48

5.6K 144 17
                                    

No more tears fall from my eyes. At wala na din akong pinag sisisihan pa. I don't feel anything anymore.

Tinanggap ko nalamang ang pagkawala ni Eurich. Wala din naman mapapala ang pag luha ko, pinapahina lamang nito ang puso ko.

At ngayon, kasalukuyan din akong nag daramdam habang nakatingin sa mga pangalan ni Eurich mula sa lapida nito.

I can't explain what I feel, basta ang alam ko lamang ay mabigat ito...sobrang bigat.

"Eurich...Pinapatawad na kita...pinapatawad na kita sa kasalanang kailangan ng mabigat na parusa upang pag bayaran...Ang gusto ko lang ay mapatawad mo din ako sa kasalanan ko. Patawad kung nandiyan ka ngayon dahil sa'kin. Patawarin mo'ko...Mahal na mahal kita, Eurich. At patawad kung hindi ko iyon naiparamdam sa'yo nang mas matagal. Pero gusto ko na malaman mo na sa bawat araw na magkasama tayo, lahat ng ipinakita ko sa'yo ay totoo. Minahal kita, at mahal na mahal kita...Siguro ituturing ko na lang na parusa sa akin itong pagkamatay mo. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi maipipinta ng kahit sino. At siguro iisipin ko nalang na ito din ang parusa mo para sa mga kasalanan mo upang mabawas-bawasan ang sakit na nararamdaman ko. Iyon nalang ang iisipin ko. Patawarin mo'ko, Eurich...Kasi ako, matagal na kitang pinatawad."

Hindi maipintang sakit, hindi maipaliwanag, at grabeng pang daramdam ko iyang sinabi. Walang luha, pero tagos hanggang puso ang sakit.

Inilagay ko ang ilang rosas sa katabi ng kaniyang lapida at marahang ngumiti dito.

"Hinihiling ko ang kapayapaan, at kasiyahan para sa inyong dalawa ni Thaddeus. Sana maging masaya kayong dalawa...Sana masaya kana sa piling niya."

Kasabay ng marahan kong pag ngiti ang pag tulo ng aking luha.

Tumayo na ako nang maayos at bigla naman may nag abot ng panyo sa akin na siyang ipinag taka ko.

"Hindi ko naman inasahan na ganiyan kayo ka-close ni Eurich." wika ni Allison at tinignan ako sa mata.

"Akala ko naman kamemahan lang 'yung pagkakaibigan n'yo 'tulad ng kwento ni Aisler. But you know, your eyes says it all. I can see the pain in your eyes." dugtong pa nito.

Hindi ko naman kinuha ang panyong iniabot niya at pinunasan ko nalang ang luha ko gamit ang kamay ko.

"Bakit ka nandito?" medyo may katamtamang inis sa tanong ko.

Medyo bumait kasi ang awra niya. O baka nirerespeto lamang talaga n'ya si Eurich at ang ibang nakalibing dito kaya bumait siya bigla.

Tumingin s'ya sa lapida ni Eurich bago ako sagutin, "Well, she's my half-sister and I don't like her. She's so annoying and clingy as f*ck! But I'm kinda sad seeing her name in that tombstone."

Sineryosohan ko lamang s'ya ng tingin na tila sinasabihan s'ya ng aking mga mata na ayus-ayusin ang pananalita niya dahil hindi ito akma sa kinakausap n'ya.

"Calmdown, b*tch. Ayaw ko lang mag drama dahil ayokong umiyak. Importante din naman sa'kin ang babaeng ito at umiyak din ako nang malaman ang tungkol sa pagkamatay n'ya pero syempre hindi ko iyon ipapakita sa'yo o kahit kanino."

Hindi ko naman inasahan na maingay din pala ang bunganga ng babaeng 'to. Akala ko naman kaugali s'ya ni Lexus pero mukhang mali ako.

Hindi na lamang ako umiimik dahil bukod sa wala akong gana ay wala din naman akong sasabihin.

"By the way, pasensya na sa nangyari. And I'm not saying sorry dahil kasalanan ko. Nalaman ko kasi na kasalanan pala talaga ni Aisler ang lahat kaya mo s'ya nagawang barilin and I understand. Hindi ko naman kasi ugaling pumanig sa nagkamali. I don't tolerate sh*t. Kaya kahit kapatid ko si Aisler, kung s'ya ang mali, hindi ko s'ya magagawang kampihan. But my wrong is, sinugod kita without knowing the truth...And I'm sorry about that."

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now