Kabanata 12

11.1K 415 52
                                    

After one week...

Nasa kwarto ako ngayon at nililinis ang gamit ko para naman maiwan kong malinis 'tong kwarto ko.

Habang tinitiklop ang kumot ko ay may kumatok bigla sa pinto ko kaya binuksan ko iyon.

Bumungad naman si Eurich sa'kin at niyakap agad ako kaya nag kasalubong ang mga kilay ko.

Anong ginagawa n'ya dito? Isang linggo ko 'ata s'yang hindi naramdaman, ah.

"Blythe, sorry. Hindi ko naman sinasadya, eh. Pasensya ka na sa'kin dahil ang selfish ko...Miss na miss na kita." mangiyak-ngiyak nitong sabi habang naka yakap sa akin nang mahigpit.

Hindi din naman pala n'ya ako matitiis, isang linggo pa s'yang nag taas ng pride.

Pero aminado naman ako na na miss ko din s'ya at ang maingay n'yang bunganga.

"Bakit ka nandito?" seryoso kong tanong at humarap na s'ya sa'kin.

"Gusto ko lang mag sorry." napayuko siya at nag punas ng luha.

"'Di ba't sabi ko kung hindi mo kayang matiis ang ugali ko ay h'wag kanang lumapit sa'kin?" sabi ko dito at ini-angat naman n'ya ang ulo n'ya para tignan ako.

"Alam ko pero, Blythe. Hindi naman totoo 'yun, eh. Nadala lamang ako noon sa nararamdaman ko kaya ko nasabi 'yon. Sorry talaga." sagot naman nito.

"Okay, anong gagawin ko ngayon?" sabi ko nalang.

"P'wede bang bumalik na tayo sa dati? miss ko na kasi ang pag susungit mo." malungkot n'yang pagkakasabi.

Napa isip pa ako bago sumagot,

"Hm, okay. Just don't slap me again, okay?"

Napangiti naman s'ya at akmang yayakapin pa ako pero umiwas rin naman agad ako. Ayoko ng niyayakap, eh. Alam naman siguro n'ya 'yon.

"Thankyou, Blythe! Sorry ulit." tumango na lamang ako at isasara na sana ang pinto kaso pinigilan pa n'ya ako.

"Teka lang, Blythe. Narinig ko kase na isasali ka daw sa bloody game. Kaya din ako nandito kase nag aalala ako sa'yo. Alam ko namang magaling ka makipag laban pero iba kase 'yun dahil hindi tao ang makakalaban mo doon kung hindi iba't-ibang nilalang na ginawa lang rin ng tao. Basta mag iingat ka, ah." huli n'yang sinabi at nag iwan ng ngiti bago umalis.

Isinara ko nalang ang pinto at ipinag patuloy ang ginagawa ko.

Wala naman sa akin kung mag bati kami o hindi dahil kaya ko naman nang mag isa.

Pero okay na din na nag bati kami para hindi na s'ya dagdag sa isipin ko.

1 PM pa lamang ngayon. Gusto ko munang dumeretso ng cafeteria para kumain pagka tapos ko mag linis.

Habang nag lalakad sa hallway, pinag titinginan ako.

"Goodluck!"
"Goodluck sayo, Blythe!"
"I'm sure na ito na ang huling araw mo sa Maximus University."
"Goodluck girl!"

Mga sinasabi nila sa akin bawat hakbang ko pero hindi ko na sila sinagot.

Um-order na lamang ako sa cafeteria at dumeretso na sa lamesa para kumain.

Habang kumakain ay may nag abot ng sticky notes sa'kin, "Blythe? Para sa'yo, goodluck!"

Tinignan ko ang naka sulat dito at ito naman ang nabasa ko,

"No one is going to help you." 'yan ang nakalagay.

Napangisi ako dahil dito. Ano naman ang pake ko kung walang tumulong sa'kin? Kayang-kaya ko ang mag isa, noh!

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now