Chap10

859 18 0
                                    

JHARED P.O.V

            Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard. Napahilot ako sa aking sintido kasabay ng pagpintig sa sakit ng ulo ko. Nasa kama na ako.

Napakunot ako ng noo dahil wala akong saplot sa katawan kahit isa.

Anong nangyari?

Bakit ako naririto?

Bakit ako walang damit?

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi pero lalo lang sumasakit ang ulo ko.

JHARED! JHARED!” Sigaw sa labas ng kwarto ko. Isang malakas na lagabog ang nagbukas ng pinto.

Kaya doon natuon ang atensyon ko.

What the f*uck!” Gulat na sigaw ni Zander.

Sigurado akong siya din ang may pakana kaya nabuksan ang pinto. Nasa likuran niya si Miguel at Louis na pinasadahan ako ng masamang tingin.

Kaya pala hindi ka magising kahit anong tawag namin dahil siguradong inumaga ka na ng bunot. Akala namin ay kung ano na ang ginawa mo at sinabi ng manager sa bar ko na nagkagulo daw kagabi dahil sayo. Kasama mo pa si Maymay!” Singhal niya sa akin.

What happen? Where's Venus?” Seryosong tanong ni Louis.

Saka ko pa lang naalala ang naging pag-uusap namin kahapon. Pagkatapos ko siyang kausapin ay umalis na agad ako at nagtuloy sa bar ni Zander.Sinamahan ako ni Mae, Isa siya sa mga babae kung naging pampalipas oras noong sinaktan ako ni Lalaine.

Hindi ko alam.” Walang emosyon na sagot ko.

Kaagad na lumapit si Miguel sa akin at tinapunan ako ng suntok sa mukha na ikinagulat ko.

Napahawak ako sa dumudugong labi ko at pinahid ko yun.

Why did you punch me!?” Sigaw ko sa kanya.

Umigting ang panga niyang tumingin sa akin.

Tell us what happen to Venus!?” Singhal niya ulit.

Wala na kong paki-alam sa babaeng yun. Hindi ko na siya asawa.” Balewala kong sagot na ikinatalim ng tingin nila sa akin.

Bumaling ako sa tabi na table nakapatong doon ang annulment paper namin. Sigurado akong umalis na siya. Alam kong matagal na niyang gustong umalis sa bahay na ito kaya ibinigay ko ang kalayaan na gusto niya. Ngunit napansin ko ang tseke.

Punit yun....

Kaagad na nilapitan ni Louis ang lamesa at kinuha ang papel naglaglagan sa sahig ang punit na tseke. Pagkatapos ay inilipat ang masamang tingin sa akin.

Hay•p ka!” Sigaw ni Louis.

Inambahan ako ng suntok pero agad na napigil yun ni Zander. Habang si Miguel naman ay napapasabunot sa kanyang buhok.

You're getting worse than before Jhared!! Sa tingin mo ba matutuwa si Shalom kung makikita kang ganyan?! Dinamay mo pa si Venus! Inutusan mo kaming bantayan siya at puntahan dito para sa’yo! Pero anong ginawa mo?! Pagkatapos mong papirmahan to kay Venus, nagdalawa ka ng babae sa kama niyo?! I can’t believe you!” Galit na sigaw niya sa akin.

Sobrang nalasing ako kagabi kaya hindi ko na maalala kagabi kung anong nangyari pero naaaninag ko sa isip kung ano man nangyari hindi ko sigurado pero baka ganun nga ang nangyari. Basta ang naalala ko inuwi ako ni Mae at may nangyari saamin kagabi.

Tapos ka na? Umalis na kayo… at kung may paki-alam kayo sa babaeng yun. Hanapin niyo. Pero wag niyo na siyang ipapakita sa akin lalo na kay Lola.” Walang ganang sabi ko sa kanila.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now