31

9.2K 317 54
                                    

7:04 AM

Nagising ako dahil sa katok nang katok sa pinto ko. Naimulat ko ang mata ko at natanaw ko naman si Eurich na lumalapit sa pintuan at binuksan ito.

"Where's Ate Blythe?" rinig kong tanong ni Adrian na s'yang ikinabangon ko. Bakit nanaman s'ya nandito? Medyo nagulat din ako sa pag tawag n'ya sa'kin ng 'Ate'

Sinilip ako nito at medyo natawa nang makita ako, "She's ugly. Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa kan'ya ni Kuya." rinig ko at sinamaan ko naman s'ya ng tingin.

"Wow! Blythe, sino 'to?" namamanghang tanong ni Eurich at tila gwapong-gwapo kay Adrian.

Hindi ko nasagot ang tanong n'ya dahil nag salita si Adrian, "Follow me! This time, I want you to come with me. No excuse, Ate Blythe." utos n'ya at tinaasan ko naman s'ya ng kilay,

Tumayo ako at lumapit sa kan'ya, "Bakit ka bumalik? Mamamatay na ba si Lexus?" biro kong tanong pero nginisian n'ya ako, "Puwede bang kumilos ka nalang ate Blythe? Madami pa akong kailangang gawin."

Mukhang nag mamadali s'ya kaya naman huminga ako nang malalim, "Sige, sasama ako. Mag hintay ka ng isang oras d'yan dahil maliligo pa 'ko." sabi ko na peke n'yang ikinangiti.

"Okay, fine." walang gana n'yang sagot kaya 'di ko na s'ya pinansin.

"Pasok ka muna, Adrian. Kumain kana ba?" alok ni Eurich dito at pumasok naman s'ya. Tinignan pa n'ya ang kabuoan ng kuwarto ko na tila hinuhusgahan ito.

"Weirdo!" rinig ko pero hindi kona iyon pinansin dahil dumeretso na ako sa banyo.

Naririnig ko naman ang pagkilos ni Eurich sa labas at tila nag luluto din ng umagahan. Mabuti nga at nandito s'ya nang may nag lilinis ng kuwarto ko.
Mabuti na lamang din ay natanggal kona ang mga picture ni Luna dito nang hindi n'ya ako pag hinalaan.

***

Nang matapos ay nag bihis na ako at nag ayos na din ng mukha bago lumabas ng banyo.

Nakita kong nakaupo lamang si Adrian at tila katatapos lamang kumain. "Blythe! Tignan mo naubos n'ya 'yung niluto ko." usap ni Eurich at tuwang-tuwa ang mukha.

"Tapos na'ko, umalis na tayo." sabi ko pero abala s'ya sa pag inom ng malamig na tubig.

"Ingat kayo, ah. 'Di mo naman sinabi sa'kin na may namamagitan na pala sa inyo ni Lexus hinayaan mo pang si Adrian ang mag sabi."

kumunot ang noo ko at agad itinanggi ang sinasabi n'ya, "Maniwala ka naman d'yan. Alam mo namang napaka open kona sa'yo." sagot ko nalang at ngumiti naman s'ya, "Sa bagay. Sige na umalis na kayo anong oras na din kasi."

Tumayo na si Adrian at nilapitan ako, "Let's go." aya n'ya at lumabas na din kami.

"Bakit ba 'ko gustong makita ni Lexus? Hindi ba masama ang loob n'ya sa'kin dahil hindi ako nakinig sa kan'ya?" usap ko habang kami'y nag lalakad. Nakapamulsa lamang s'ya at deretso ang tingin.

"I don't know, kausapin mo nalang s'ya mamaya." sagot n'ya at tumango na lamang ako.

"Nasaan nga pala si Lexus?"

"He's in the palace."

Akala ko ay nasa hospital lang s'ya dahil mukhang wala naman s'yang balak bumalik ng palasyo pero hindi ko inasahan na nandoon pala s'ya.

***

Nang makarating ng palasyo ay agad akong nag bigay galang sa mga tao dito. Nginitian nila ako at hinayaan na mag lakad patungo sa loob kasama si Adrian.

Nang makapasok kami sa loob ay bumungad sa amin ang isang matandang babae na kabababa lamang ng hagdan.

Nakita ko namang lumapit dito si Adrian at nakipag beso, at ako naman ay yumuko sa harap nito upang mag bigay galang.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now