Chap7

860 17 0
                                    


JHARED P.O.V

OH, Jhared mabuti naman at nakarating ka dito. Balita ko ay masyado kang abala nitong mga nakaraang araw?” Tanong ni Miguel.

Nandito kami sa condo niya. Tinawagan niya kasi ako. Pumunta na lang ako dito kaysa makita ang malungkot na mukha ni Venus. Dalawang beses ko na siyang pinagtangkaan. Dala ng aking galit at emosyon. Hindi ko akalain na sa maiksing panahon na pagkakilala naming dalawa ay nagkaroon na kaagad siya ng malaki ang epekto sa akin.

At lalong tumatagal ay nagiging possesive na rin ako pagdating sa kanya.

Kaya hindi ako papayag na bumalik pa siya sa Khalil na yun!

Kumusta naman ang magandang fiance mo? At pwede ba kaming dumalaw sa inyo para makita si Grandma?” Nakangising tanong ni Louis.

Tsss...

Akala niya siguro nakalimutan ko na ang huling pag-uusap namin.

Si Grandma ba talaga ang gusto mong makita? O baka naman gusto mong sulutin si Venus?”  Sabat naman ni Miguel.

Nagsalin ako ng Black Label sa baso at iniwasang sumagot. Inubos ko muna ang laman bago ako magsalita.

Were getting married in one week.” Seryosong wika ko na ikinagulat nila.

Are you serious bro?” Tanong ni Zander.

Paano si Shalom?” Sabat naman ni Primce na masama ang tingin sa akin.

“I don’t care about her, and besides aalis na ulit siya at iiwan na rin naman niya akong muli.” Walang emosyon na sagot ko.

Muli akong nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok ko ito.

Damn it Jhared!! Aalis siya dahil ayaw mo na sa kanya! Pero kung babalikan mo siya ulit at kalimutan ang galit na nasa puso mo magiging masaya kayo gaya ng dati!” Galit na singhal ni Prince.

Masyado siyang apektado dahil pareho naming gusto si Shalom noon at kababata pa niya ito. Kaya ganun na lamang ito ka-protective sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya.

Kalimutan? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo Prince? Saksi ka kung paano ako masiraan ng ulo nang iwan niya ako! Anong gusto mong gawin ko? Balikan siya na parang walang nangyari!?”

Tama na yan!” Saway ni Miguel.

kulang nalang magsuntukan kami dahil sa pagbabangayan naming dalawa.

Kung gusto mo ikaw na lang ang magpakasal sa babaeng yun! Tignan lang natin kung kakayanin mo kapag ikaw naman ang iniwan niya. Wala na rin akong paki-alam sa kanya. Kahit lumuha pa siya ng dugo sa harapan ko hindi ko siya mapapatawad!”

Fvcking idiot!”

Isang malakas na suntok ang tumama sa aking pisngi. Pinahid ko ang dugo sa gilid ng aking labi sabay harang nila Miguel, Louis at Zander.

Tama na yan! Hindi ko kayo pinapunta dito para mag-away! Para kayong mga bata!” Singhal ni Miguel.

"Babae lang yun mga bro!" sigaw din ni Zander.

Tandaan mo ‘to Jhared!!You don’t deserve to know the truth and you don’t deserve her either!”

“I don’t care about that fvcking damn truth, Prince! She leave me with no regrets! At sinabi niya yun sa pagmumukha ko. What do you want me to do? Crawl and beg for her?! Hell no! I’d rather to be with Venus kaysa sa walang kwentang babaeng yun!” 
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now