Chap15

890 16 0
                                    

Pagkalabas ko ng opisina ay kaagad kong inayos ang schedule niya for one week.

Mabuti na lang din at tumulong sa akin si Josefin. Siya ang secretary ni Tito Arnold noong nasa Korea kami ni Tita Blaire. Mabuti na lang din at hindi ko pa tinatangap ng lubusan ang pagiging endorser ng Glamoure.

Mas komportable naman ako dito sa opisina lang. Alam ko din naman na hindi din papayag si Jhared. Yung pagpunta ko pa nga lang dito ay sapilitan na. Gusto ko lang sana na magpa-alam ng maayos.

Mabigat man para sa akin na umalis dahil totoong napamahal na ako sa pamilya nila. Yun ang alam kong tama. Kaya lang kailangan ko pang mag-intay ng isang linggo para na rin sa paki-usap ni Tito Arnold.

Sa sobrang dami kong ginawa ay nakalimutan ko ng lunch time na pala kung hindi pa sinabi sa akin ni Josefin ay hindi ko na maalaala sa dami ng tumatakbo sa aking isip.

Kaagad kong inayos ang mga gamit ko sa table, nang tumunog ang phone ko. Nakita kong si Jhared ang tumatawag kaya kaagad kong sinagot.

Jhared….Bakit?”

“Hi baby? Are you busy? Nandito ako sa lobby sabay na tayong mag-lunch.” Wika niya.

Okay, I’ll be there in a minute.” Nakangiting saad ko.

Ilang oras pa lamang kaming hindi nagkikita ay miss ko na agad ang boses niya.

Talandi ka V!!

Nagpaalam ako kay Josefin at babalik din ako after one hour.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako paalis sa desk ay may tumawag na sa akin.

" Ms. Ramirez..."

Ayaw ko sana siyang lingunin, dahil alam kona kung sino yun...Ayaw na ayaw nyang tawagin akong Mrs. Velmon?

Tsss...kaya lang wala akong choice kundi pakitunguhan siya ng normal.

“Yes Sir?” Tanong ko kay Khalil.

“V, pwede bang sabay na tayo mag-lunch? Saka wag muna ako tawaging sir para namang hindi tayo magkaibigan noon.”
Nakakapagtaka, kanina lang halata kong galit siya ngayon kung kausapin niya ako parang normal at parang walang nangyari kanina. Nakangiti pa niya akong niyaya mag-lunch.

Taray ha? Kelan pa nagka mood swing tong Si Khalil? Halos sabay naman kaming lumaki at nag aral.

I’m sorry Khalil, inaantay kasi ako ng asawa ko sa baba.” Pagkasabi ko ay kaagad na akong tumlikod sa kanya at nagtungo sa elevator.

I’m sorry Khal...,

pero ito lang ang naiisip kong paraan para pilitin mo ang mag-move on.

Nalulungkot ako para sa kanya...

Naging sandalan namin ang isa’t-isa noon.

Naging mabuti kaming magkaibigan.

Pero pinili niyang sabihin ang nararamdaman niya para sa akin. Pati na rin ang pagkakaibigan namin ay hindi ko na maisasalba pa.

Mas gusto ko pang magalit siya sa akin. Para malinawan siya, baka sakaling sa ganung paraan ay makalimutan niya ako.  

Move on na Khal...

Plsss...

Bago ako lumabas ng elevator ay tumigil muna ako sa paghakbang.

Nakita ko kasi siyang prente ang pagkakaupo sa lobby. Habang ang ibang mga babae na dumadaan sa gawi niya ay hindi maiwasan na tumingin sa kanya.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now