Chap6

991 16 0
                                    

VENUS RAMIREZ P.O.V

Tinanaw ko ang pinto kung saan siya lumabas matapos niyang sabihin sa akin na magpapakasal na kami pagkatapos ng isang linggo.

Hindi ako makapaniwala na yun ang maririnig ko mula sa kanya. Dahil iba ang inasahan ko sa nangyari, akala ko babalikan na niya si Shalom?

.Pero bakit sasabihin niya sa akin na magpapakasal kami?

Ganun ba talaga kalaki ang galit niya sa akin kaya niya ako pinahihirapan ng ganito?

O baka naman hanggang ngayon ay naghihiganti parin siya kay Shalom dahil sa pag-iwan nito sa kanya?

Hindi ko alam ang sagot sa tanong ko pero isa lang ang alam ko kung meron mang laman ang puso niya hindi ako yun.

Iniwan niya ako sa kwarto ng mag-isa. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Siguro para umiwas na rin na magtalo pa kaming dalawa. Alam naman kasi niyang ayoko ng manatili pa rito at mas gusto kong bumalik na sa bahay ampunan. Nagdesisyon ako na bukas na bukas rin pupuntahan ko sila Lola para kausapin siya ng masinsinan. Ayokong maging proyekto ni Jhared, para saktan ang babaeng mahal niya. Hindi ako makakapayag na gamitin niya ako.

Hindi!

No!!

Never!!

No way!!

Sa sobrang pagod ay iginupo na rin ako ng antok.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nabungaran ko agad ang nakangiting si Jhared.

Good morning Baby, ipinagdala kita ng almusal pati na rin gamot. Kumusta na ang pakiramdam mo?” Nakangiting tanong niya sa akin.

Ayan na.naman sya sa Pababy baby nya...

Bakit ba nanghihina ako sa twing ganito sya umasta?

Dahan-dahan akong umupo at lumayo ako sa kanya. Siniksik ko ang sarili sa headboard ng kama at kunot noo ko siyang tinignan.

Baka may Demonyong nakakalat dito sa Loob ng kwarto...

Hindi ako naniniwala sa masamang espirito. Pero dahil sa narinig ko mula sa’yo ngayon pa lang naniniwala na ako.” Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.

Narinig ko pa ang paghagikhik niya na ngayon ko lamang nakita.

Ganon ba talaga ako kalupit sayo para sabihan mo ako ng ganyan? Simula ngayon mag-umpisa na tayong muli. Kalimutan na natin ang mga masamang nangyari Baby...” Nakangiting wika niya sa akin.

Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng balahibo ko pati buhok sa ibaba tumayo yata dahil sa sinabi niya. ...

Pati na rin sa paraan ng pag tingin at ngiti niya sa akin.

Hindi ako komportable sa lahat ng ipinapakita niya sa akin.

Baby?"

"Ouhm..baby"

" Tinawag mo akong Baby? Ano bang nakain mo kagabi at masyado naman atang maganda ang gising mo para kausapin mo ako na parang walang nangyari?” Kunot noo kong tanong sa kanya.

Akala niya siguro porke’t galing ako sa bahay ampunan ay madali niyang mabibilog ang ulo ko.

No way!!!!

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Iiwas sana ako pero pinigilan niya ako. Kaya sobrang lapit na namin sa isa’t-isa.

Kung hindi ako umalis dito kagabi sigurado akong may makakain talaga ako. Pero pinigilan ko ang sarili ko kaya sa guest room na lamang ako natulog. At saka masama bang maglambing sa fiancé ko?”

Unconditional loveWhere stories live. Discover now