Chapter Eleven

176 4 0
                                    


PAGPASOK niya sa guest room ay dinatnan niya roon si Manang Jacinta na kasalukuyang inilalapag ang jeans, blouse, at bra niya.

"Magandang umaga po," bati niya.

"Napalabhan at napatuyo na itong damit mo. Maaari mong gamitin ano mang oras," anito sa walang-emosyong tinig.

"Salamat po."

"Malinis na rin ang sneakers mo." Niyuko nito ang ibaba ng kama at naroon ang Keds niya. Kung nagpuputik iyon kahapon ay nagbalik na ang sneakers sa dati nitong kulay, pula. "Pauwi ka na raw ngayon..." It was more of a statement.

"Opo. Salamat po sa pagtanggap ninyong lahat sa akin."

Hindi kumibo ang matandang babae at lumabas ng guest room.

Napahinga siya nang malalim. She had this feeling that the old woman didn't like her. Tinungo niya ang banyo at naligo. Nang maisip ang ginawa ni Lukas kanina sa dagat ay napaungol siya. The sensation was overwhelming. Hindi siya makapaniwalang pinahintulutan niya si Lukas na gawin iyon sa kanya. A man she had just met! Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?

Sinikap niyang alisin sa isip iyon. Tinapos ang paliligo at saka ibinihis ang mga damit niya. Pati na ang sneakers niya. Sinulyapan niya ang relo sa side table. Mag-a-alas-nueve na. Kahit pa hindi mabilis mag-drive ang driver ng car rental ay malamang na nasa norte na ang mga ito. Kailangan niyang tawagan si Doreen upang maituro niya ang address sa villa.

Paglabas niya sa guest room ay tuluy-tuloy siya sa kabahayan. It was very quiet. Kahit ang lobo na humiwalay sa kanya nang pumasok siya sa guest room ay hindi niya matanaw. Lumabas siya sa kusina. Naroon sina Manong Onofre, Manang Jacinta, at si Sabel at kasalukuyang nag-aalmusal. Niyakag siyang kumain ng mga ito.

"Thank you. May ideya po ba kayo kung saan ko makikita si Lukas?"

"Magkasama sila ni Mikhail sa farm. Kaaalis lang. May darating yatang mamamakyaw," sagot ni Manong Onofre.

"Ano pong oras ang balik nila?"

Nagkibit ng mga balikat si Manang Jacinta. "Bago marahil magtanghalian."

Lihim siyang napaungol. Tumalikod at lumabas ng kusina patungo sa sala. Palakad-lakad siya at hindi malaman ang gagawin. Gustuhin man niyang magalit ay hindi niya magawa. She was disrupting these people's lives. Makikisuyo lang siyang gamitin ang cell phone ni Lukas. Kailangan niya itong hintayin kung anong oras man ito makakabalik mula sa farm.

Kung sakaling nasa norte na sina Doreen at Ate Olivia ay natitiyak niyang maghihintay ang mga ito ng tawag mula sa kanya. They could park somewhere. Sa isang restaurant kaya at doon hintayin ang tawag niya. She prayed na hindi pa nakakarating sa Bangui ang mga ito.

Bumalik siya sa guest room at dahil puyat siya ay sinikap niyang itulog na lang ang paghihintay. Subalit bumangon din siya at muling lumabas ng guest room. Tinungo ang landline sa may malapit sa hagdan. Sana ay hindi na sira ang linya. Natitiyak niyang naroroon na ang stay-out nilang kasambahay. Kahit paano ay malalaman niya kung wala na roon sina Doreen at Ate Olivia.

She lifted the receiver and got a dial tone despite the presence of a crackling noise. Lihim siyang nagpasalamat. She dialed Bulacan's area code and dialed their number. Ilang beses siyang nag-redial bago nag-ring ang phone sa kabilang linya.

"Hello..." sagot ng isang di-pamilyar na tinig ng lalaki.

"This is Aurora. S-sino ito?"

"Miss Zuñiga," wika ng nasa kabilang linya na halos kailangan niyang idikit nang husto ang tainga niya upang maka-penetrate ang sinasabi nito sa ingay ng linya. "Si Samuel Magbanua ito..."

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now