PROLOGUE

331 6 0
                                    


Romania, 1900


ISANG nakapangingilabot na hiyaw ang pumuno sa kagubatang iyon.

Mula sa di-kalayuan, sa mismong gitna ng gubat ay sandaling natilihan ang hunter. Kapagkuwa'y mabilis itong tumakbo sa dakong kinaringgan ng nakapangingilabot na sigaw. Dalawang nilalang ang natanaw niya at mabilis siyang nagtago sa likod ng isang mataas na puno.

The beast snarled. At sa natitirang liwanag mula sa pagitan ng mga nagtataasang puno ay nakita ng hunter ang ginawang pagsagpang ng hayop sa leeg ng lalaki at niluray iyon.

Ikinasa ng isang lalaki ang kanyang riple. Pilak ang mga bala niyon. Hindi niya kilala ang biktima at hindi na niya ito maililigtas. Subalit mapapatay niya ang lobo. Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kagubatan. The beast howled in pain. Sinabayan iyon ng isang malakas na sigaw. Sigaw ng isang babae!

Napahugot ng hininga ang hunter. May iba pang nilalang sa gubat. Tinakbo siya nito bago pa niya muling maikasa ang riple. Sa mismong paningin ng hunter ay nagpalit ng anyo ang babae habang tinalon siya. Tumilapon ang riple niya nang bumagsak siya sa lupa. Sinagpang siya ng lobo sa balikat. Nararamdaman niya ang unti-unting pagbaon ng mga pangil nito sa balat niya.

Katapusan na niyang tiyak. Hindi siya naging maingat. Isa pa'y humiwalay siya sa grupo. Kapagkuwa'y bumitaw ang lobo, umangil nang malakas at sa mismong mga mata niya'y nagpalit ito ng anyo at bumalik sa pagiging tao. Bago pa siya makapag-isip ay hinawakan siya nito sa punong braso at bale-walang kinaladkad patungo sa lugar kung saan bumagsak ang binaril niya at ang katawan ng lalaking pinatay ng lobo.

"Pinatay mo ang asawa ko..." wika ng babae sa lengguwaheng Romanian, nanlilisik ang mga mata sa galit at pighati. "Pinatay mo ang asawa ko dahil ipinaghiganti niya ang ginawang panghahalay ng lalaking iyan sa aking anak. Ang lalaking iyan na higit pang halimaw kaysa sa amin!"

Hindi makuhang magsalita ng hunter maliban sa umungol sa matinding sakit sa pagkawakwak ng laman mula sa balikat niya. Itinuro ng babae ang isang nakalugmok na katawan ng isang kabataang babae sa di-kalayuan.

Napahugot ng hininga ang hunter nang makita ang nakalugmok na dalagita at sira-sira ang damit.

"Ang patayin ka ngayon ay napakadali subalit hindi ko gagawin." Poot na ibinagsak siya nito at pagkatapos ay hinablot ang damit niya at hinubaran siya. Ang matutulis nitong kuko ay tila patalim na gumuhit sa tiyan niya.

Isang impit na sigaw ang pinakawalan ng hunter. "You are turned. You are now like us. You will be hunted. And your male offsprings and every male offspring thereof will be like you on their eighteenth scores..."

"Het!" The hunter cried, which meant "No." Unti-unti ang pagdidilim ng paningin niya. He would die. He would surely die. Bahagya na niyang narinig ang huling sinabi ng babae.

"Only a woman with a pure heart will break my curse!" The woman declared in Romanian, her eyes blazing in rage and then she howled in agony. She'd just lost a husband and a daughter.


Bucharest, present time


MALAPIT nang dumilim pero naroon pa rin si Aurora sa isa sa mga coffee shop sa siyudad na iyon. Iyong mga coffee shop na ang mga mesa'y naka-extend sa gilid ng daan at nauuso na rin ngayon sa Pilipinas. Ninanamnam niya ang masarap na kape at croissant. They had the bests.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now