24

9.7K 343 39
                                    

Pumasok ako sa kwarto ko ngayon at naupo. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa inis.

Hays! nahihirapan na'ko. Ano bang nangyari sa plano ko? Bakit umabot sa gan'to? Napaka bagal ko kumilos.

Ang gagawin kolang naman ay aalamin kung sino ang ex-boyfriend ng kapatid ko tapos ayon gagantihan kolang s'ya at papahirapan tsaka papatayin. Pero 'yung mga plano ko umabot na sa kung saan. Ang dami ng nangyayari.

Umamin na sa'kin si Lexus at Aisler. Tapos parang naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Lexus. I don't even know what's his plan. Hindi ko alam kung anong balak n'ya.

Biglang nabaling ang tingin ko sa letrato ni Luna na nasa tapat ko. Miss na miss na miss kona si Luna.

Sobrang saya namin dati, lalo na't isip bata pa ang kapatid kong 'yan. Mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon kaya bunso s'ya at responsibilidad kong protektahan s'ya pero hindi ko nagawa.

Sobra ang iyak at pighati ko noong namatay s'ya. Hindi ko makakalimutan lahat ng nangyari noong araw na'yon.

|FRASHBACK|

Nandito ako sa palasyo at kausap ang parents ko. Nasa iisang lamesa lang kami at tahimik na kumakain.

"Lucy? Nakamusta mo ba ang kapatid mo? Sabi ko naman sa'yo lumipat kana ng Maximus para mabantayan ang kapatid mo." saad ni Dad habang kumakain kami.

Naibaba ko naman ang basong hawak ko at lumunok bago s'ya sagutin.

"Ayoko sa Maximus." maikli kong sambit.

"And why? Maganda naman sa school na'yon at tahimik." saad ulit nito.

"You're not sure, Dad. The three kings are there and I don't want to meet them tho."

Ngumuya ako nang nag salita naman si Mom, "Hayaan mo na si Lucy, malaki na s'ya at sigurado naman ako na maayos ang kalagayan ni Luna sa school n'ya." sabi n'ya kay Dad at wala naman na itong nasabi.

"Our Majesty? Kamahalan?!" nag mamadaling lumapit dito ang taga hayag namin. Kinabahan naman kami dahil sa ikinikilos n'ya.

"Anong nangyari?!" nag aalala kong tanong at napapunas pa ito ng luha. Ilang segundo na ang nakakalipas pero hindi pa din s'ya nag salita kaya tumayo na ako.

"Ano? anong nangyari?!" pag uulit ko sa tanong ko at napaluhod naman ito sa harap namin.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay may nakakagulat s'yang balita kaya naman ganito na lamang kalakas ang tibok ng puso ko.

"Kamahalan? S-si Q-Queen Luna po," umiiyak n'yang sambit at tila hindi maituloy ang sasabihin n'ya. Nag pipiit ang mga kamay ko habang hinihintay pa ang sasabihin n'ya,

"P-pinatay po si Q-Queen Luna!" nanlaki ang mata namin pare-parehas dahil sa gulat. Mabilis na tumulo ang luha ko.

Kumuha naman ako ng espada sa isang alipin dito at itinutok ito sa leeg ng taga hayag.

"Gusto mobang mamatay? Tama bang mag hayag ka ng ganiyang balita sa tapat namin mismo?" inis kong tanong. Hindi ko alam kung maniniwala ako o ano pero durog na durog na ang puso ko.

Kitang-kita ko ang katotohanan sa mga mata n'ya, na totoo ang sinasabi n'ya. Pero hindi ko alam kung anong mararamdaman, hindi ko alam kung paano kukumbinsihin ang sarili ko na hindi totoo ang sinasabi n'ya.

"K-kamahalan, patayin n'yo ko kung gusto n'yo pero totoo po ang sinasabi ko!" nabitawan ko ang espadang hawak ko at napaupo habang umiiyak.

"NASAAN SI LUNA?!" pasigaw konang tanong dahil sa galit. Si Mom and Dad naman hindi makapaniwala sa mga naririnig at natutulala. Napaupo rin ang mga ito at tila hindi alam kung ano ang gagawin.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now