KABANATA 5

16 1 0
                                    


--○--

"HOY Jasmin huwag mong kalimutan ang pinag-uusapan natin," paalala ni tita Cynthia sa akin. tatlong araw na siya rito sa isla De Juan. Tatlong araw na siyang nakatira sa mansyon at walang tigil akong pinaalalahanan sa aming kasunduan kapalit ng pagtulong niya sa akin.

Sa ikaapat na araw, umuwi na kami ni tito Sinto sa bahay niya. Nang makita ni tita ang bahay ni tito, biglang itong napakunot ang kanyang noo at ang kanyang kilay ay naglapit sa gitna. Hindi makangiti ang kanyang labi habang pinagmamasdan ang bagong ayos na bahay ni tito. Pinagtutulungan pa naman itong ayusin ni Danilo at Leod.

"Ito ang bahay mo Sinto?" tanong ni tita na tinuro pa ang bahay ng may panliliit.

"Aba oo, ano bang problema sa bahay ko? Eh maganda naman ah," pangiting tugon ni tito sa babaeng hindi maalis ang pagpakla sa kanyang mukha.

Palibhasay laki sa karangyaan si tita. Mayaman nga ngunit galing naman iyon sa nakaw at panloloko. Kuripot pa, ni katulong ayaw mag-hire kaya ako ang pinagdiskitahan. Dalawang taon akong naghirap sa kanyang poder, utos dito, utos doon, ni wala nga siyang sweldo o allowance man lang na naibibigay sa akin. Kaunti rin ang pagkaing nakakain ko, minsan wala, kaya sa maagang edad na labing anim, nagtrabaho ako kung saan-saan para matustusan ang aking pangangailangan habang nasa poder pa nila ako.

"Sinto hindi naman tayo kakasya sa bahay mo, kaliit-liit," pasimangot na aniya ni tita.

"Hay naku! Nag-iinarte na naman," paglibak ko sa aking isipan.

Napaikot ako sa aking mata habang nakatalikod sa kanya dahil ayaw kong makita niya ang ginawa ko dahil sa inis ko. Buti na lang wala si Diego rito dahil pagnakita niyang ginawa ko ay ididiin na naman niya sa kanyang nanay na inirapan ko ito dahilan upang pagtulungan nila akong pagbuhatan ng kamay.

"Ano ka ba Cynthia, Eh parang hindi ka naman nasanay noong mga bata pa tayo," seryosong tugon ni tito na mukha ng naiinis na rin sa drama ni tita. Maikli pa naman ang pasensya nito.

"Tandaan mo Cynthia, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan"

"Ano, papasok ka ba sa loob o sa labas ka lang? Bahala kang lamukin diyan," dagdag pa ni tito na binigyan ng opsyon si tita. Kitang-kita pa ni tito ang paglobo ng eye bags niya. Walang nagawa si tita kundi ang pumasok sa loob ng bahay. Napilitan yata kay tito kaya ginawa na lang nito ang alok sa kanya. Sino ba namang hindi aayaw kay tito, eh masama rin itong magalit. Hindi naman nagbubuhat ng kamay si tito pero paggalit ito, tagos hanggang buto kapag bumitaw siya ng salita. Nang makapasok ay hayon, nagdakdak na si tito kay tita dahil sa kaartehan kaya nanahimik na lang si tita sa upuan.

"Ha! Buti nga sayo, si tito lang pala katapat mo"

Palihim akong ngumiti habang pinakikinggan si tito na di tumitigil. Tsaka lang ito tumigil nang pumasok si Diego hawak ang cellphone nito. Nakikipag-usap na naman ito sa mga listahan ng mga babae niya. Nang makita ko ulit ang mukha ni Diego, nawala ang guhit na kurba sa aking labi, nabahiran ito ng lagim na halos napadilim sa aking mukha at pagkunot ng aking noo.

"Oh Diego nandito ka na. Sige bibili muna ako ng pagkain para sa hapunan natin mamaya. Hasmin, ikaw na bahala rito ija habang namimili ako sa palenke. Isasama ko si Danilo," aniya ni tito.

"Sige ho," tipid kong sagot kay tito na mabilis ding umalis sa kinaroroonan.

Nang makasakay si lolo sa motor ni Danilo at nasa malayong distansya, tsaka lang humagikgik sa Danilo na nakaupo kaharap ng kanyang nanay habang nakatayo ako malayo sa kanila.

"Kay bait naman! Eh doon sa amin ang taray!" malakas na sambit ni Diego na nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Hindi ko talaga gusto ang tingin niya, puno ito ng kasamaan na para bang gusto niya akong hubaran sa harapan. Naalala ko tuloy ang pangyayari na naging mantsa sa aking kabataan. Nang maalala ko iyon, may kung maliit na karayom ang tumusok sa aking kalooban, dahil ang pangyayari sa nakaraan ay naging isang peklat na di mawala sa aking isipan hanggang sa kasalukuyan.

Isla De JuanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum