Chapter Eight

231 6 2
                                    


"HINDI tama ang ginawa mo!" singhal ni Lukas sa nakababatang pinsan. "Alam mo ang panganib ng magdala rito ng estranghero, Mikhail. Sinuway mo ako!"

"Kailangan niya ng tulong," sagot ni Mikhail. "Kung hindi ko siya tinulungan, malamang na patay o naghihingalo na siya ngayon dahil sa hypothermia. Sobrang baba ng temperatura kagabi. Alam mo iyon."

"Iyong hindi natin alam ay hindi makakaapekto sa atin."

"Kaso alam ko nga, Lukas. Nakita ko siya! I could sense her fear from a mile away! May tinatakasan siya."

"Hindi mo malalaman iyan kung hindi ka nagpalit-anyo bago mo siya sinilip sa teleskopyo." May akusasyon sa tinig niya. "You were out of the house before that!"

"I was trying to follow your instruction. Iyong kaya kong kontrolin ang sarili ko. I saw from afar the explosion of a vehicle. So if you're thinking of me joining a pack—"

"I know there is no pack, Mikhail," putol niya sa sinasabi nito. "Just one or two stray dogs. And you're not like them!"

"Oh, yeah," he said sarcastically. Pahablot na binuksan ang closet at kumuha roon ng T-shirt at nagbihis.

"Simula na ng pagbilog ng buwan mamayang gabi, paano kung magbago ka ng anyo?"

"Lukas, we're not werewolves, for crying out loud! Pero kung mapapanatag ka, there's the dungeon. Ikulong mo ako roon. O lumabas ako ng villa."

"I cannot allow that! Mapanganib para sa iyo kung laging ganoon ang gagawin mo."

Mikhail raised his hands. "Then help her. Ang hinihiling lang naman niya ay telepono. May mga humahabol sa kanya kagabi. Hindi mo ba nakikita ang hitsura niya?"

"Na-attract ka sa magandang mukha?"

"Oh, shit!" Mikhail muttered. "I was only trying to help. Ganoon lang." He zipped and buttoned his jeans.

"I still don't like this."

"You don't have to like it. Ibigay mo ang kung ano man ang hinihingi niyang tulong. Then send her away." Lumakad patungo sa pinto si Mikhail. "I need my breakfast. And so does our guest."


THE BREAKFAST room was designed like a gazebo. Ang salamin na mula ibaba hanggang itaas ay bukas sa bawat kanto. It had a glass roof, too. Gayunman, natitiyak niyang hindi makakapasok doon ang init ng araw dahil naka-canopy ang malalaking sanga at makakapal na dahon ng isang puno. How wonderful to wake up in a place like this!

Nag-angat siya ng paningin nang matanawan ang dalawang lalaking papasok sa breakfast room. Iyon ang pangatlo niyang tasa mula kanina sa labas. Wala pang limang minuto ang nakalipas nang tawagin siya ng isang housemaid at iginiya siya patungo roon. Nakahain na roon ang almusal. Subalit sadya niyang hinintay ang pagbaba ng dalawa.

Walang kibong hinila ni Luke ang upuan. Ganoon din si Mikhail na binati si Aurora. Nagsimulang magsalin ng kape sa tasa para sa dalawang lalaki ang kasambahay.

"Nakaligo at nakabihis ka na pala," nakangiting komento ni Mikhail. "You look refreshed."

"Thank you," aniya at sinulyapan si Luke mula sa ibabaw ng rim ng tasa niya. "Salamat din dito sa damit."

"Husto sa iyo na parang isinukat ang summer dress," komento ni Mikhail at hinagod siya ng humahangang tingin. Bahagya na siyang sinulyapan ni Luke na umabot ng pagkain sa serving plate.

"It's brand-new. Ako pa ang nag-alis ng tag. Thank you." Hindi na niya dinagdag na may mga disposable underwears din sa closet. Pawang mga selyado pa ang plastics at na ginamit niya ang isa sa mga iyon.

PHR GOTHIC ROMANCE: The Wolf & The BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon