20

10.5K 392 51
                                    

Naimulat ko ang mga mata ko at napa tingin sa isang lalaki. Isang lalaki na yakap-yakap ko. -_-

Nanlaki nalang ang mata ko nang ma-realize na si Lexus ang katabi ko.

Bakit nandito 'yan?!

Agad akong napa upo at napahawak sa ulo ko dahil bigla itong sumakit.

"Hays! sakit ng ulo ko."

Pilit ko ding inaalala ang mga nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ano ba'ng ginawa ko at paano napunta sa tabi ko si Lexus?

Ang naaalala ko lamang ay ang pag inom ng alak pero hindi kona alam ang nangyari noong nalasing ako. Hindi pa siguro nag fa-function nang maayos 'yung utak ko kaya wala pa'ko maalala.

Habang iniisip kung anong nangyari kagabi, may humila sa'kin at niyakap ako. Kaharap ko ang mukha ni Lexus ngayon pero npahampas ko s'ya sa dibdib na ikinagising n'ya.

"Gumising kana! Paano ka napunta dito?!" inis kong tanong kay Lexus.

Nagkasalubong naman ang kilay n'ya at napaupo nang makita ako. Kahit yata s'ya ay nag taka kaya pinangunahan ko na s'ya ng tanong.

"Anong ginawa natin kagabi?! Bakit kaba kase nandito?!" inis kong tanong at napa hawak naman s'ya sa ulo n'ya

"I don't remember anything." sambit nito at nahataw ko naman ang braso n'ya, "Bwis*t ka! Lexus! Anong ginawa mo sa'kin?!"

Pinag hahampas ko s'ya ng unan at isinunod-sunod ang pag hampas, "Stop! I didn't do anything to you."

Napa tayo s'ya dahil hindi s'ya maka palag dahil sa sunod-sunod kong pag hampas.

Nai-stress tuloy ako. Hindi ko malaman kung anong nangyari kagabi.

"Umalis kana, Lexus! Baka may pumunta dito at makita kapa!" inis kong utos at sineryosohan n'ya lamang ako ng tingin.

Nagawa pa n'yang mag lakad papunta sa banyo kaya ibinato ko s'ya ng unan, "Ano't mag babanyo ka pa? Lumabas kana at doon kana sa kwarto mo dumeretso!"

Napa ngisi siya bago sumagot, "I want to pee."

Napa kamot ako sa ulo ko at nilapitan s'ya. Ang kulit n'ya, baka mahuli kami dito at pag isipan pa kami nang masama. Pagagalitan kami kapag may naka alam na sa iisang kwarto kami natulog kagabi.

"Labas na, Lexus!" pilit ko s'yang hinihigit palabas pero pinipigilan n'ya ako. "Can you stop being over acting? Just give me one minute, okay?" inis nito at pumasok na ng banyo. Hindi ko na s'ya napigilan at hinayaan na lamang s'ya.

Hindi ko alam kung umiihi naba s'ya pero sana nga ay bilisan na n'ya. Baka kase dumating pa si Eurich dito, eh. Mahilig pa naman mang gising 'yon lalo na't birthday pa n'ya ngayon.

Lumabas na si Lexus mula sa banyo kaya dali-dali ko s'yang hinila para sana ilabas na kaso may kumatok naman sa pintuan ko.

Nanlaki ang mata ko at napa tingin kay Lexus at kumunot lamang ang noo nito.

"Hays! Sabi ko sa'yo bilisan mo, eh! Sigurado akong si Eurich 'yan!" Natataranta ako at iniisip kung saan ko p'wedeng itago si Lexus.

"Saan kita itatago?!" naiinis kong tanong at kalmado naman s'yang nag lakad papunta sa banyo at isinara ang pinto. P'wede na siguro 'yan, 'di na siguro s'ya makikita d'yan.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto. Kabang-kaba ako dahil ito ang unang beses na may nakalapit akong lalaki sa kama sa buong buhay ko. Kinakabahan din ako dahil malaki ang chance na mapagalitan kami at bigyan nanaman ng malaking parusa dahil dito.

Dahan-dahan ko na lamang binuksan ang pinto at napairap nang makita si Eurich. Nandito nanaman s'ya.

"Ano ba 'yon? 7 AM palang, Eurich kaya anong ginagawa mo dito? " pag susungit ko kaagad sa kan'ya. May dala-dala pa siyang kape at napasilip pa sa kwarto ko.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now