29

8.9K 320 19
                                    

Nang iwan ako ni Lexus sa kuwarto n'ya ay nag isip ako ng puwedeng gawin. Alam kong madami ang CCTV na nakakabit dito kaya hindi ako puwedeng kumalkal o humawak ng kahit na ano dito.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayaring pag lalaban ni Aisler at Lexus.

Pakiramdam ko kasi talaga ay may balak na hindi maganda si Aisler.

Ano naman kaya ang puwede kong gawin? Gustong-gusto ko lumabas dito pero hindi kasi ako sigurado sa panganib na nag hihintay sa'kin sa labas.

Pero sa tingin ko ay kailangan kong kumilos.

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan at nag tungo sa pintuan palabas. Lumabas ako at agad sumakay sa elevator para sana manood ng laban ni Lexus at Aisler.

Nang makarating sa battlefield, nakita kong nag sisimula na mag laban 'yung dalawa.

Nandito din si Venus at Thaddeus na personal na nanonood.

Lumapit ako kay Thaddeus, "Bakit hindi mo sila pinigilan kanina palang?"

Tumingin s'ya sa'kin habang nakapamulsa, "Do you think I can stop them?"

Napangisi na lamang ako sa sinagot n'ya at nanood na lamang.

Nag eespadahan sila ngayon at hindi ko malaman kung sinong mananalo sa kanila dahil halos parehas sila ng galaw.

Bumibilis ang galaw ni Lexus at napapaatras naman si Aisler dahil doon. Nalaglag din ang espadang hawak n'ya kaya naman tinutukan s'ya ni Lexus sa leeg.

"You can't beat me." sabi ni Lexus dito. Hindi ko narinig pero iyan ang pagkakabasa ko dahil sa galaw ng bibig n'ya.

Nginitian s'ya ni Aisler at napatingin naman ito sa'kin. Lumingon si Lexus sa'kin na s'yang ikinakunot ng noo nito.

Alam kong magagalit s'ya pero 'di n'ya ako mapipigilan dahil hindi ko naman kayang manatili sa k'warto n'ya.

Nagkaroon ng pagkakataon si Aisler na masipa si Lexus palayo sa kan'ya kaya agad napa-atras ito.

Medyo nag aalala ako sa kan'ya pero kailangan kong mag tiwala sa kakayahan n'ya.

Habang nag susuntukan si Lexus at Aisler at napatingin ako sa paligid. May nararamdaman kasi akong kakaiba.

Para bang may ibang tao sa paligid na hindi ko malaman.

Tumingin ako sa paligid pero ang dilim kaya wala akong makita.

Bumalik nalang ang tingin ko sa pag aaway ni Aisler at Lexus at nakita ko namang ginagawa ng punching bag ni Lexus 'tong si Aisler.

Medyo natawa tuloy ako, sabi ko sa kan'ya gagawin s'yang punching bag n'yan, eh.

"Why the f*ck are you laughing?!" inis na tanong ni Venus kaya naitigil ko ang pag tawa ko.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko. Tumingin ako sa paligid ko at naramdaman kong parang may kumakasa ng baril.

Hindi ako sigurado pero...

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin.

Agad akong napatingin kay Lexus at para naman akong babagsak nang makita s'yang may dalawang tama ng baril sa likod.

Kita ko ang pang hihina n'ya. Tumingin ako sa paligid at kinuha ang baril sa likod ko tsaka ito ipinutok sa paligid. Sa tingin ko ay may natamaan ako dahil may narinig akong uminda.

Napaka dilim kasi talaga dito at ang tanging nag lalaban lang ang mayroong ilaw.

Nang tumingin ako kay Lexus, tila pinipilit n'yang tumayo upang puntahan ako. Parang inuutusan pa n'ya si Thaddeus na protektahan ako gamit ang mga mata n'ya.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now