Chapter Four

175 4 0
                                    


"GAWIN na natin nang walang ingay ang paghahalili," patuloy ng tatay niya.

"Aabutin tayo rito nang hatinggabi at wala naman palang silbi ang pagod natin," komento niya sa nababagot na tinig.

Lumaki at nagkaisip siyang alahas ang negosyo ng mga magulang at ng grandparents niya. Gayunman, ni hindi niya natutuhan man lang ang magdisenyo ng mga iyon. Pagdating naman sa pagkilatis ng mga bato at alahas ay hindi rin niya masyadong pinagkakatiwalaan ang sarili.

She and her sister had a few pieces of their own. Pero mas nakahiligan ni Nadja ang mga accessories na imina-match nito sa bawat suot na damit. While she wasn't much into jewelry. Ang suot niya ay yaong regalo sa kanya ng itay niya para sa pagtatapos niya ng kolehiyo kasama na ang tickets niya para sa tour.

Though she thought the set simple, milyon ang halaga ng mga iyon. Hindi na naalis sa katawan niya iyon mula nang ipasya niyang gamiting patiuna. Kinatatamaran na niyang magpalit-palit ng alahas.

Bilang panganay ay alam niyang inaasahan ng tatay niya na siya ang mamamahala sa alahasan. Subalit sa kabila ng hindi siya nahilig sa pag-aalahas ay hindi iyon ipinilit ng ama niya sa kanya. Nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo nang madesisyunan niyang nais niyang kumuha ng fashion designing.

Walang nahilig sa kanila ni Nadja sa pag-aalahas. Gayunman, higit na mahalaga kay Julio na makapagtapos sila ng pag-aaral. Bagay na hindi nito nagawa para sa sarili dala ng maagang nasabak sa negosyo ng mga magulang. Para dito, si Felipe na itinuring na nitong kapatid at ang anak nitong babae ay mapamamahalaan ang tindahan.

Sa susunod na mga araw ay magtatapos siya. Pangarap niyang pagreteruhin na ang ama at papag-ikutin ito sa buong mundo kasama si Doreen—na natitiyak niyang magtitili sa tuwa. Mula nang pakasalan ito ng tatay niya ay tatlong bansa pa lamang sa Asia ang narating ng madrasta.

Felipe and his daughter could handle the store.

"Malaking salapi ang pinag-uusapan ng mga security guards, Aurora. Kung lotto lang, hindi dapat may kasiguruhan ang paraan ng kanilang pag-uusap," sagot ni Julio na pumukaw sa daloy ng isip niya.

"Okay lang iyon kung hahatinggabihin tayo, Kuya," ani Felipe. "Hayaan natin dito ang mga duplicates ng ilang araw at pagkatapos ay hahalinhan ko."

The fakes were gold coated. Yaong mababang uri. Sa nakikita niya ay walang makakapunang hindi tunay ang mga nasa display trays. Kahit ang mga di-tunay na brilyante at precious stones na inilagay ng tatay niya sa vault at muli iyong sinarhan.

Alas-nueve y media ng gabi nang magpaalam siya. Nasa backdoor na siya nang magsalita ang tatay niya.

"Hindi mo ba gustong malaman kung saan namin ito dadalhin ni Felipe, hija?"

She rolled her eyes. "Sa vault sa bangko, saan pa ba?"

Her father laughed aloud. "Maraming makakaalam niyon kapag ginawa ko iyon. Di nabale-wala itong ginagawa nating ito. Hindi birong piraso ang mga alahas na ito..." Muli itong tumawa. Tatalikod na siyang muli nang dugtungan ni Julio ang sinabi.

"Hija, bago ka umalis, huwag mong kalimutang tingnan at pakainin ang aking mga alaga. Nakaligtaan kong pakanin kanina iyon. Naging labis na abala ang isip ko na baka may panloloob na mangyari. Kapag nagkataon ay napakalaking halaga ang mababawas sa mamanahin n'yo ni Nadja sa akin. Halos wala nang matitira sa inyo..."

Inirapan niya ang ama. Tuluy-tuloy na niyang binuksan ang iron gate at bumaba. Walang ingay na tinawid niya ang kabilang bahay at tinungo ang kotse. Tama ang hinala niya. May mga miss calls siya from Gregor. At dalawang text messages.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now