Chap9

848 17 0
                                    

VENUS P.O.V

         Isang buwan  na mula nang umalis si Jhared. Niyaya ako ni Lola na sundan si Jhared sa New York, pero hindi ako pumayag.

Gusto kong bigyan siya ng oras para sa babaeng mahal niya at hinanda ko na rin ang sarili ko sa magiging desisyon niya pagbalik. Palagi na lamang akong sinasamahan ni Lola sa mall or kahit saan para siguro maaliw ako paminsan-minsan.

Tinuturuan din niya ako sa pagbuburda kaya minsan hindi ko namamalayan na nakakatapos na pala ako kahit isang maliit na bulaklak. Kahit abala pa siya sa maraming negosyo, maraming mapagkakatiwalaan si Lola na tumutulong sa kanya habang wala pa si Jhared.

Matiyaga parin akong naghihintay sa kanya kahit walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik.

Hindi ko alam kong bakit ko rin natitiis ang ganito na maghintay na lamang kahit may karapatan na naman ako sa kanya.

Remember,Asawa mo na sya Venus...

Pero mali parin ehhh...

Alam ko kasi ang katotohanan na sa papel lang ang kasal naming dalawa at kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin.

Masakit,

Sobrang sakit..

Minsan naiisip ko kung tama ba ako ng naging desisyong pagpapakasal sa kanya?

Lalo lang kasi akong nasasaktan ngayon alam kong kasal na kami..

akala ko okay lang sa akin ang nangyari pero habang tumatagal lalo akong nakakaramdam ng pagkasabik na makita siyang muli.

Palagi pa rin naman nadalaw sila Louis at Miguel dito para kumustahin kami ni Lola kaya kahit paano ay nakakalimutan ko ang malungkot.

Iba din kasi ang humor ng mga kaibigan niya palagi nila akong binibiro. Minsan nga pinapili pa nila ako kung sino sa kanila ang pipiliin ko kung hindi ako naikasal kay Jhared.

Mga lokong to?

Balak pa akong ahasin, eh ang gagandang lalaki naman nila para bumingwit ng ibang babae?

Nangingiti na lamang ako. Kahit maloko sila alam ko may respeto sila sa isa’t-isa. Narinig ko din ang usapan nila tungkol kay Zander na may kinahuhumalingang babaeng empleyado sa beach resort nito.

Parehas na parehas ko daw dahil mahinhin din ito at maganda. Namula naman ako sa papuri nila. Pero si Prince  hindi pa siya dumadalaw dito. Hindi naman daw siya galit sa akin. Kailangan lang daw niyang umalis paibang bansa.

Nalaman ko din na malala na daw ang kalagayan ni Shalom. Nalulungkot ako para sa kanya. Napakabata pa niya at napakaganda din nya. mukha din siyang mabait para danasin ang ganoong klaseng karamdaman.

Pero mas nag-aalala rin ako kay Jhared sa kung ano man ang magiging epekto nito sa kanya. Kaya sinasama ko siya sa gabi-gabing pagdarasal ko na sana gumaling na ang babaeng mahal niya.

Naaalala mo sya V, ikaw kaya naaalala pa nya?

Sa mga kwento din sa akin ni Lola tungkol sa kanya. Naniwala akong naging ganun lang siya dahil sa labis na pagmamahal nya kay Shalom.
Kaya labis din itong nasaktan ng iwan siya nito. Minsan tuloy parang gusto ko ng sisihin ang aking sarili. Kung hindi dahil sa akin baka nakipagbalikan pa si Jhared sa kanya. Kahit itinutulak ko siya noon na bumalik kay Shalom ay ayaw niya. Sana tumanggi na lamang ako sa alok ni Lola. Sana kinausap ko na lamang siya na pagtrabahuhan ko na lamang ang perang ginastos niya para sa akin.

Shunga ka Venus!

Pero huli na para magsisi pa ako. Dahil kasal na kaming dalawa. At kailangan ko ng panindigan ang desisyon ko.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now