30

8.7K 348 31
                                    

Nasa kuwarto ko ako ngayon at nakahiga habang iniisip ang puwede kong gawin. Hindi ko alam kung paano makakaligtas sa mga parusa dahil wala akong mapagpilian.

Nanlalambot tuloy ako at natutulala habang iniisip na mababalewala lahat ng pag hihirap ko dahil sa babaeng 'yon!

Ang dami konang nasimulan at nagkakaroon na ako ng idea kung sino ang pumatay sa kapatid ko tapos bigla akong mapapatapon.

Ang hirap, ang hirap naman kunin ng hustisya. Ang hirap kumuha ng hustisya kapag makapangyarihan ang mga kalaban mo.

Habang tulala at napapaisip ay may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. Walang gana akong tumayo at binuksan iyon.

Bumungad naman sa'kin ang isang lalaking matangkad at kamukha ni Lexus na s'yang ipinagtaka ko nang husto.

Seryoso ang mukha nito at nakapamulsa habang nakatingin sa'kin. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa at napangisi dahil dito,

"Tsk! hindi ko in-expect na ganito pala kababa ang standard n'ya." sabi nito kaya naitaas ko ang isa kong kilay.

"Sino ka?" pagtataka ko at tinignan ulit ang mukha n'ya. Kamukha n'ya talaga si Lexus kaya mukhang may idea na ako kung sino 'to.

"I'm Adrian, your boyfriend's brother." pakilala n'ya na ipinagtaka ko nanaman. Si Lexus ba ang tinutukoy n'ya?

"Sino bang tinutukoy mo?"

"It's Lexus, my brother. Pinapunta n'ya ako dito dahil gusto ka n'yang makita. Alam n'ya kasing hindi ka makakalabas ng school kaya pinapasundo ka n'ya sa'kin." saad n'ya at medyo nag lo-loading ako dahil na din sa pagod at panlalambot.

Bakit naman ako papupuntahin ni Lexus doon? Ang alam ko kasi ay galit s'ya sa'kin dahil sa hindi ko pakikinig sa kan'ya.

"Hey! I'm talking to you!" pang gigising ni Adrian sa diwa ko kaya napa-ayos ako.

"Ah ganoon ba. Kamusta pala ang lagay n'ya?" tanong ko at napabuntong hininga naman siya.

"He's fine. He just wanted to see you dahil mukhang nag aalala s'ya sa'yo." sagot naman n'ya at tumango-tango na lamang ako.

"Ah, Adrian? Puwede bang pasabi kay Lexus na baka hindi ako makapunta dahil nakikita mo naman siguro ang sitwasyon ko. Ang dami kong sugat at ayokong mas mag alala s'ya sa'kin."

Napabuntong-hininga siya dahil sa sinabi ko, "No, kailangan mong sumama dahil papagalitan n'ya ako kapag hindi kita nadala sa kan'ya." sagot nito at napaisip naman ako.

Gusto kong makita si Lexus pero hindi sa ganitong paraan. Ang dami kong sugat at sigurado ako na mas mag aalala s'ya sa'kin kapag nakita n'ya akong ganito at kapag nabalitaan n'ya ang nangyari sa'kin.

"Ah, pasensya na pero hindi talaga ako makakasama." sagot ko nalang at umiwas,

"Hays! Okay, fine! gagawan ko nalang ng paraan. Expected ko din naman talaga na 'di ka sasama sa'kin. But make sure na next time makakadalaw ka sa kan'ya dahil ayokong nakikitang malungkot ang kuya ko." sabi n'ya at marahan naman akong ngumiti at tumango.

"I'm leaving, mag message ka sa kan'ya para may ebidensya ako na nagpunta ako dito." saad pa n'ya at hindi naman na'ko sumagot.

"Thanks, bye!" paalam n'ya at umalis na.

Naisara ko na ang pinto at bumalik sa kama ko upang humiga ulit at ipagpatuloy ang pag iisip ko.

Pakiramdam ko ay ang dami kong problema, nakakainis!

Hindi pa ako tapos sa problema ko kay Lexus at Aisler ay dumagdag nanaman 'tong si Venus na walang magawa sa buhay kung hindi ang mang-gulo.

Hays! mapapabuntong-hininga ka nalang talaga kapag psycho ang nakatapat mo.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now