28

9.2K 342 17
                                    

Nang makabalik ako ng school ay sumalubong sa'kin si Ms. Tuazon na s'yang ikinagulat ko.

Teka, nalaman ba n'yang umalis ako? P-paano?

"Where have you been, Ms. Blythe?" tanong nito habang ako'y nag iisip ng palusot.

Paano koba lulusutan 'to?...Ah, alam kona!

"Hinanap ko po kasi 'yung hikaw ko. Hindi ko naman po napansin na ang tagal kona palang nasa labas kahahanap. Ginto po kase 'yun at bigay sa'kin 'yon ng parents ko bata palang ako kaya mahalaga sa'kin. Pasensya na po kung hindi ako nakapag sabi, nag panic kasi ako."

Huminga ako ng malalim at hindi ko alam kung matatawa dahil sa napaka babaw kong palusot pero mabuti nalang ay nakapag isip agad ako.

"Follow me!" utos nito at tila ininvalidate 'yung paliwanag ko kaya sumunod nalang ako.

Dinala n'ya ako sa office ng head master kaya medyo kinakabahan ako.
Sigurado naman kasi ako na papagalitan ako at mukhang bibigyan nanaman ng parusa.

"Ms. Blythe, can you explain this?" tanong ni Professor Lupin at ipinakita sa'kin ang letrato ko kasama si Lexus.

Ito 'yung kinarga ako ni Lexus at dinala sa kwarto n'ya. Napapikit nalang ako at napaiwas ng tingin.

Paano ko ba ipapaliwanag 'yan? Si Lexus naman ang nag kusang buhatin ako.

Sa bagay, ako pa din naman ang may kasalanan dahil hari 'yon. Kahit yata gahasain ako ni Lexus at isumbong ko s'ya ay ako pa ang paparusahan. Tss!

Humarap nalang akong muli sa kan'ya at pekeng napangiti, "Ah...naaksidente po kasi ako. Aksidente pong nahiwaan ang braso at hita ko. Nakita po ako ni Lexus at dahil po napaka buti n'ya ay tinulungan n'ya ako." maikli kong paliwanag dito at pekeng ngumiti.

Medyo nag bago naman ang itsura n'ya at tila nagagalit,

"How dare you to call him by his name! You should call him 'King Lexus'! And I'm asking you! Bakit pumayag kang ipasok ni King Lexus sa kuwarto n'ya?" inis nito at medyo nailalayo ko ang mukha ko dahil sa malakas nitong boses.

"Professor Lupin, hindi ko naman po inutusan si king Lexus na dalhin ako sa kuwarto n'ya. Sabi po kasi n'ya ay hindi n'ya ako kayang dalhin sa doctor dahil masyadong malayo ang lalakarin namin dahil sa laki ng barko. Malapit lang po kasi ang kuwarto n'ya sa pinangyarihan nitong aksidente kaya doon na n'ya ako dineretso." paliwanag ko pero mukhang hindi sila sumasang-ayon at nasasatisfy sa mga sinasabi ko.

"Alam mo bang malaking parusa ang puwede mong matanggap dahil sa ginawa mo? Nag kusa man ang hari o hindi, maling pumasok ka sa pag mamay-ari n'ya." usap ni Prof. Tuazon.

Hindi ako sumasagot at hinihintay pa ang idadagdag nito.

"Did you know what the punishment is? Nilabag mo ang rule number 48 at ang rule number 12."

Tumaas ang kilay ko dahil akala ko'y isa lang ang nilabag ko.

"What do you mean by rule number 12?" pagtataka ko.

"Ang pag labas mo ng school without our consent." sagot n'ya at natahimik naman ako.

Grabe! ang higpit talaga dito. Kailangan kopa talagang mag ingat lalo na't marami pa akong hindi nalalaman dito. Masyado ko kasi yatang binigla ang pag pasok dito kaya ko nararanasan ang mga 'to.

Habang nananahimik ay napansin yata nilang wala na akong dapat pang sabihin, "You can go now, Ms. Blythe. Just wait for my announcement at doon ko sasabihin ang magiging parusa mo." sabi nito at tumango lamang ako.

Tumalikod na'ko at lalabas na sana ng pinto nang makita ko si Lexus. Dere-deretso s'yang nag lakad at hinawakan din nito ang kamay ko upang dalhin kay Prof. Lupin at Tuazon.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now