Chapter Fifteen

212 5 0
                                    


WALA pang isang oras ay nasa barangay na sila kung saan nakatira si Olivia. Kinabahan si Aurora nang makita ang dalawang patrol car sa tapat ng inuupahan nitong apartment. Lalo na nang makitang maraming tao ang naroroon na malamang ay nakiusyuso.

Hindi pa man naipaparada nang husto ni Lukas ang sasakyan nito ay nakababa na siya at nakiraan sa mga tao. Tuluy-tuloy siya sa loob ng studio type apartment na inuupahan ni Olivia sa maraming taon. Natanaw niya si Sam Magbanua sa pinto ng silid ni Olivia at halos takbuhin niya ang pagtungo roon.

"A-ano'ng nangyari?" tanong niya.

"Hindi mo gustong makita ito, Aurora," anito at akma siyang pipigilan.

Subalit tinabig niya ito at pumasok sa silid. Tinakpan niya ang bibig niya bago pa siya mapasigaw nang matuunan niya ang hindi nais ni Magbanua na makita niya. Si Olivia ay pahalang na nakahiga sa kama nito, nakabitin ang mga binti. Walang buhay. Dilat ang mga mata at nasa hindi tamang anggulo ang ulo. Ang bahagi ng leeg nitong nakahantad ay luray-luray. Ang dibdib nito ay wasak.

Sindak na humakbang siya paatras. Napigil lang iyon nang maatrasan niya ang dibdib ni Lukas sa likuran niya kasabay ng pagsigaw ni Doreen. Hinawakan ito ni Magbanua at iginiya palayo sa silid.

"Let's get out of here..." bulong ni Lukas sa kanya sa mariing tinig at inakay siya palabas at hinawi ang mga naroroong tao na inaawat ng mga pulis na makapasok sa bahay. Ipinasok siya nito sa loob ng sasakyan.

Hindi pa naisasara ni Lukas ang pinto sa bahagi nito ay natanaw na nilang pareho sina Magbanua at Doreen na papalapit. Binuksan ni Magbanua ang likuran at pinapasok ang nasisindak pa ring si Doreen.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Lukas pagkatapos buksan ang windshield sa bahagi nito.

"May nag-report sa presinto kaninang umaga lang. Kagabi raw ay narinig ng marami ang malakas na sigaw ni Olivia. Pero hindi na raw naulit iyon. Kaninang bandang alas-otso ay may kapitbahay na nakapunang bukas ang pinto ng bahay niya at naisip na usisain sana ito kung ano ang nangyari kagabi..." He left his sentence hanging. Huminga ito nang malalim.

"What happened to her?" tanong ni Aurora sa bahagyang nanginginig na tinig. "B-bakit parang wala siyang dugo? Bakit parang winakwak ang.... ang... dibdib at ang leeg niya?"

Umiling si Magbanua. "Hindi ko rin kayang ipaliwanag, Lukas... Aurora. Ang ganitong kaso ay nangangailangan ng eksperto upang masuri. Subalit alam mo naman dito sa bayan natin, kulang tayo sa ganyan. Una, hindi mura ang magpasuri sa medico legal..."

Nanlaki ang mga mata ni Aurora nang maalala ang pag-uusap nina Olivia at Gregor kahapon ng hapon. "Si Gregor ang kausap niya kahapon sa cell phone niya!"

Nagkatinginan sina Lukas at Magbanua. "Kinontak ko na ang pulisya ng San Isidro at ginagawa na ngayon tiyak ang paghahanap kay Gregor." Sinulyapan nito si Doreen na patuloy sa pag-iyak, pagkatapos ay ibinalik kay Lukas ang mga mata. "Please take them home. Hindi pa ako makakaalis dito. Baka hanggang mamayang hapon ay heto pa ring kaso na ito ang aasikasuhin ko."

"Ano ang nangyayari sa atin?" tanong ni Doreen habang sige sa mahinang pag-iyak.

Kahit si Aurora ay hindi alam ang sagot sa tanong na iyon. Pinaandar na ni Lukas ang sasakyan at ilang sandali pa'y pabalik na sila sa bahay ni Aurora. "Magbalot kayong dalawa ng damit at isasama ko kayo pabalik sa Pagudpud."

"W-what?"

"You heard me, Aurora. Higit kailanman ay ngayon ko napatunayang nanganganib ka."

"Pero—"

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now