37

9.4K 302 14
                                    

11:23 PM

"Are you sure that you're okay?" tanong ni Lexus at peke ko naman s'yang nginitian, "Pang ilang tanong mo naba 'yan, Lexus? Ayos lang nga ako." inis kong sagot at inirapan s'ya.

"Bakit ba ang sungit mo? I'm just asking you if you're okay, don't make it a big deal!" naiinis din n'yang sagot.

Tignan mo 'tong lalaking 'to. Paano ko s'ya sasagutin kung gan'yan s'ya umasta. Kapag galit ako magagalit din s'ya. Sinong susuyo sa'kin? sarili ko?

"Sinong hindi susungit d'yan sa tanong mong paulit-ulit. Tsaka bakit ba kapag naiinis ako naiinis ka din?"

Tinaasan n'ya ako ng kilay, "Because I don't want to tolerate that kind of attitude."

"Bakit? nakikita mo ba sarili mo sa'kin? Mas malala pa kaya ugali mo sa'kin!" inis ko at nginisian naman n'ya ako.

"You're being overacting, Lucy. I'm just asking you if you're okay to make sure that you're fine. And now, it seems like you're not dahil d'yan sa ipinapakita mo."

Natahimik ako at naupo. Alam naman pala n'yang hindi ako okay bakit pa s'ya tanong ng tanong.

Namamaga ang mata ko kaya obvious naman na kanina pa ako umiiyak.

Gusto ko lang kasi na mailabas ang nararamdaman ko upang mas makapag isip ako pagkatapos ko mag labas ng sama ng loob.

Huminga nang malalim si Lexus at umupo sa tabi ko.

"Tears can't fix anything." saad n'ya at isinandal ang ulo ko sa balikat n'ya, "But if it's make you feel okay, then go."

Nai-stress kasi ako. Nabablangko ang utak ko. Ngayon ay sarili ko ang sinisisi ko.

"Mag pahinga kana and I'll stay here. I wanna stay by your side so that you won't feel sad or lonely." saad niya pero hindi ako nag salita.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakaakbay sa'kin at tumayo naman ako, "Gusto ko na mag pahinga," sambit ko at nahiga sa kama.

Tumayo din s'ya at namulsa, "Okay, rest well. May kukunin lang ako, I'll be back later." sabi n'ya bago s'ya lumabas.

Naalala ko bigla na birthday na nga pala n'ya mamaya lang. Wala manlang akong regalo, dami ko kasing iniisip.

***

11:56 PM

Maya-maya lamang ay bumalik na si Lexus. May dala-dala din siyang isang malaking kahon.

Sa totoo lang ay inaantok na ako pero hindi ako natulog dahil gusto ko pa s'yang batiin.

"Ano 'yan?" takang tanong ko at ipinatong naman n'ya ito sa lamesa.

"Wear this tomorrow," sagot niya at nag taka naman ako. "Ano naman 'yan?"

"Two piece?" pilosopo nitong sagot kaya sinamaan ko s'ya ng tingin, "Ano nga 'yan?"

"Obviously a gown, Lucy."

Tsk! malay ko ba kung ano 'yan. Kaya pala walang nag papadala sa'kin ng isusuot ko dahil nasa kan'ya pala mismo.

"Para bukas ba 'yan? Wala akong gift, ah." sabi ko nalang,

"I don't need that. I just wanna celebrate my birthday with you."

Hmm, ano bang ibig n'yang sabihin?

"Eh, 'di ba may celebration ang school na 'to bukas pati sa palasyo? Or gusto mo lang ako maging partner bukas?" pagtataka ko dahil tila iba yata ang nais n'ya.

"No, I want a date...I wanna experience that," sabi n'ya at kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko masyado narinig 'yung huli n'yang sinabi dahil sa biglang pag hina ng boses n'ya, "Ano?" tanong ko at para naman s'yang napairap, "Nothing."

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now