Chap1

3.6K 30 1
                                    


Venus Ramirez P.O.V

tatanggapin ko ba??

papayag ba ako?

Nakatayo ako sa gilid ako ng isang man made river na sakop ng Heaven's home orphanage.

Upang isipin ang pinag-usapan namin ni Lola Cenon, Actually hindi ko talaga siya totoong lola. Lumaki ako sa bahay ampunan dahil iniwan ako ng tunay kong mga magulang sa harapan ng Heaven's Home Orphanage.

Si Lola Cenon ang naging sponsor ko simula pagkabata hangang ngayon na nasa huling taon na ako sa kolehiyo.

Sa edad kong bente dos ni minsan walang nagtangka na umampon sa akin. Wala rin akong nakikitang pumupunta sa bahay ampunan para mamili ng batang a-ampunin. Basta ko na lang nalalaman na may kumukuha na sa mga batang kasama ko sa ampunan na magulang para ampunin.

Kung tutuusin pwede na akong umalis dito para mamuhay ng mag-isa, dahil bukod sa nasa tamang edad na naman ako. Kaya ko namang maghanap ng trabaho habang nag-aaral.

Ngunit hindi pumayag si Mother Eden at si Sister Violy, sila lang naman ang pangunahing nangangalaga sa mga bata sa bahay ampunan. Pareho silang madre kaya napakabuti nila sa amin.

Magaan din ang buhay namin dito dahil hindi lang ako sinusuportahan ni Lola Cenon. Pati na rin ang buong ampunan. Napakabuti ng puso niya kahit hindi ko siya lubusang kilala sa tuwing nandito siya ay nakikita ko ang pagka-giliw niya sa mga batang naririto. Lalo na pagdating sa akin, lagi niya kasi akong sinasama sa mall para bumili ng mga gamit ko. Kahit hindi ko naman kailangan binibili niya kagaya na lamang ng mga lotion,pabango at mga pampaganda.

Sabi ni Lola Cenon kailangan daw maging maalaga ang babae sa sarili dahil isa daw sila sa pinaka-magandang nilikha ng Diyos sa mundo. Kaya siguro kahit nasa singkwenta na si Lola ay napakaganda parin nito. At suportado niya ang lahat ng kailangan ko. Nanghinayang naman ako na hindi gamitin dahil mamahalin ang mga yun. At nakikita ko talaga ang pagbabago ng kutis ko.

Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng ganon dahil hindi naman ako kapangitan. May nagsabi na nga sa akin na habang tumatagal daw lalo akong gumaganda sa paningin niya.

"kamusta V?..."

Si Khalil, kaklase at malapit kong kaibigan since high school.

"Im okay...Khal..."

"tssss...sounds boring..."  Sabay pitik nya sa noo ko.

"Awz!"

"Let's eat, Libre ko..."

"dapat lang...ikaw tong mayaman jan..."

"tsss...panget!"

"mas panget ka! ano bang kakainin natin?"

"as usual, our Favorite...."

"yes, Fried Chicken!  libre mo nadin ako ng Sopas ha?" 

"come on"

Pareho kasi kami ng kinuhang kurso kaya hangang kolehiyo ay magkasama pa rin kami. Mabait siya at maalaga, kahit di niya sinasabi ng harapan alam ko may gusto siya sa akin dahil sa pinapakita niya kapag magkasama kami.

Hindi ko nga nakitang nanligaw yun sa ibang babae at napakalambing din niya sa akin. Masyado din siyang over protective, kahit magkaibigan lang kami ayaw niya na may nanliligaw sa akin na iba.

Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na umalis na ako ng ampunan at ikakasal na ako sa apo ni Lola Cenon.

Siguro, pag okay na ang lahat sasabihin ko din sa kanya.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now