pansin sa kanyang mukha ang suklam na konting hakbang lang ay parang hahablutin niya ang aking buhok at sisirain ang aking kasuotan.

"Anong ibig sabihin nito!" malakas niyang sambit na siyang nag-paingay sa aking kinaroroonan.

"Magkapareha pa tayo ng suot ha! Ano to? Two some?" dagdag pa niya na masamang nakangiwi ang bibig habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi makaimik ang mga tagasunod sa kanya dahil wala tin naman silang ideya kung bakit nandirito ako at inaayusan ng pangkasal. Nakayuko ang mga ito at hindi makatitig kay Jane na namumula na sa inis.

"Ano! Hindi ba kaya magsasalita?" sigaw nito sa kanila.

"Huwag mo nga silang sigawan. Natural hindi sila sasagot sayo kasi wala naman silang ideya. Ipinag-utos lang ito ni Leod sa kanila," sabat ko sa kanya na napakrus ng kamay sa harapan niya.

"Aba! Antribeda ka talaga-"

Walang anu-anoy hinablot niya ang aking buhok. Mahigpit ito na halos nasira at nagkagulo ang kanina'y maayos at maganda. Mabilis kong inalis ang kamay niya na mahigpit na sumabunot sa akin ngunit lalo lamang lumala dahil ang kaninang nag-iisang kamay ay naging dalawa.

"Ano ba-" pag-alma ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang malamig at malambot na kamay ni Leod sa aking harapan habang tinutulak niya palayo si Jane sa akin.

"Jane! Tumugil ka! Walang kasal na mangyayari sa ating dalawa ngayon," tugon ni Leod sa kanya habang nasa likuran na niya ako.

"Bakit Leod? Akala ko ba ayos na tayo. Pumayag ka sa kasunduan ngunit ngayon nagbago ulit ang desisyon mo? Bakit!" sigaw ni Jane sa kanya na umiyak sa kanyang harapan.

"Hindi kita gustong pakasalan. Sorry but leave us alone now. Umalis ka na," direkating sambit ni Leod sa kanya.

Dapat kasal nila ngayon pero sumapaw ako sa kanila at inagawan ko siya ng pagkakataon para maging silang dalawa ni Leod. I am guilty at malaki ang pagkasala ko sa kanya dahil hindi madali ang pinagdaanan ni Jane. Para bang paningin ko sa aking sarili ay kontrabida, isang mang-aagaw. May kaunting kirot akong nararamdaman dahil pansin ko sa mukha ni Leod na nasasaktan din siya. Ramdam kong may kaunting pagmamahal din siyang nararamdaman kay Jane, may kaunting puwang sa kanyang puso.

"Ano itong gulo!" malakas na sumabat si Don Jacinto na mabilis na pumaroon sa aming kinaroroonan. Nanlaki ang kanyang mata nang makita na umiiyak si Jane.

"Anong nangyari anak?" tanong nito ngunit di makaimik si Jane bagkus ay nagpatuloy lang siya sa paghikbi.

"Hindi na matutuloy ang kasal, kaya makakaalis na kayo," sabat naman ni Leod.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now