Chap8

839 14 1
                                    

        Isang oras na ang nakalipas mula nang umalis si jhared... Galit parin si Lola kahit alam niya ang dahilan ng pag-alis nito.

Ipinaliwanag ni Miguel ang lahat kung bakit siya umalis.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

May karapatan ba akong masaktan?

Nasa bingit ng kamatayan ang dati niyang kasintahan. Ang babaeng hangang ngayon ay mahal na mahal niya. Nakita ko sa mga larawan nila kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Ayaw man niyang ipakita sa kin, nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Mahal pa rin niya si Shalom at ako ay pantapal lang sa sugat na iiwan niya kay Jhared.

Hindi ko akalain na sa maganda niyang mukha ay nagtatago ang matinding karamdaman.

“She had Brain Cancer! She’s dying!”
Paulit-ulit na lumarawan sa akin ang mukha ni Jhared nang sabihin yun ni Zander.

Tinakasan ng kulay ang kanyang mukha sa sinabi nito.

Napanuod ko din ang video na nakuha daw ni Prince sa cellphone ni Shalom. Sa likod ng mga ngiti niya sa video ay hindi mo maaninag sa kanya ang pag-aalala na hindi niya malampasan ang pagsubok. Sadya sigurong may mga taong malakas ang loob kahit na mabigat ang pagsubok na kakaharapin nila.

Imbis na magalit sa pag-iwan ni Jhared sa akin ay mas inintindi ko siya.

Alam ko, yun ang kailangan niya ngayon.

Alam ko nasasaktan siya ngayon.

Alam ko nahihirapan siya ngayon.

Wala akong magawa para maibsan ang nararamdaman niya.

Unti-unting sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi. Kanina ko pa gustong ilabas ang nagbabadyang luha sa aking mga mata pero inalala ko si Lola ayokong lalo siyang magalit kay Jhared dahil sa pag-iwan sa akin.

Katwiran niya kahit pa pumunta si Jhared hindi rin naman niya mapapagaling ito. Kaya siya na lang ang humarap sa ibang bisita at umakyat na rin ako sa taas upang magbihis ng comfortableng damit.

Pagkatapos kong magbihis ay nakarinig ako ng mahinang katok.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni sister Violy.

Okay ka na ba?”

Dahan-dahan ako tumango at ngumiti. Pero imbis na makuntento sa sagot ko ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ko alam ang dahilan ng pag-alis ng asawa mo. Pero kung ano man ang naging problema niyong dalawa. Ipagdarasal ko na maging maayos din ang lahat.” Sambit niya.

Kinagat ko ang ibabang labi at pinilit na hindi tuluyang maiyak. Ayokong pag-aalalahanin sila sa pinili kong landas.

S-salamat po.” Paos na sagot ko.

Aalis na kami. Wag mong kalimutan na dumalaw sa bahay ampunan.” Naiiyak na sabi niya.

Sunod-sunod akong tumango. Pilit na nilalabanan ang lungkot ng pag-alis nila. Bumaba ako upang magpaalam sa kanila. Nauna na kasing umalis ang iba pang bisita maliban kay Miguel at Louis.

Nagpaalam na rin si Mother Eden na mahigpit lang akong niyakap. Kahit hindi siya magsalita alam kong nag-aalala din siya para sa akin.

Wag po kayong mag-alala kaya ko po ito.” Nakangiting sambit ko bago maghiwalay ang mahigpit naming yakap.

Nakasakay sila sa isang minibus na pagmamay-ari nila Lola. Isa-isang nagpaalam sa akin ang kasama nilang mga bata na may ngiti sa labi.

Kumaway silang lahat sa akin sa bintana bago umalis ang bus. Nangingilid ang mga luhang pinahid ko bago pa maglandas sa aking mukha. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa likuran ko ang dalawang kaibigan ni Jhared.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now