Chap5

905 20 0
                                    

Habang papalabas kami ng venue ay lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Jhared wait,  ano ba? Nasasaktan na ako!” Inis na singhal ko sa kanya.

Nasa labas na kami at gilid ng venue nang tumigil siya sa malaking hakbang niya. Kumirot na din ang paa ko dahil sa sapatos na suot ko. Bukod sa paltos sa sakong ko pati daliri ko sa paa ay namumula na din. Matalim niya akong tinignan na parang ang laki ng naging kasalanan ko sa kanya.

Teka nga, ano bang problema mo? Bakit nagagalit ka na naman!” Singhal ko sa kanya.

Pinilit kong hilahin ang kamay ko. At hinarap ko ang matalim na titig niya.

Tinatanong mo pa? Umalis lang ako sandali nakikipaglandian ka na? At sa mga kaibigan ko pa?” Galit na singhal niya sa akin.

Nakipaglandian? Nagsayaw lang kami sa gitna, landian agad ang tawag dun? Wow! Eh ano bang gusto mong gawin ko? Mag-intay sa entrance kung saan mo ko iniwan at antayin kung kailan kayo matatapos maghalikan?”
Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.


What the hell Venus? Nag uusap lang kami ni Shalom.” Katwiran niya na ikinatawa ko ng mapait dahil hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

Ganun na ba ang Communication Style ngayon? Supsup to the Max Level??

Oh...god...

Nag-usap? Iba na pala ang ibig sabihin ng nag-uusap ngayon naghahalikan na?” Nang-uuyam kong tanong sa kanya.

Lumambot ang mukha niya dahil hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.

You saw us kissing?” Kunot noo na tanong niya sa akin.

Actually Yes, hungrily and torridly. Ngayon, sino ang malandi sa ating dalawa?” Naniningkit ang matang tanong ko.

Wag mong bigyan ng malisya yun dahil wala lang yun sa akin.” Mahinahon na sambit niya.

Wala lang? Kapag ex, dapat ex na! Hindi na dapat binabalikan!”

I don’t care kong nagiging OA na ako sa paningin niya. Gusto kong ilabas ang galit ko. Ang lakas ng loob niyang kaladkarin ako palabas at ipahiya sa maraming tao kahit wala naman akong ginagawang masama. Tapos siya naman itong may kasalanan.

“We don’t have proper break-up Venus. At wala din akong dapat ipaliwanag sayo dahil wala naman tayong relasyon.”

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi niya. Wala nga kaming relasyon pero hindi sapat na dahilan yun para gawin niya ito sa akin matapos niya akong ipakilala bilang kanyang fiance.

Alam mo pala eh, bakit ka nagagalit na kausap ko yung mga kaibigan mo?”

Damn it! Hindi mo kilala ang mga kaibigan ko, Venus. Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sa isang babaeng gusto nila.” Paliwanag niya na ikinatawa ko.

Alam mo? Hindi kita maintindihan. Bumalik ka na sa kanya kung hindi ka pa maka-move on and leave me alone.”
  Kaagad akong naglakad palayo sa kanya ngunit nakaka-sampung hakbang pa lamang ako hinigit na naman niya ang braso ko.

Ano ba!” Singhal ko sa kanya.

Maaring ngang hindi ako kagaya ni Shalom pero hindi ko ibaba pa ang sarili ko para sa kanya.

Sasagutin na sana niya ako nang bigla siyang tumigil at may nilingon sa likuran ko kaya lumingon din ako sa tinitignan niya. Nakita kong pasuray-suray si Shalom palabas ng venue. Halos masubsub na ito sa paghakbang sa hagdan.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now