Chapter Nine

188 4 1
                                    


"HELLO, Doreen."

"Anong oras ang dating mo mamaya?" tanong kaagad nito.

"Doreen, listen. Kahapon pa ako nakabalik sa Pilipinas. Narito ako sa... sa Pagudpud—"

"Pagudpud?" bulalas nito na pumutol sa sinasabi niya. "Ano ang ginagawa mo riyan? Magkasama ba kayo ni Gregor?"

"Hindi kami magkasama ni Gregor," aniya na tumigas ang tinig. "Kung sakaling tumawag siya sa iyo ay huwag mong sasabihing nagkausap tayo. Tulad ng sinabi mo'y mamaya pa ako darating. Saka ko na ipaliliwanag sa iyo, nanghiram lang ako ng cell phone. Sunduin mo ako rito. Kayo ni Ate Oliva. And please, Doreen, wala kayong pagsasabihan kung saan kayo pupunta. Huwag kayong mag-eroplano. Rent a car..."

"H-hindi ko naiintindihan. Bakit namin kailangang magrenta ng sasakyan?"

"Para hindi ka mapagod sa mahabang pagmamaneho." Upang hindi makilala ni Gregor ang sasakyan kung may mga tao siyang nag-aabang sa iyo, she wanted to tell her but held herself.

Hindi niya gustong takutin si Doreen at si Olivia. "Idikta mo sa akin ang cell phone number mo at tatawagan kita uli bandang alas-otso kapag paalis na kayo riyan. At kapag nasa Pagudpud ka na ay tatawagan din kita para ituro ang kinaroroonan ko. Kung aalis ka diyan sa atin ng alas-otso ng gabi ay malamang na narito ka na bukas ng umaga..." dere-deretsong sabi niya.

"Hindi kita naiintindihan. Mamaya pang gabi ang uwi mo dapat mula sa Korea. Ano ang nangyari?"

"Huwag ka na munang magtanong. Mahabang paliwanag. Umalis kayo kaagad ni Ate Olivia. Please, wala kayong pagsasabihan kung saan kayo patungo..."

Pinutol niya ang koneksiyon pagkatapos niyang hingin ang cell phone number nito. Natitiyak niyang naguguluhan si Doreen pero hindi pa niya masasabi rito ang totoong pangyayari. Pagkatapos ay binalak niyang tawagan si Olivia subalit naalalang hindi niya kabisado ang cell phone number nito. Bahala na si Doreen na magpaliwanag dito. Instead, she dialed one familiar number.

"Hello..."

"Nadja..." she said softly. At parang gusto niyang bumunghalit ng iyak pagkarinig sa tinig ng kapatid. She missed her so. Lalo na ngayong sila na lang dalawa.

"Aurora? You have a new phone?" Hindi nito hinintay ang sagot niya at agad dinugtungan ang sinabi, "I'll be home next week and—"

"No, Nadja! Huwag kang umuwi! Manganganib ang buhay mo..." Her voice trembled. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang buong pangyayari.

"What are you talking about, Rory?"

"Si... si Tatay, Nadja... Pinatay si Tatay—"

Aurora heard a sigh. "Rory, please calm down," Nadja said gently. "You are having a post traumatic stress. Naitawag at nasabi mo na sa akin iyan, hindi ba?" There was a catch in Nadja's voice. "I can't believe it happened to Tatay. And I am so sorry that I wasn't there and that—"

"Si Gregor ang pumatay kay Tatay, Nadj."

"What?"

"Pinlano ang ginawang panloloob. Tama si Tatay. Hindi nga lang niya nakilala kung sino ang kasabwat ni Gregor sa mga empleyado natin. It was an inside job..."

"How... how...?"

"Mahabang paliwanag, Nadj. Narito ako sa Pagudpud—"

"Pagudpud! Akala ko ba'y mamaya pa ang biyahe ng eroplano mo pauwi sa Maynila?" Inulit lang nito halos ang sinabi ni Doreen. "What is going on? Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari."

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now