KABANATA 2

22 3 0
                                    

--○--

NANLAKI ang aking mata sa aking nakita mula sa kalayuan ng daungan. Kumunot ang aking kilay at napakamao ang aking kamay. Siya! Nakita ko ulit siya. Sa matagal na panahon bumalik pa talaga siya rito. May gana pa siyang bumalik sa kabila ng pag-iwan niya sa akin.

"Leod, bakit ka tulala diyan sa balkonahe?" tanong ni Jane sa akin na biglang lumambitin sa aking likuran at mahigpit akong niyakap. Ramdam ko pa ang maingat niyang paghimas sa aking balikat.

Di ko nasagot ng diretso si Jane. Nakatuon ang aking paningin kay Jas. Kitang-kita ang kasiyahan nito, ang ngiti nito na halos nagpa-intsik sa kanyang mata. Sa bawat kislap na namumuo sa kanyang mata at sa bawat ngiti niya tila nanunuot ang kumukulong takuri sa aking kalooban. Sinakop ako ng silab ng apoy habang bumubulong sa akin ang kasamaan ni hudas. Gusto ko nang mag-ala-bulkan na kapag dumating na sa limitasyon, ihahagis ko ang mga bato ng karahasan sa kanya. Gusto ko siyang lapitan agad at sunggaban ng sakal para maramdaman niya ang pagkamuhi ko sa kanya.

Sino ba naman ang hindi magtatanim ng galit, I have loved that woman. Langit at lupa ang pagtangi ko sa kanya. In one glimpse dahil lang sa natuklasan niya ang totoo kong pagkatao, bigla na lang siyang lumayo. She's selfish and shallow. Ipinaglaban ko siya sa aking angkan hanggang simula pero sa huli iniwan lang niya ako sa ire. She doesn't deserve even a second chance.

"Pak!" malakas na suntok ang ipinukol ko sa pader dahilan upang direktang humarap sa akin si Jane na mukhang nag-aalala.

"Leod! Ano bang nangyari?" pag-alalang tanong ni Jane na biglang napatingin sa babaeng tinitingnan ko sa malayo.

"Sino ba 'yang babaeng 'yan? Bakit galit kang makatingin sa kanya?" tanong pa nito.

"Wala babe," tugon ko sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na silaban siya ng mapusok na halik sa kanyang labi. Marahan kong hinimas ang kanyang malambot na pisngi. Whenever I look at Jane, she is perfect. She's the ray of sunshine in my storm.

Hindi ko na natiis, hinalikan ko ang kanyang leeg. She moaned in whispers. Niramdam niya ang bawat maingat kong halik habang mariing nakapikit. Her back curves towards me. Haplos ko ang kurbang balakang at ang saganang puwit niya na kahit sinong lalaki ay pagpapantasyahan. Itinulak ko siya sa aking kama at ibinalik ang mapusok na halik sa kanyang labi. Ngunit bawat paglapat ng aking labi kay Jane, ang mukha ni Jas ang naalala ko.

"Bakit? Bakit may nararamdaman pa rin ako sa kanya?"

That woman still lingered in my head. Isa siyang kabote na hindi mawala sa isipan ko. The butterflies in my stomach become lighter at same time may maliliit na karayom ang sumusundot sa aking loob. Inalayo ko ang aking mukha kay Jane at napasuntok sa kama dahilan upang mabigla ulit siya.

"Tika, tika Leod! Namumula na naman ang mata mo, control it for my sake" sambit ni Jane na malambing na hinihimas ang aking pisngi. I'm not aware of my features when I'm angry pero alam ko na ang halimaw na kagaya ko ay kinatatakutan. Jane's terror was visible to me na pinipigilan niyang huwag ipakita.

"Jane sorry, iwan mo muna akong mag-isa," pakiusap ko sa kanya habang tinatakpan ng aking kamay ang aking mata.

"Pero—"

"Ang sabi ko umalis ka!" pasigaw ko sa kanya nang gusto niyang suwayin ang aking utos hanggang sa mabilis siyang nawala sa aking harapan dama ang matutulin nitong hakbang palayo sa akin.

"What did I do? Bakit si Jas pa rin ang gusto ng aking loob? No! I should choose Jane!" pagtatalo ng aking puso at damdamin.

Jane had sacrificed a lot for me. Tinuruan niya akong kontrolin ang aking pagka-aswang. She healed my pain from my first love kaya dapat maging masaya ako sa piling niya. As a promise from her sacrifices and patience, I will love and marry her. Iyon din naman ang kahilingan niya. Ngunit bago ko siya mahalin nang buo, kailangan kong alisin si Jas sa buhay ko. I must get rid of her! She will be my sacrifice sa pagdating ng araw na magiging lider ako ng mga aswang.

Isla De JuanWhere stories live. Discover now