Chapter Eighteen

240 5 0
                                    


"WALANG nakakaalam," anito. "Kung paanong nakita mo si Olivia ay ganoon din natagpuan si Mama sa silid niya..."

"No!"

"Bago pa napatay si Mama ay may mga nakakarating na kay Papa na usap-usapan, that my mother had been dating with another man she'd met at the Luna Hotel. Ito rin iyong mga panahong parating nanghihingi ng malaking halaga si Mama kay Papa. Hindi birong halaga at sunud-sunod. Hanggang sa magkait si Papa. Hindi dahil hindi niya gustong bigyan ng pera si Mama kundi alam nitong nagbibigay ng pera si Mama sa... sa lalaking iyon. Bukod pa roon ay nagsimulang mapabayaan ni Mama ang hotel.

"We believed that whoever was my mother's lover siphoned the hotel's income. My mother would have sold this property. Pero walang gustong bumili dahil sa halaga ng propriedad. O marahil ay hindi pa lang nakatagpo ng tamang buyer si Mama. Isang umaga ay natagpuan siya nina Manang Jacinta at Manong Onofre sa silid niya. She must have died in the middle of the night."

Tumayo si Aurora, itinapi ang kumot sa katawan tulad sa toga ng mga Romans at lumakad patungo rito at niyakap ito mula sa likuran, wanting to give him comfort. Then she asked, "Your father? How did he die?"

"Mula nang mamatay si Mama ay naging pabaya si Papa. Parang hindi na mahalaga rito kung mabuhay man ito o mamatay. He was killed in a hunt in Romania..."

"Oh." Namagitan ang katahimikan. Nanatiling nakatanaw sa labas si Lukas. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakita niyang ang buwan ay nagsimula nang lumitaw.

"I-it's full moon," she whispered, expecting Lukas to shape-shift. Nagbigay siya ng distansiya sa pagitan nilang dalawa isang dipa. Pero hindi nangyari ang inaasahan niya.

He turned around to face her, uncaring if he was nude and he was still half-aroused. His lips quirked in a shadow of a smile. "I can shift at will, my beauty. Kahit bilog ang buwan."

She tried to avoid looking at his manhood. "May... sinabi kang mas gusto sana ng papa mo na babae ang naging anak nila..."

"There was a curse." He walked towards the bed. Naupo ito at isinandal ang katawan sa headboard. He invited her to lie down beside him. When she did, he kissed her deeply. His tongue immitating the sexual act. "Touch me," he murmured in her mouth.

Kumawala si Aurora at niyuko ang ibabang bahagi ng katawan nito. Now he was fully aroused. Gumapang ang init sa buong katawan niya tulad sa isang tinunaw na pilak. She wanted to touch him... to make love with him again. Pero kailangan niyang marinig ang buong kuwento.

"Ikuwento mo ang tungkol sa sumpa, Lukas..."

Sandali siyang tinitigan nito at nagbuntong-hininga. "Wala naman talagang nakakaalam kung may katotohanan ang sumpa, Aurora. But I will tell you anyway." Sinabi nito ang dahilan kung bakit ang mga lalaki sa pamilya nito ay nagiging lobo sa edad na disiotso.

"And only the purest of hearts can break the curse," Lukas ended the story. "Nagpasalin-salin ang kuwentong iyan sa loob ng mahigit isandaang taon. Isang malaking kalokohan ang alamat na iyan, Rory..." Kinabig siya at muling hinagkan sa mga labi. Ang kamay nito ay tinatastas ang buhol ng kumot sa dibdib niya. Nais na niyang magpatangay subalit nais niyang tapusin ang usapan tungkol sa sumpa.

"It must be true, Lukas. Dahil bakit ang mga lalaki lang ang nagiging wolf pagsapit ng ikalabing-walong taon?"

"There were three generations, Aurora. Walang nagkaanak ng babae alinman sa mga inapo ng aking ninunong isinumpa. So we wouldn't really know."

"What about Mikhail? His parents?"

"Mikhail's parents were both Romanians. He was a naturalized Filipino since he spent most of his days here with my father and mother. His father married a Romanian. Na sa katagalan ay natutuhang tanggapin ang pagkatao ng aking ama. Mikhail was already born when his father deceived his wife and turned her. They were both killed by hunters in one of their hunts. Dahil tuluyang niyakap ng papa ni Mikhail ang pagkatao nito. He joined the packs and became their alpha male..."

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon