Chapter Seven

192 3 0
                                    


HINDI siya lumilingon at patuloy sa pagpanhik sa hagdan. Nakakasampung baitang na siya at nasa unang landing nang lingunin niya ito. Nakayupyop ang babae sa handrail at naghahabol ng hininga. She was too flights below him.

"May problema ba?" he asked irritably. The woman was young, natanto na niya iyon nang nasa coffee shop sila. Probably in her early twenties, and looked healthy. Hindi siya makapaniwalang nahihirapan itong pumanhik. "Are you having a bout of asthma?" nagdududa niyang tanong. It was possible that the woman had asthma.

"Just a sec," anito na hinahabol ang paghinga. "Malayo din iyong nilakad ko kasama ng wolf mo. Maliban doon, ilang oras din akong—" She stopped in midsentence. Sa wari ay mas kakapusin ito ng paghinga kung magpapatuloy sa pagsasalita.

A series of profanity came out of his mouth.

Muli siyang bumaba at hinawakan ang babae sa baywang nang walang sabi-sabi at tinulungang makapanhik sa paraang halos buhatin niya ito. Sinikap niyang bale-walain ang pagnanasang ibinabangon nito sa kanya. She was soft and light as a feather.

May daan sa gilid ng bundok patungo sa itaas ng villa na mas madali at hindi matarik subalit hindi niya kailangang doon ito idaan. The lesser she knew about the place, the better.

Mikhail was stupid to bring this woman here. Was his cousin attracted by a pretty face?

Sa naisip niyang iyon ay parang may disgusto siyang naramdaman. Kakaibang uri ng damdaming hindi niya gustong pangalanan. Nararamdaman niya ang gulong dala nito sa pagtatagpo nilang muling iyon.

Damn Mikhail.


PARA siyang sako ng bigas kung bitbitin ng lalaki. Napakapit siya sa braso nito nang wala sa oras. His arm was hard. His body whipcord lean. At bagaman hindi siya kumportable sa pagbitbit nito sa kanya ay hindi niya gustong magreklamo.

Ni wala nga siyang pakialam kung nakadikit na ang katawan niya sa katawan nito. O kung nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa mukha niya. Kung siya lang ay malamang na aabutin siya ng ilang oras bago mapanhik ang matarik na hagdan.

Kung hindi sa sobrang pagod na dinanas niya mula kagabi ay malamang na babale-walain niya ang pagpanhik. Masasakit ang mga kasu-kasuan niya. Nabigla ang katawan niya sa ginawa niyang pagtakas kahapon.

Sa itaas ay natambad sa kanya ang nakapaligid na mga rosas sa gilid ng konkretong pader. Iba't ibang kulay. Deep red, white, peach, and yellow! Noon lang siya nakakita ng bed of roses na dinisenyo na magkahalu-halo ang mga bulaklak. And the roses were in bloom! It wasn't even trimmed. Nagra-riot ang mga tangkay at bulaklak na sadyang pinagapang sa batong pader.

She heard a splash. Ibinaling niya ang paningin sa bandang kanan niya. Isang malaking swimming pool ang natanaw niya. Nasisilungan ito ng makakapal na sanga ng mga puno sa paligid. Napansin niyang may naglalangoy roon na nang matanaw sila ay agad na kumaway. Kapagkuwa'y lumangoy patungo sa gilid ng pool at umahon.

"Hey, Luke!" tawag ng isang binatilyo.

Aurora thought he must be around seventeen... eighteen. Nakaplaster sa leeg nito ang may kahabaang buhok. Higit na mahaba kaysa sa buhok ng lalaking kasama niya. Sinuklay nito iyon ng mga daliri patalikod. The young man was just as good-looking.

Naka-define na ang magandang pangangatawan sa kabila ng kabataan pa ito. At dahil naka-trunks ito at nakahapit sa maselang bahagi ng katawan, umiwas siya ng tingin. Hindi naman siya makaluma pero naiilang siyang tumingin sa mga ganoong uri ng pampaligo ng mga lalaki na para ring walang tinakpan.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now