51

5.4K 153 7
                                    

"Adonis! Be fucking careful! Baka sa sobrang bilis mo mauna pa akong bawian ng buhay!"

Ang bilis kasi n'ya mag paandar.

"Sorry po, alam ko po kasi na nag mamadali na kayo." sagot naman n'ya kaya napairap na lamang ako.

Alam ko naman na binibilisan n'ya lang dahil alam n'ya na nag mamadali ako pero sana naman mag ingat s'ya. Nakakaba din s'ya eh!

Hays, alalang-alala na ako kay Lexus. Hindi ko alam kung anong lagay niya ngayon. At halos maiyak ako ka ooverthink.

Napansin ko naman na nag suot ng tatlong facemask si Adonis na ipinag taka ko. Ano't nag tatakip siya ng facemask at tatlo pa talaga? May kinuha din siya at agad niya itong ipinisik sa aircon ng kotse.

Nabalot ng kaba ang puso ko at agad
napatakip ng ilong at pilit binubuksan ang kotse ngunit hindi ko ito magawa dahil bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaiba.

"Anong gi—"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makaramdam ng pagkaantok. Sobrang antok. At sa sobrang antok ay hindi ko na napigilan pa na ibagsak ang sarili ko dito.

Agad akong nawalan ng malay at hindi na alam ang nangyari pa.

***

Nang maimulat ko ang mata ko, nag taka ako dahil parehas nakagapos ang mga kamay ko.

Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako? At bakit ako nandito? Bakit ako nakagapos?

Nailibot ko ang mata ko at halos gumuho ang mundo ko sa nakita ko,

"LEXUS!" sigaw ko nang makita kung paano pag susuntukin ni Aisler sa mukha nito. Shit! Anong ginagawa n'ya!

Awtomatikong tumulo ang luha ko at pinipilit ang sarili ko na makawala dito.

"Tigilan mo s'ya! Hayop ka!"

Naitigil ni Aisler ang ginagawa niya at agad napatingin sa akin. Parang wala lang naman kay Lexus ang ginawa sa kan'ya ni Aisler dahil nakapanatiling kalmado ang mukha nito. Palagi naman s'yang gan'yan!

Napatingin ito sa akin na tila sinasabi ng mata niya na kaya n'ya at 'wag na'kong mag alala.

"I'm glad dahil nagising kana. Kanina pa ako excited." natutuwang usap ni Aisler kaya naman sinamaan ko s'ya ng tingin.

Makikita ang galit sa mata ko...galit na galit. Ngunit wala akong magawa.

"Hayop ka! Paano ako napunta dito! Pakawalan mo'ko dito!" gigil ko ngunit nginitian n'ya lamang ako ng sobrang nakakapikon!!!

"Shh, relax, baby girl. Just let me do what I want. Okay? At kapag hinayaan mong gawin ang gusto ko, hahayaan kona kayong dalawa ni Lexus." saad pa nito.

At ano naman ang gusto niyang gawin? Ang hayop na 'to! Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga sinasabi niya. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba sa dibdib ko at pangamba.

Napatingin naman ako kay Lexus na nakaupo at tinututukan ng baril ni Adonis sa ulo.

Mas namuo tuloy ang galit ko sa dibdib. Ang hayop na 'yon! S'ya ang nag dala sa akin dito! Ang buwisit na 'yan! Ilang taon na siyang naninilbihan sa amin at ngayon n'ya lamang ito ginawa!

Grabe din talaga ang impluwensya ni Aisler! Nakakagigil! Halos lahat ng nasa paligid ko ay nagagawa akong traydorin dahil sa kan'ya!

"Ano bang gusto mo! Hayop ka!"

Nginitian ako nito nang tanungin ko iyan. Sinenyasan naman niya si Adonis na lumabas na ipinag taka ko.

"Don't fucking touch her, Aisler!" may panlalambot sa tono ni Lexus nang mag salita ito.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now