Chapter Thirteen

362 9 5
                                    


"PAANO kang nakatakas?" tanong ni Lukas nang nakailaw na iyong sign na maaari nang kalasin ang seat belt. Pero walang nag-abala sa kanilang dalawang magkalas ng seat belt.

"Again... t-there was a dog... must be a wolf," aniya sa tinig na bahagya pa ring nanginginig bagaman nang umangat ang eroplano sa lupa kanina ay saka pa lang siya nakahinga nang maluwag. "The... the wolf killed the man." Her voice was just above whisper.

Kapagkuwa'y nilinga niya si Lukas nang may maisip. "Ang lobo mo? Hindi ba siya kasamang naghatid sa atin at hindi ko lang napansin? Baka hindi rin napansin ni Manong Onofre na bumaba ang lobo."

"Did it look like my wolf?"

Isinandig niya ang ulo sa headrest. "I don't know. It was dark. Ang tanging masasabi ko ay mas malaki ang... yes! It was bigger than your wolf. I am not sure though..." She looked at him. Puno pa rin ng takot ang mga mata niya. "Ang buong akala ko'y sinaktan ka ng kasama niya. Sinabi ng lalaking sasaktan ka kung hindi ako sasama nang tahimik."

"At nag-alala ka sa akin?" His tone was a little bit amused. But a certain tenderness crossed his eyes. "Kaya ba ganoon kahigpit mo akong niyakap nang makita mo ako dahil nag-aalala ka sa akin?"

"I was worried, Lukas. Hindi ko ikinakaila iyan at hindi mo ako kailangang tuyain. Kung napahamak ka'y hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Idinamay kita."

Itinaas ni Lukas ang kamay niyang hawak nito at hinagkan. "Hindi kita tinutuya, Aurora. Hindi ako sanay na may babaeng nag-aalala sa kaligtasan ko maliban kay Manang Jacinta. And I'm touched."

Aurora shivered a little.

"Cold?"

Umiling siya. "S-sinagpang ng malaking aso ang leeg ng lalaki..." Tinakpan ng kaliwang kamay niya ang bibig upang hindi makawala ang hikbi.

Humigpit ang pagkakahawak ni Lukas sa kanang kamay niya. Idinikit nito ang bibig sa tainga niya. "Calm down, Aurora. The dog saved you. Kung kanino mang aso iyon ay dapat tayong magpasalamat..."

"I know... I know," she said almost hysterically. "Pero hindi mawala sa isip ko ang pagsagpang niya sa leeg ng lalaki at kahit madilim ay nakita ko ang pagkaluray—"

"Alisin mo sa isip mo!" Lukas said firmly. "You are safe and that is all that matters. And remember that the man you thought the dog killed could be one of those men who murdered your father..."

"Naisip ko na iyan. Hindi mo lang maiaalis sa isip ko ang masindak..." Huminga siya nang malalim. "Ipinagpasalamat kong madilim at hindi ko talaga nasaksihan ang ginawa ng aso. Yet it wasn't so dark that I couldn't use my imaginations. And when I ran from the scene, I know in my heart that the man was dead." Wala sa loob niyang inihilig ang ulo sa balikat ni Lukas, nais niyang makadama ng kapanatagan sa tabi nito.

Her life was falling apart, she was running for her life, she needed someone. At sa mga sandaling iyon ay kailangan niya ang init mula kay Lukas. Kailangan niya ang kaligtasang nararamdaman niya mula rito.

Ano ba ang mayroon sa kanya at sa wari ay lagi siyang sinusundan ng aso. The first one was a wolf. Itong huli ay hindi siya nakatitiyak. Nagkalat ba ang mga lobo sa norte?

Lukas entwined his fingers with hers.

Sa loob ng halos isang oras ay walang usapang namagitan sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa airport sa Manila. Sa pagkamangha niya ay naroon si Doreen at naghihintay sa pagdating nila. Agad siyang niyakap nito pagkakita sa kanya.

"I'm glad you're here now, Aurora," pahikbing sabi nito. "Hindi ko alam ang gagawin ko."

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa madrasta. "Akala ko'y bukas ka pa lalabas ng ospital."

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyWhere stories live. Discover now