KABANATA 4

16 1 0
                                    

--○--

ASAN na ba ang mga magulang mo Hasmin? tanong ni tito Sinto na halatang naiinip sa kakahintay.

Itinapik-tapik ng paa ni tito Sinto ang sahig nang paulit-ulit, kagawian niya kapag may hinihintay. Dalawang oras na niya siyang nakaupo sa sala sa mansyon ng pamilyang De Juan. Naroon sa kanyang tapat si lolo Jose na nakaupo rin sa sopa.

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko bang patay na sila tapos hahayaan ko siyang magulat? Napabuntong hininga na lang ako habang si Leod ay nasa gilid ko. Napansin ko siyang kanina pa nakatitig sa akin para bang hinihintay niya ang desisyon ko upang sabihin sa matanda.

Hindi ko pa rin makalimutan ang sandaling nanlaki ang mata ni Leod mula sa aking sinabi. Walang kibo niyang inabot sa akin ang bangang may abo. Imbes na humagikgik siya at insulthin ako, maingat niyang tinapik ang kanyang kamay sa aking ulo matapos ay naramdaman ko ang kanyang kamay na sumakop sa aking likuran. Mahigpit at mainit ang kanyang pagyakap sa akin halos malunod ako sa kanyang kalamnan. Amoy ko pa ang preskong samyo sa kanyang katawan, bagong ligo siya.

Hindi na siya nagtanong pa, wala siyang imik na nanatiling nakatayo at niyakap lang ako. Hanggang sa bigla na lang niyang ibinaba ang kanyang mukha sa aking mukha at sinunggaban ulit ako ng kanyang mala-apoy na halik. Kaiba na ito sa halik na ibinigay niya sa akin, ang halik niya ay may pag-iingat at puno ng pagmamahal.

Itinulak niya ako ramdam ko pa ang lamig na ipinukol ng puting pader sa aking likuran. Isinandal niya ang kanyang kaliwang kamay sa pader habang ang kanan naman ay sinakop niya sa aking ulo. Walang hinto niyang sinakop ang aking labi na siyang tinugon ko rin sa kanya. Nang mapahinto, pareho naming hinabol ang aming hangin sa aming ilong. Napaatras siya nang kaunti at pinahid ang kanyang pawis sa braso. Bigla niyang kinuha ang bangang may abo sa aking tabi at maingat itong inilagay sa mesa mula sa kanyang gilid.

Nang humarap ulit siya sa akin, marahas niyang sinakop ulit ang aking bibig ngunit ngayon ay para bang gusto niya akong sakupin nang buo. Marahas niyang kinagat ang aking labi hanggang sa ipinukol niya ang kanyang maiinit na halik sa aking leeg. Ramdam ko pa ang kanyang kamay sa aking ulo at balakang. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang kamay sa aking puwet hanggang sa itinaas niya ang aking puting palda na hanggang tuhod ang haba. Itinaas niya ito hanggang at naipit sa aking bewang. Ibinaba niya ang aking panty at marahas na ibinaba ang kanyang pantalon at panloob na saplot. Naramdaman ko na lamang ang pagsubsob niya na nagpahiwalay bigla sa aking hita. Isa, dalawa hanggang sa sunod-sunod ang kanyang pag-atake sa gitna ng aking hita dahilan upang mapaungol ako dahil nararamdaman ko ang init niya mula sa aking katawan. Kakaibang pakiramdam na parang malulunod ako sa bawat pagsubsob niya. Napasandal ko ang aking kamay sa kanyang bulubundoking kalamnan.

Ang kaninay marahas ngayoy marahan ngunit bawat atake ay dinidiin niya na halos gusto ko ng sumigaw ngunit pinipilit kong huwag lumikha ng iba pang tunog. Narinig ko ang kanyang pag-ungol na bumubulong sa aking tenga hanggang sa makarinig kami ng katok. Napahinto kami bigla ramdam ang marahas na paglanghap namin ng hangin. Pinapawisan kaming dalawa.

"Sh!" sambit niya sa akin na pinapatahimik ako dahil gusto ko na talagang mag-ingay at umungol habang patuloy siyang umaatake habang pinipilit ring huwag mag-ingay.

"Tok! Tok!"

Palakas ng palakas ang katok ng nasa labas ng pintuan buti nalang ni lock iyon ni Leod kanina nang pumasok siya sa kwarto.

"Hasmin? Nandiyan ka ba?"

"Si lolo Sinto!" bulong ko sa kanyang tenga habang hinahabol ang sariling hininga.

Wala pa man kami sa rurok ng tagumpay ay huminto na lang si Leod. Buong ingat niyang itinaas ang aking panty at ibinalik sa dating posisyon. Mabilis niyang ibinaba ang aking palda at inayos pa ang aking buhok na gumulo dahil sa kakahawak niya sa ulo ko. Buong ingat din niyang pinahid ang aking noo na may pawis sa kanyang mala-Adonis na braso. Inayos din niya ang kanyang saplot at pantalon. Matapos ay binigyan pa niya ako ng halik sa noo at matamis na ngiti.

Isla De JuanOnde histórias criam vida. Descubra agora