Chap14

954 14 0
                                    

     

  Hindi na ako tumutol ang buhatin niya ako mula sa dalampasigan papunta sa white house. Sa bukana pa lamang kami ng bahay ay tanaw ko na ang mga nakasinding kandila sa dadaanan namin.

.
Anong meron?” Nagtatakang tanong ko sa kanya.

“I want to make this night special for both of us.” Nakangiting wika niya. Hinayaan ko na lang siya dahil na-eexcite na rin ako.

Ayyy...talandiii..

Pagpasok namin sa loob ng bahay at nagkalat ang talulot ng kulay pulang rosas.Hindi niya pa rin ako binababa. Hangang makarating kami sa dining area. Bumungad sa akin ang maraming bulaklak sa paligid. Maayos namang nakaset-up ang mesa at ang pagkain. May wine pang kasama.

Dahan-dahan niya akong binaba at ipinaghila ng upuan.

Let’s eat.” Wika niya.

Gustuhin ko man siyang tanungin kung paano niya nagawa ito dahil maghapon ko siyang kasama kaya lang abala ako sa pag-iisip kong paano kami pagkatapos nito.

Naiilang narin ako sa mga tingin niya. Kaya tinuon ko na lang ang aking sarili sa pagkain.

Masarap ba? Mga kaibigan ko ang nagset-up nito.” Nakangiting wika niya.

Kaibigan? You mean sila Louis at Miguel? ” Gulat na tanong ko.

“Yep, Zander  and Prince too.” Sagot niya.

Nanglaki ang mata ko at inikot ang buong sulok ng bahay. Baka nagtatago sila ng hindi ko alam o baka nasa kwarto sila.

Nasaan sila?” Tanong ko sa kanya.

“At bakit mo naman gustong makita?” Nakataas ang kilay niyang tanong.

Matagal ko rin silang hindi nakita. Gusto ko din magsorry kay Prince dahil nagsinungaling ako sa kanya.”

Tsk! Hindi mo na kailangan mag-sorry alam naman nila ang reason at isa pa wala na sila dito at nag yatch party sila syempre with girls…Papunta rin sila sa resort ni Zander kaya hindi mo na sila makikita.” Wika niya.

Natahimik ako...

So pano ba yan? kami lang talaga dito...

Maya-maya ay natapos na rin kami. Inabutan niya ako ng wine at inubos ko ang laman ng isang tunggaan lamang.

Can I dance with you?” Tanong niya

habang nakalahad ang kamay. Ngayon ko palang narinig yung tugtog. Dahil mas malakas ang pintig ng puso ko kanina. Inabot ko naman ang kamay ko at tumayo kami sa gilid ng mesa.

“Sa akin lang dapat ang atensyon mo Venus.” Saad niya na ikinangiti ko.

Pilit kong inaalis ang kaba na nararamdaman ko. Ipinatong niya ang kamay ko sa leeg niya at inikot naman niya ang braso niya sa beywang ko. Nanatili kaming tahimik habang nakatitig sa isa’t-isa. Pakiramdam ko hindi na namin kailangan pang mag-usap dahil nasa mga mata na namin ang mga salitang gusto naming sabihin sa isa’t-isa.

Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa taas parang lalo akong nalalasing sa mga titig niya sa akin. Nasa kwarto na kami nang maramdaman ko ang pagkalas niya ng tali sa damit ko. Ramdam ko din ang paghagod ng kamay niya sa likod ko. Kaya napapikit ako. Nakatulong ang mga rosas at kandila para mas maging romantic ang ambiance ng buong kwarto.

Hindi tuloy ako makapaniwalang yung mga babaerong lalaking yun ang may gawa nito.

Pwede naman sa ibang tao niya ipagawa diba?

Unconditional loveWhere stories live. Discover now