Chapter Twelve

187 4 0
                                    


UNFAIR or not, kailangan niya ng karamay, lalo at nangako si Lukas na tutulungan siya. Sa kung paanong paraan siya nito matutulungan ay hindi rin niya alam. Marahil sa pagkakanulo kay Gregor sa mga pulis. Rich men like Lukas had friends in high places. Matutulungan siya nitong ipahuli si Gregor.

Sinimulan niyang sabihin dito ang buong pangyayari magmula nang araw na makilala niya si Gregor hanggang sa pagpaslang sa tatay niya at hanggang noong nakaraang araw nang planuhin niyang sorpresahin ito.

"Ako ang nasorpresa sa halip," she said bitterly, angrily. At tinapos niya ang kuwento sa ibinalita ni Detective Magbanua kaninang nakausap niya ito sa telepono. "Mabuti na lang at buo ang loob ni Doreen at nagawang tumakas sa likod. She's in the hospital right now. Nagka-nervous breakdown tiyak."

"They were looking for the jewels?" tanong ni Lukas. "Bakit nila iisiping nasa bahay ninyo ang mga alahas?"

"Dahil hindi idineposito ni Tatay sa bangko ang mga alahas at mga bato."

"And the jewels were never found?"

Tumango siya. "I don't know where my father hid the jewels and the stones. But they probably thought otherwise. And my stepmother want me to claim insurance. Wala naman daw nakakaalam na fake ang mga alahas..."

"And did you? I mean claimed insurance?"

Umiling siya. "Hindi natangay ni Gregor at ng mga kasama niya ang mga alahas. Walang dapat i-claim. Ayokong dagdagan ang komplikasyon ng mga pangyayari. Kung... kung kayang ibalik niyon ang buhay ni Tatay ay ibibigay ko sa kanila ang mga alahas..." she said with a sob.

"Stay here or in the guest room. May kakausapin lang akong tao. Kung may bakante ang biyahe mamaya patungong Maynila ay magpapa-reserve ako para sa ating dalawa."

She blinked. "S-sasamahan mo ako?"

"Magpapahatid tayo kay Manong Onofre sa Laoag airport. Mula rito hanggang doon ay humigit-kumulang dalawang oras. Kung makakaalis tayo ngayon o mamayang gabi ay nasa inyo na tayo bago maghatinggabi."

Wala siyang nasabi. Nagdulot ng bahagyang kapanatagan sa kanya na malamang kasama niya si Lukas pabalik sa Maynila.

Malalaman ba ni Gregor na nakabalik siya sa kanila? Ano ang maaaring gawin nito?

"You look so very worried," ani Lukas at tumayo. "It's not the end of the world, Aurora. Malulusutan mo ang ano mang problemang kinakaharap mo ngayon."

She bobbed her head. "I wish." Pero buhay ng mga tao ang nakataya, gusto niyang idugtong pero tama nang tutulungan siya nitong makabalik sa Bulacan. Hindi niya kailangang idamay ito at si Mikhail sa nangyayari. The police would handle Gregor.


"TAMA ba ang ginagawa mong ito, Lukas?" nag-aalalang sabi ni Manang Jacinta. "Baka malaking problema ang idudulot sa inyo ni Mikhail ng pagsama mo sa kanya."

"Sa narinig kong kuwento niya ay wala siyang mahihingan ng tulong, Manang."

"Bakit hindi mo bigyan ng pera at ihatid sa sakayan ng bus pabalik sa kanila? Bakit kailangan mong samahan?"

"Naroon ang posibilidad na ang mga humahabol sa kanya noong nakaraang gabi ay nakaabang sa lahat ng terminal. Huwag kayong mag-alala sa akin. Kaya kong pangalagaan ang aking sarili. Si Mikhail ang pagsabihan ninyong huwag gumagala sa kung saan-saan."

"Hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala, hijo. Lalo at nakikita at nararamdaman kong naaakit ka sa babaeng iyan. Alam mo ba ang konsekuwensiya kapag nalaman niya ang tungkol sa iyo?"

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now